◌Mga Sangkap◌

129 22 1
                                        

Sa bawat putaheng ating hinahain,
Mga sangkap dapat kumpletuhin.
Gaya ng ating tinitirhang bahay
Dapat ito'y kumpleto at matibay.
Halina't ating tunghayan
Kasangkapang kukumpleto sa ating tahanan.

Una, nanay na nagsisilbing ilaw ng tahanan
Pagmamahal nito'y tila magpakailanman.
Siyang unang nagturong magbasa't sumulat
Disiplina at respeto ito'y kanyang ipinamulat.

Pangalawa, tatay na haligi ng tahanan
Maghapong nagta-trabaho upang maibigay ating pangangailangan
Kaya't responsibilidad niya'y ayaw takbuhan
Pagkat nais niya'y pamilya'y mapagsilbihan.

Pangatlo, kapatid na siyang ating sandalan
Parating nariyan pag kailangan
Dika nito iiwan at iyong mapagkakatiwalaan
Kaya't siya'y dapat iyong mahalin ng lubusan.

Pang-apat, lola at lola nating pinagmulan
Mga payo'y nila'y dapat nating malaman.
Kalinga't alaga sa ati'y tila walang kupas
Kaya't sila'y nararapat na mahalin ng wagas.

Pang-lima, tita at titong siyang umaagapay
Sila'y nariyan kung wala si nanay at tatay
Nais nila'y tayo'y mapasakamay
Sa mabuti, payapa at masaganang buhay.

At ang huli, mga pinsang dulot ng iyong kasiyahan
Para na rin silang ating mga kaibigan
Kaya kang tanggapin sa kung sino ka man,
At sa kabila ng iyong kalungkutan, sila'y parating nariyan.

Ang mga kasangkapang ito ay dapat pakaingatan at mahalin habang nariyan.
Pagkat pag may kulang, tila ba'y hindi buo ang tinatawag na 'tahanan'.
Parang isang potahe lang din yan,
Pag kulang, hindi masarap ang kalalabasan.

Pasilip na mga Pahina (Poems)Where stories live. Discover now