Chapter 19: Tears

866 47 8
                                    

Chapter 19: Tears

The game ended and our team won. 86-79 ang scores at malaki ang kontribusyon ni Shone sa score ng Mandela High. Southern High wasn't happy pero natanggap naman nila ang naging resulta. After the match, Trace insisted to accompany me on my way home. Balak ko sanang sundan sa ospital sina Shone pero nagtext na si Nia na nakauwi na raw sila.

"You seem quiet." puna ni Trace sabay tingin sa akin.

Nakasuot na siya ng clean t-shirt pero suot niya pa rin ang jersey shorts niya pati ang kanyang sport shoes. He was gripping the strap of his backpack habang hawak hawak naman niya sa isa niyang kamay ang kanyang blue varsity jacket.

Lumingon ako sa kanya at umiling. "May iniisip lang." pag-amin ko.

Ibinaba ko ang aking tingin sa daan habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Ilang blocks na lang ang lalakarin at nasa bahay na kami. Maga'alas nuebe na rin ng gabi.

"It's about what happened to Shone, isn't it?" tanong niya.

Marahan akong tumango. I've been worried about Shone the whole time na nanunuod ako ng game. Kating-kati na nga akong umuwi kanina pero nakakahiya kay Trace kung aalis ako ng hindi nagpapaalam. Haay.

"Ako dapat yun eh." biglang sabi niya na ikinalingon ko.

"What do you mean?" nakakunot-noong tanong ko.

He glanced at me and shook his head.

"Nagkainitan sa loob ng court kanina. Southern High's famous for their dirty games pagdating sa basketball. They don't play clean, Sassy." sabi niya, giving me a quick glance.

"Shone warned me about it pagkatapos ng pangalawang time out during the first half. He told me that he doesn't like the way Southern High plays and that we should be careful." pagpapatuloy niya.

"Bilang Team Captain, alam kong ako ang pinupuntirya nila. Pero even before they could do anything to me, Shone came in to the picture. Itinulak niya ako at siya ang dumipensa. Due to the impact, he fell hard on the floor at napuruhan ang braso niya." pagkukwento niya sa akin.

Napahinto ako dahil sa pagkabigla. I didn't expect na iyon pala ang tunay na nangyari sa loob ng basketball court habang nasa labas ako. Why did Shone do that?

"P-pero b-bakit?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Trace stopped and I did the same. He turned to me and shrugged.

"I don't know either. Siya lang ang makakasagot ng tanong na yan, Sassy." he said, nodding at our house.

Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.

"Salamat nga pala sa pagpunta, ah?" nakangiting sabi niya.

Tumango ako at pilit na ngumiti. "Wala yun." sagot ko.

He approached me at ipinatong niya sa aking mga balikat ang kanyang jacket. Inayos niya iyon at saka ngumiti sa akin. "Pumasok ka na. It's been a long day." mahinang utos niya na ikinatango ko naman.

"S-sige. I-ingat." I stammered dahil hindi ko inaasahang gagawin niya ang bagay na iyon.

Dahil naramdaman kong nagba'blush ako, tumalikod na ako at binuksan ang gate namin. Once inside, I locked the gate at muling tumingin kay Trace.

He smiled and slowly took a step backwards and waved at me. "See you on Monday." masiglang sabi niya na ikinangiti ko.

I nodded then he turned around and walked away. Hinintay kong mawala ang imahe niya sa daan bago ako tumalikod para pumasok sa loob ng aming bahay pero napatigil ako ng mapansing nakatayo si Shone malapit sa hagdan ng front porch.

Wish Catcher (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon