Vice
Padabog na kumakatok siya sa pinto ng apartment ni Russel dahil kanina pa siya katok ng katok pero wala pang nagbubukas niyon. Alam niyang may tao sa loob dahil hindi nakakandado ang pinto. Kaya linakasan pa niya ang pagkatok sa pinto. Ilang saglit ay bumukas na ang pinto.
"Sino ka?" mataray na tanong ng babaeng nagbukas sa kanya.
Humarang pa ang babae sa pintuan at ibinalandra ang katawan nito sa kanya. Napansin niya na naka-suot lang ito ng polo shirt at wala ng damit na pang-ibaba kaya nakikita niya ang hita nito. Napangiwi siya roon bago niya ito tingnan sa mukha. Nakita niya na nakataas na ang nabibilang na yatang kilay nito sa kany. Kaya tinaasan na rin niya ito ng kilay. "At sino ka rin?" Nakapamaywang pa niyang tanong din sa babae.
"Sino 'yan?"
Hindi na nakasagot ang babae dahil sa sigaw niyon ni Russel mula sa loob ng apartment.
"Umalis ka dyan sa dadaanan ko at baka hindi ko matantiya, ilipat ko ang paa mo sa ulo mo," pagbabanta niyang sabi sa babae.
Umalis na sa may pintuan ang babae na halatang natakot sa kanya at umupo sa mahabang sofa na kabibili lang niya. Ang totoo ay siya ang bumili sa lahat ng gamit sa loob ng apartment na iyon. Pati ang mga gamit ni Russel ay siya rin halos ang bumili.
Wala ng nakaharang sa pinto kaya pumasok na siya sa loob ng apartment. Pero wala si Russel doon. Maya-maya ay lumabas na ito galing sa banyo. Nagulat ito nang makita siya roon. "Hi, sweetie pie. Anong ginagawa mo dito?" nakangiti ng tanong nito sa kanya.
Hindi niya ito nginitian pabalik. "Bawal na ba akong dumalaw dito?" tanong din niya.
"No, no, no. Sana lang ay sinabihan mo ako na pupunta ka dito," saad nito sa kanya.
"Tinatawagan kita kanina para ipaalam sa'yo na dadalaw ako ngayon pero hindi mo sinasagot. Itong babae yata na 'to ang sumagot sa cellphone mo," lahad niya. "Sino ba 'to na mas maganda pa ang nail polish kaysa sa mukha?"
Napansin niya na sumimangot ang babae dahil sa sinabi niya. Pero hindi naman nito nagawang magprotesta sa kanya.
"Kaibigan ko lang, sweetie pie," agad na sagot ni Russel sa kanya.
"KAIBIGAN mo lang?" pag-uulit niya.
"Oo, sweetie pie. She is just a friend. Walang matulugan kagabi kaya dito nakitulog. But she is now leaving," imporma ni Russel.
Binigay nito ang bag ng babae at parang kinakaladkad palabas ng apartment nito. Lihim pa nitong inabutan ang babae ng isang libo na sumenyas ng 'call me' bago nito isara ang pinto. Akala nito ay hindi niya napansin iyon. Pero kitang-kita ng dalawang mata niya.
"Kumain ka na ba, sweetie pie? Come, lets eat," malambing na alok nito sa kanya bago ito umupo sa mesa. Napansin niya may nakahanda ng pagkain doon. May dalawang plato, baso, kutsara at tinidor. Mukhang kakain pa sana ito at ang babae pero dumating siya kaya hindi na natuloy iyon.
Umiling siya. "Walang matulugan, sabi mo? Kailan pa naging bed spacer ang apartment? Binigyan mo pa ng allowance ang KAIBIGAN mo."
Nabulunan si Russel nang marinig nito iyon. Kaya agad itong uminom ng tubig. "Utang ko 'yung binigay ko sa kanyang pera," paliwanag nito.
Napapikit siya bago siya huminga ng malalim. "Walang manloloko kung walang taong nagpapaloko nga naman. I have been blind to see things the way it is. Thank you, Lord, for allowing me to see reality too soon," mahinahon niyang sambit.
Ang totoo ay hindi iyon ang unang beses na nahuli niya itong may kasamang babae. Maraming beses na pero binibigyang lang niya ito ng pagkakataon. Pero ngayon ay parang naubos na ang pagkakataong iyon. Naisip niyang tama na. Tapos na siyang maging bulag. Kaya tumalikod na siya at naglakad paalis sa apartment na iyon.
BINABASA MO ANG
I BET YOU
RomanceNabansagang "gay converter" si Karylle dahil sa dami na niyang natuwid na bakla. May kakaiba siguro siyang charm kaya bumabalik ang nawawalang pagkalalaki ng mga ito. Halos tumatalab ang charm na iyon sa lahat ng baklang nakakasalamuha niya maliban...