◌Makapangyarihang Salita◌

604 46 10
                                        

"Walang katiyakang mapa ang mga salita,
Ngunit maaari silang makabuo ng sariling ruta.
Rutang may kongkretong pundasyon
Upang hinabing mga salita'y mananatiling may istasyon"

Ang mga salita'y parang ligaw na bala
May patutunguhan ngunit hindi sigurado
Ito nga ba'y ligtas o delikado?
Kaya't ikaw, maaari ka bang mag-ingat sa paggamit sakanila?

Ating di maipagkakaila
Ito'y maaari ring maging kaaya-aya
Nakapupukaw sa puso't damdamin ng bawat-isa
Ngunit sa kasalungat'y nananakit at nakapipinsala.

May mga salitang nakapagbibigay ng pag-asa
Kung kaya't pag pinagsama-sama
Tila ba'y nakabuo ka ng isang sandata
Sandatang kayang labanan ang lahat ng problema.

Nasasaiyo ang desisyon
Ika'y bay mag-iingat sa paggamit nito?
O patuloy na gagamit sa di wastong paraan upang makatapak ng kapwa mo tao?
Basta't ako, alam na aking limitasyon.

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now