◌Ala-ala't Problema◌

131 18 1
                                        

Pagsapit ng gabi
Ako'y nasa isang tabi
Pinipigilan ang mga hikbi
Namumula ang mga mata
Nahihirapan sa paghinga
At panay ang buntong hininga.

Ewan koba
Ito nga ba'y dahil sa ala-ala?
O dahil sa walang katapusang problema?
O baka naman pwedeng dalawa
Mga ala-alang nakalalasing
At mga problemang nakamamatay.

Hindi ang mga ito ang gabi
Pero sila ang pinili kong makatabi.
Kahit alam kong ako'y mababangungot
Sa patuloy na pag-alala sakanila at di paglimot.

Hanggang sa huminto na ang mga luha.
Inabot na pala ng umaga
Mga matang naghihilam,
Hindi dahil sa pagkapuyat
Kundi dahil sa mga ala-alang nakalalasing at mga problemang nakamamatay.

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now