◌"Sana All" "Sana, Ako rin"◌

279 37 7
                                        

Sa mundong ating ginagalawan
Inggit ating matinding kalaban.
Sakabila ng 'sana all' mo,
Ninanais mo ring ito'y mapasaiyo.
'Sana, ako rin'

Sana all masaya
Yung tipong walang dinadalang problema.

Sana all nakukuha lahat ng gusto
pagmamahal, kasiyahan man o luho.

Sana all kayang ipagmalaki ng magulang
Yung tipong kaya kang ipangalandakan at tanggap iyong pagkukulang.

Sana all buo ang pamilya
Pamilyang iyong masasandalan kapag may problema.

Sana all hindi pariwara yung buhay
Yung tipong balang araw, buhay mo'y mabibigyan ng kulay.

Sana all may marikit na mukha
Yung kayang makakuha ng atensyon ng madla.

Sana all may tunay na kaibigan
Kaibigan na parating nariyan sakabila ng kalungkutan. at.....

Sana all minamahal ng lubusan
Yung kaya kang ituring na isang kayamanan
Karapat-dapat na protektahan at ingatan

Ngunit sakabila ng 'sana all' mo,
Matuto kang makuntento.
Pagkat hindi lahat ng nasasaiyo
Ay nasa ibang tao.

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now