Sa aklat ng Genesis 1:1-2:3,
Ating makikita kung paano nalikha ang mundo.
Sa puntong ito naman, aking ipamumulat, ating pangalawang magulang-ang mga guro.
Sa unang paglikha, sila'y gigising ng maaga
Ihahanda ang sarili upang harapin, mga estudyanteng kulang sa aruga.
Pahahabain ang pasensiya upang maiwasan, ang pagsigaw o pananakit sakanila.
At ipakikitang sila'y puno ng enerhiya, upang makuha ang atensiyon nila.
Sa pangalawang paglikha, sila'y kakain ng tanghalian na.
Ngunit minsan, ang iba'y hindi na nakakakain upang makapag handa ng diskusyon at kaydaming nakatambak na gawain pa.
Ang iba nama'y, nakukulangan sa oras ng paghinga
Pagkat mga estudyante kasi'y sobrang nakakapagod na.
Sa pangatlong paglikha, sila'y magtuturo nanaman.
Napakasalimuot na nga ng panahon, isabay pa ang napakaingay na mga estudyanteng tila nasa isang selebrasyon.
Kaya't hindi na matiis ng isang amazona,
At tuluyan na ngang binulyawan ang mga estudyanteng parang taga nayon.
Sa pang apat na paglikha, sila'y magpapahinga naman.
Ngunit sumasagi parin sakanilang isipan,
Nagawa sa mga anak-anakan nila.
"Sila ba'y magtatanim ng galit saakin o patatawarin parin sakabila ng pagbulyaw ko sakanila?"
Sa pang limang paglikha, sila'y magpupuyat naman.
Upang presentasyon kanilang maihanda
At diskusyon ay mapag-aralan.
Naisip niyo ba yon? Pagod na pagod na nga sila, kapakanan parin natin ang iniisip nila.
Sa pang anim na paglikha, sila'y matutulog naman.
Ngunit paggising ng umaga,
Boses ay minamalat at katawan ay nanghihina na.
Ikaw ba namang sumigaw at magsiakyat baba sa hagdan?
At sa pang pitong paglikha, sila'y magbabahagi nanaman ng kaalaman.
Kaalamang hindi lang nasa libro,
Bagkus makatutulong sa tatahakin mong panibagong mundo.
At makapagbabago sa perspektibo mo sa mundong iyong kinagisnan.
Pagkat ang mga guro'y parang kandila,
Binibigyang liwanag nila ang pangarap ng bawat-isa.
Kaya't mabuhay sakanila!
Mabuhay sa mga gurong saati'y ipinamulat ang pagiging huwaran marespeto't madisiplina!
Muli, ako'y nagpapasalamat sainyo ng tuwina.
・・・・・・・・・・・・・・・・
Isinulat ko rin ito para sa ina kong guro.
Ako'y taus-pusong nagpapasalamat saiyo,
Pagkat ako'y pinalaki mo ng wasto.
I love you mami!
Sending love to all teachers out there!♡
YOU ARE READING
Pasilip na mga Pahina (Poems)
PoetryMga pahinang maaaring makapanakit Tanging nais pagkakamali'y dina mauulit At mga pahinang magsisilbing leksiyon Pag-asa't kasiyaha'y ninanais na maging pundasyon ~A book is only started by the author; it is completed by the reader.~ ◌Combination of...
