Daot

216 5 0
                                        

Karylle

Nalaman niya mula kay Nega na pumasok na si Vice sa resto-bar. Ibinilin niya kasi kay Nega na sabihan siya kung dumating na ang kaibigan nito. Dahil gusto niya sanang magpasalamat sa pag-asikaso ni Vice sa kanya noong uminom siya. 

Pinuntahan na niya si Vice sa opisina nito. Nakita naman niya na nakabukas ang pinto ng opisina nito kaya pumasok na siya. Nadatnan niya ito na abala sa paggamit ng laptop kaya hindi yata nito napansin ang pagpasok niya.

"Hello, sir," bati na niya.  

Hindi siya nito tinapunan ng tingin man lang. Nakatutok pa rin ito sa laptop at hindi siya pinansin. Pero itinuloy lang niya ang kanyang pakay kahit na ganoon. "Gusto ko lang magpasalamat noong isang araw---"

Padabog na isinarado ni Vice ang ginagamit nitong laptop at tumingin na ito sa kanya. "Oh, right! No'ng nalasing ka at hindi mo kinaya. Uminom-inom ka pa kase. Binigyan mo pa ako ng problema. Hindi ka ba nag-iisip?" inis nitong pakli sa kanya.

Medyo nainis siya sa kanyang narinig. Nakalimutan niya pansamantala na may kasalanan siya rito. "Oo! Noong uminom ako at hindi ko kinaya. Huwag kang mag-alala, sa susunod na iinom ako, sisiguraduhin kong malayo sa'yo. Para hindi mo na ako magiging problema. Pero salamat pa rin sa pag-asikaso mo sa'kin, sir," mariin niyang saad. Sinabi niya iyon kahit na wala naman siyang balak na uminom pa. Ayaw na niya kasing maranasan ang naranasan niya noon. Nagsisi pa nga siya na uminom siya.

Pagkatapos niyon ay lumabas na siya sa opisina ni Vice. Natahimik din naman ito kaya ano pa ang ginagawa niya roon. Pagbaba niya ay lalo siyang nainis dahil nakita niya si Russel. Marahil ay hinihintay nito si Vice. Naisip niyang magsama ang mga ito na dalawa.

"Hi, Karylle," nakangiting bati ni Russel sa kanya. 

Hindi naman niya ito nginitian pabalik. "Hi mo ta rupam," inis pa niyang sagot sa lalaki. Iniwan na niya ito at diretsong pumasok sa kanyang opisina. Tila wala siyang pakialam kung sinupladahan niya ito. *ta rupam-mukha mo

"Magpapasalamat na nga ako. Hindi pa niya tinanggap ang pasasalamat ko, sinupladahan pa ako," inis niyang sabi sa kanyang sarili.

Pero ilang saglit lang ay huminga siya ng malalim at pinakalma na niya ang kanyang sarili. Baka may makakita pa kasi sa kanya na ganoon ang itsura niya at ayaw niyang mangyari iyon. Maya-maya nga ay pilit na siyang ngumiti nang pumasok sa opisina niya si Berlin. Isa ito sa mga waitress ng resto-bar. 

"Ma'am Karylle, may naghahanap sa'yo sa labas," imporma nito sa kanya. 

"Sino daw?" tanong niya. 

"Wala pong binanggit na pangalan. Pero matangad po na gwapo," tila kinikilig na sabi nito sa kanya. 

Sino naman kaya iyon? Nagtataka siya kung sino kaya lumabas na siya para tignan ang naghahanap sa kanya. 

"JC!" gulat na sambit niya nang makita niya ito.

Ngumiti si JC sa kanya. "Hi!" bati nito sa kanya. "Hindi ka pa rin nagbabago, ang ganda mo pa rin."

Ngumiti siya bago marahan niyang tinapik ang balikat nito. "At ikaw bolero ka pa rin," biro niya. "Hindi ka dumalo sa kasal ni Benjie. Buti nagparamdam ka."

"Sayang nga. Gusto ko sanang pumunta kaso sobra talagang busy noong araw na 'yon," paliwanag nito sa kanya. Isa na kasi itong inhinyero sa isang ahensya ng gobernyo. 

Naintindihan naman niya ang hindi pagdalo ni JC sa kasal ng kaibigan nila. Sa pagkakaalam niya nga ay busy talaga ang mga inhinyero lalo na ang mga nasa gobernyo gaya ni JC dahil halos araw-araw ay pumupunta ang mga ito sa mga lugar na may proyekto ang gobernyo para mag-inspek kung sinunod ng mga kontraktor ang nasa programa niyon.

I BET YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon