Kaydaming katanungan
Ngunit walang kasagutan.
Kaydaming eksplenasyon sa katanungan
Ngunit ito'y hindi naman makatotohanan.
Bakit nga ba laging ako nalang?
Bakit lagi nalang akong sinasaktan?
Hindi ba't nararapat na ako'y mahalin naman?
Bakit lagi nalang akong mali?
Hindi niyo ba naisip na wala namang perpekto sa mundo at lahat nagkakamali?
Bakit lagi nalang akong malungkot?
Hindi ba't nararapat na kasiyahan naman ang ipamalas saakin bilang sagot?
Bakit lagi nalang akong niloloko?
Hindi ba pwedeng pasayahin at mahalin naman ang taong tulad ko?
Bakit lagi nalang akong hindi sapat?
Hindi niyo ba kayang tanggapin na ganito lang ako, minamahal rin pagkat ito'y karapat-dapat?
Bakit lagi nalang akong kinukumpara?
Hindi ba pwedeng maranasan ko ring ipangalandakan sa iba?
At bakit lagi nalang akong problemado?
Hindi ba nila ako matakas-takasan kasi ang alam nila matapang ako?
Ngunit sa kabila ng mga tanong na ito
May nag-iisang sagot na saati'y kukumpleto.
Na tayo'y Kanyang ginawang kakaiba-may sari-sariling kahinaan at kalasakan.
Kaya ikaw, wag kang panghinaan ng loob at hubugin, iyong kalakasan.
YOU ARE READING
Pasilip na mga Pahina (Poems)
PoetryMga pahinang maaaring makapanakit Tanging nais pagkakamali'y dina mauulit At mga pahinang magsisilbing leksiyon Pag-asa't kasiyaha'y ninanais na maging pundasyon ~A book is only started by the author; it is completed by the reader.~ ◌Combination of...
