◌Maskara◌

96 15 0
                                    

Hindi lahat ng nakikita ng mata
Katotohanan ang idinidikta.
Pagkat mga taong iyong nakasasalamuha
Eksperto sa pagkubli ng tunay nilang nadarama.

Maaaring sila'y nakangiti
Ngunit kalungkutan sakanila pala'y nakatali.

Maaaring sila'y totoo
Ngunit pasan pala ng peklat ang kanilang pagkatao.

Maaaring sila'y mala-anghel na napakabait
Ngunit demonyo pala'y nakabalot sakanila at ito'y di maiwawaglit.

Maaaring sila'y may taglay na katapangan
Ngunit unti-unti na pala silang pinapatay ng kontrabidang kahinaan.

Ipagpapatuloy mo ba ang pagsuot nito?
O hahayaan mo ang ibang taong makita, iyong maitim na balahibo.

Ikaw, hindi nga ba nasagi sa iyong isipan
Na baka minahal ka lang nila dahil sa maskarang iyan?

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now