Chapter 20: The Boys
The following morning, I woke up late. That’s why I arrived fifteen minutes late to work. Masyado kasi akong binagabag ng mga sinabi sa akin ni Castel kagabi.
Dali'dali kong itinulak ang glass door ng shop habang sukbit'sukbit ko sa aking balikat ang back pack ko.
"Babe! Ba't ngayon ka lang?" salubong na tanong sa akin Nia ng makapasok ako sa loob ng shop. Dire-diretso akong lumapit sa kanya at inilapag ang backpack ko sa counter.
"May ginawa lang sa bahay kaya natagalan ako." sagot ko sabay bukas ng drawer at hablot ng uniform ko na nasa loob nito.
"Kamusta na si Shone?" tanong niya habang pinanunuod lang ako.
I glanced at her. "Ayun. Medyo okay na rin naman." sagot ko.
"That's a very good news. Sabi nga pala ng doctor kagabi, pwede nang alisin yung cast niya after a week." pagi'inform niya sa akin.
I smiled at her and nodded. "Salamat kagabi best friend ah. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka." sinserong sabi ko sa kanya.
She tapped my shoulder and smiled back. "Wala iyon noh. Malakas ka sa akin. Oo nga pala, hinanap ka sa akin ni Ate Phoebe kanina. Ipinakilala niya na kasi sa akin yung dalawang baguhan." sabi niya.
I bended down at binuksan ang isa pang drawer at ipinasok ko doon ang aking back pack. I closed it at saka umayos ng tayo.
"Nandito na sila?" tanong ko pero bago pa man makasagot si Nia eh biglang may lumabas na lalake mula sa comfort room.
Inaayos nito ang kwelyo ng uniform na suot niya ngayon. Nakayuko siya ng kaunti kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
"I'll introduce him to you." bulong ni Nia sa akin sabay tawag dun sa lalake.
"Hey, Gi!" nakangiting tawag niya sa lalake na ikinatingin nito sa amin.
He smiled and approached us.
"This is Sassy. Bestfriend ko." pagpapakilala ni Nia sa akin ng makalapit ang lalakeng tinawag niyang Gi.
Ngumiti si Gi at nakipag'shake hand sa akin. "It's good to meet you. I'm Gi." sabi niya.
Ngumiti naman ako at tumango. "Glad to meet you too."
We pulled our hands away at the same time. "Yung kasama ko nagpapalit pa ng uniform. He'll be here in a minute." sabi ni Gi.
"What did I miss?" tanong ng mala'musika sa tengang boses ng isang lalake.
Pare-pareho kaming napatingin sa lalakeng nakangiting naglalakad papunta sa amin. Parang slow-mo pa ng tumingin siya sa akin at tumango in recognition. Teka, he's..
"Rowan!" tawag ni Nia sa kanya. He stopped just beside Gi and looked at Nia. "This is Sassy." sabi ni best friend sabay akbay sa akin. "Best friend ko." dagdag nito.
Tumango si Rowan at mula kay Nia, nabaling naman ang tingin niya sa akin. He stretched his right hand towards me, palm open. "Hi, Sassy." bati niya.
I shook his hand. "Hello, Rowan." bati ko rin pero halata pa rin ang pagkabigla sa mukha ko. We both pulled our hands away.
He put both of his hands inside the front pockets of his pants and smiled to me. "I'm glad to see you again." sabi niya.
Naramdaman ko namang lumingon sa akin si Nia kaya kinabahan ako. Manguusisa to, panigurado.
"Hi guys! Are we all set?" bungad ni Uncle Phil kaya pare-pareho kaming napalingon.
"Yes, boss!" sagot naman ni Nia.

BINABASA MO ANG
Wish Catcher (Completed)
Viễn tưởngOne wish. One rule. Two things that will keep them close... and apart at once. ☆☆☆☆ Celestial Series #1 Fantasy | Romance | Action Book Cover by: @risingflare [FIRST DRAFT]