Sa pagitan ng paglubog ng araw't bukang liwayway,
May ligaw na balang hindi tiyak, kailan sasalakay.
Maaaring sa kahimbingan ng gabi at payapa,
O sa panahong gising ka ngunit wala namang sandata.
Mapupusok, mga mata at aming hindi nakikita.
Nakababangungot na tinig, laging gumagambala.
Idagdag na din, mga patibong na nakapanghihina.
Anupa't nasa isipan, "oras nati'y parating na"
Kinabukasa'y hindi mawari, nananatiling pipi.
Ngayon nama'y tila magkanulo, hindi ko masabi.
Ano nga bang nangyayari? Demonyo'y sumusugod na.
Simula ng katapusa'y, hindi na mapipigil pa.
Mundo nga nama'y mapanghamon ngunit himala'y meron.
Pumilantik ang oras, kaliwanaga'y nangibabaw.
Kalauna'y kinalabit, nakamaskarang naroon.
Winika niyang, "mananatiling ligtas, walang papanaw"
Madilim na kalupaan at napapagal na tinig,
Tuluyan na ngang napawi at saka muling tumindig.
Bumatingaw ang mga pusong walang tigil sa pagpintig.
Wari'y sumisibol ang pagtahan ng nginig sa daigdig.
-Ang tulang ito ay may sukat na 16-16-16-16. Bilang karagdagan, proyekto ko po ito sa Filipino. Hope ü like it. Smileee:)
YOU ARE READING
Pasilip na mga Pahina (Poems)
PoetryMga pahinang maaaring makapanakit Tanging nais pagkakamali'y dina mauulit At mga pahinang magsisilbing leksiyon Pag-asa't kasiyaha'y ninanais na maging pundasyon ~A book is only started by the author; it is completed by the reader.~ ◌Combination of...
