Karylle
National Colleges and Universities Athletic Association (NCUAA) held somewhere in the Visayas. Isa iyong taunang aktibidad na kung saan ang iba't-ibang kolehyo at unibersidad sa buong Pilipinas na rine-representa ang bawat rehiyon ay nandoon para makipag-kompitensya sa iba't-ibang larangan ng palakasan.
Halos mapatayo siya sa kanyang kina-uupuan dahil kampeon ang volleyball team na kahapon pa niya pinapanood. Parang siya nga ang coach ng nanalong koponan dahil sa labis na nararamdaman niyang tuwa. Mahahalata iyon sa inasta niya kanina.
Maya-maya ay napansin niya na tinataasan siya ng kilay ng mga kasama niyang manonood. Dahil yata iyon sa hindi niya alintana na siya lang ang masaya sa kanilang lahat. Naka-upo kasi siya sa banda kung saan naka-upo ang mga tagahanga ng natalong koponan. Kaya umayos na siya at pasimple nang pumalakpak.
Kasali siya sa sports competition na iyon. Isa siya sa nag-representa sa kanilang unibersidad at sa kanilang rehiyon sa larong badminton. Kahapon pa natapos ang kanilang laro kaya araw ng pahinga nila ngayon para mamasyal.
Pero mas pinili naman niyang manood muna ng larong volleyball at nanalo nga ang koponan na sinuportahan niya simula pa lang ng kompetisyon. Ang gagaling kasi ng mga manlalaro. Ngunit may isang manlalaro na pinakamagaling sa mga ito. At ito marahil ang star player ng koponan.
Hindi na niya naiwasang pagmasdan ang bawat galaw ng starplayer ng nanalong koponan habang nakikipag-kamay ito sa mga natalong manlalaro. Nagagalingan talaga siya rito.
Habang nakatingin siya sa star player ay dumating na ang kanina pa niya hinihintay. Ito ang mga kaibigan at kasamahan niya sa badminton na sina Ginger at Pepper Rose. Ang galing naman ng timing ng mga ito dahil tapos na nga ang laro.
Lumabas ang dalawa para bumili ng meryenda habang nanonood sana sila. Sigurado siya na kaya natagalan ang mga ito ay dahil nanood ang mga ito ng basketball. Pero alam niyang hindi ang laro ang pinanood ng mga ito kundi ang mga gwapong manlalaro. Basketball kasi ang gustong panoorin ng dalawa pero pinilit niyang sa volleyball sila manonod. Pinagbigyan siya ng mga ito pero iniwan din kalaunan.
Umupo na ang dalawa niyang kaibigan sa kanyang tabi at binigay sa kanya ang paubos ng popcorn. Marahil ay kinain ng mga ito iyon habang nanonood ng basketball. Pasalamat na lang siya dahil may natira pa para sa kanya.
"Sabi ko na nga ba, K. Crush mo talaga ang star player ng nanalong team," kapagkuwan ay tukso ni Ginger sa kanya.
Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Dahil nadatnan siya ng mga ito na nakatingin siya sa star player ng nanalong koponan ay siguradong tutuksuin siya. Ang totoo ay kahapon pa siya tinutukso ng mga ito. Sinasabi nga ng mga ito na crush niya ang star player.
Magpro-protesta na sana siya at itatanggi niya iyon pero naunahan siyang magsalita ni Pepper.
"Alam mo, pwede ka ng mag-artista," saad nito sa kanya.
"Ha! Paano?" takang tanong niya.
"Galing mong mag-deny, eh," natatawang sagot ni Pepper sa kanya.
Sumimangot siya. Magpro-protesta na talaga siya pero hindi na naman natuloy iyon. "Alam kong nalilito ka, pero aminin mo na kase," sabad ni Ginger sa kanya.
Nagsalubong na ang kilay niya dahil sa pinagsasabi sa kanya ng dalawang katabi niya. "Gusto n'yo kayo ang i-crash ko. Hindi nga, eh. Kahapon pa kayo, ah. Porke ba pinapanood crush na. Iba ang nagagalingan sa humahanga. At isa pa, paano ako magkaka-crush sa kanya?" katwiran niya. Hindi niya alam kung bakit ba pinagpipilitan ng mga ito na crush niya iyon. Hindi ba makita ng mga ito na kafederasyon ni MC at Lassy ang pinagpipilitang crush niya? Lamang lang ang star player ng tatlong paligo sa dalawang artista.
BINABASA MO ANG
I BET YOU
RomanceNabansagang "gay converter" si Karylle dahil sa dami na niyang natuwid na bakla. May kakaiba siguro siyang charm kaya bumabalik ang nawawalang pagkalalaki ng mga ito. Halos tumatalab ang charm na iyon sa lahat ng baklang nakakasalamuha niya maliban...
