Karylle
Natatawa siya habang pinagmamasdan niya ang paa-paa team na nag-uunahang pumasok sa sasakyan. Uuwi na kasi sila sa Baguio. Kahit hindi sila nakapaglibot sa lungsod ay kailangan na nilang umuwi dahil may pasok pa sila bukas.
"K, dito ka ulit sa harap umupo," mungkahi ni JC sa kanya nang makapwesto na ito sa sasakyan.
"Nauna si Benjie dyan kaya dito na lang ako sa likod," sagot niya habang papasok na siya sa loob ng sasakyan. Nakita naman niya na nakapwesto na ang mga kasama niya. At napansin niya na uupo sana si Vice sa pwesto niya kaya sinita niya ito."Uy, Vice, dyan ako sa may bintana."
"Problema ba 'yon? O 'di, dito na lang aketch," pakli ni Vice. Pagkatapos ay umusog ito sa gitna at binakante nito ang upuan malapit sa bintana kaya umupo na siya roon. Minsan ay hindi naman pala ito mahirap paki-usapan.
"Alis na po kami," paalam na ni Vice sa pamilya nito.
Ngumiti at kumaway naman siya sa pamilya ni Vice. Pati ang ibang kasama niya ay kumaway din sa mga ito.
"Babay po, tita Karylle. Balik po kayo, ah," sigaw naman ni Jayjay habang kumakaway pabalik sa kanya.
Ngiti lang ang naging tugon niya kay Jayjay. Kahit dalawang araw niya lang nakasama ang bata ay nakagaanan na niya ito ng loob. Medyo makulit lang ito pero masunurin naman kapag kinakausap niya ito ng mahinahon.
Maya-maya ay lumapit si tita Rose sa sasakyan at inabutan siya nito ng tatlong kahon ng buko pie. Nalaman kasi ng ginang na paborito niya ang buko pie ng mga ito kaya siguro binigyan siya nito.
"Salamat po, tita," nakangiting usal niya sa ginang. Mabait ito sa kanya simula nang makita siya nito kahapon. Kaya gaya ng apo ng ginang ay magaan din ang pakiramdam niya rito.
Nakangiti ring tumango ang ginang sa kanya. "Gabayan kayo ng Panginoon," saad na nito sa kanila.
Pagkatapos niyon ay umandar na ang sasakyan.
"Peboyrit ka talaga ni mudra dahil special delivery ang buko pie mo. 'Yung iba pinalagay lang sa likod," kapagkuwan ay bulong ni Vice sa kanya.
"Totoo ba?" takang tanong niya.
Tumango si Vice. "Hindi lang ang mama ko, halatang gustong-gusto ka rin ng pamangkin ko. Pati mga ate ko mukhang tuwang-tuwa sa'yo. Baka pati tatay ko na nakabaon na sa lupa natutuwa sa'yo," lahad nito sa kanya. "Pakasalan na kaya kita. Mukhang ikaw ang makakapagpasaya sa buong pamilya ko, eh."
Tumawa siya. "Aalukin mo na ba ako?" pagsakay niya sa biro nito.
"Oo," sagot nito. "Sa pangalawang buhay ko."
Tumawa na naman siya. Sabi na nga ba niya. Pati sa biruan ay inaayawan siya nito. Kaya hinayaan na niya ito. Tumahimik na rin kasi ang katabi niya pagkatapos sabihin iyon.
Wala namang naging problema sa daan. May konting buhol ng trapik lang dahil may inaayos na tulay. Kaya panay ang groufie ng mga kasama niya sa sasakyan na si Vice ang pasimuno habang hinihintay nila na umusad ang trapik.
Maya-maya ay gumalaw na ang mga sasakyan. Kaya para mas maging masaya yata ang byahe ay pinalakas pa ang tugtog ng sasakyan na sinasabayan ng mga ito na si Vice na naman ang nagsimula niyon.
Hinayaan na lamang niya ang mga ito. Isinandal na niya ang kanyang ulo sa bintana. Ilang sandali lang ay nakatulog na siya kahit ang ingay sa loob ng sasakyan.
Nagising siya nang maramdaman niya ang marahang pagtapik ni Lester sa kanya. Nakita niya na huminto sila sa isang kainan. Marahil ay kakain sila kaya huminto sila roon.
BINABASA MO ANG
I BET YOU
RomanceNabansagang "gay converter" si Karylle dahil sa dami na niyang natuwid na bakla. May kakaiba siguro siyang charm kaya bumabalik ang nawawalang pagkalalaki ng mga ito. Halos tumatalab ang charm na iyon sa lahat ng baklang nakakasalamuha niya maliban...