I like you

209 4 0
                                    

Karylle

Namalengke siya bago umuwi sa bahay nila. Dahil kanina ay galing na naman siya sa bahay nina Vice. Wala siyang magawa dahil hindi niya matiis ang bakla. 

Pagdating niya bahay nila ay nagtaka siya dahil may nakita siyang nakaparadang magarang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Maya-maya ay narinig niya ang kanyang dalawang kapatid na tumatawa.

Baka may magnanakaw at kinakaibigan ang mga kapatid ko. Nasa trabaho pa naman si mama, sa isip niya.

Dahan-dahan na niyang binuksan ang pinto ng bahay nila. Pero imbes na magnanakaw ang nakita niya ay may baklang naka-upo sa sala nila. Tila nadismaya pa siya na hindi magnanakaw ang nadatnan niya.

"Hello, K," nakangiting bati ni Vice sa kanya. 

Tipid na ngiti naman ang itinugon niya rito bago bumaling sa mga kapatid niya. "Bakit kayo nagpapasok ng 'di ninyo kakilala dito sa bahay?" tanong niya sa mga ito.  

"Kilala namin siya, ate. Ngayon nga lang," pilosopong sagot ni Joana sa kanya. 

Napailing-iling siya sa kanyang mga kapatid bago bumaling naman kay Vice.

"Iniwan lang kita kanina sa bahay n'yo. Anong ginagawa mo dito?" medyo naiinis niyang tanong.

"Hindi ba pwedeng sumunod sa'yo," tugon ni Vice sa kanya. "Meron ka ba ngayon, girl? Ang init yata ng ulo mo. Gusto mo ng pampalamig?"

"Oo nga, ate. Hindi bagay sa'yo ang nagsusungit," sang-ayon naman ni Marielle.

"Tamang-tama, ate. Kailangan mo ng fresh air kasi mainit ang ulo mo. Tara sa Camp John Hay," saad din ni Joana sa kanya.

Pagkatapos ay tumayo ito at pumasok sa kwarto nito. Ilang saglit ay sumunod naman dito si Marielle. Paglabas ng dalawa niyang kapatid ay naka-ayos na ang mga ito. 

"Tara na, ate," sabay pang sambit ng dalawa niyang kapatid. 

Naguluhan siya. "Bakit tayo pupunta do'n?" litong tanong niya sa mga ito.

"Basta sumama ka na lang, ate," pakli ni Joana sa kanya.

"Tinatamad ako," pagtanggi niya.  

"Kung ayaw mo sa Camp John Hay, sa Wright park na lang tayo, ate. Gusto mong sumakay ng kabayo, 'di ba?" pangungulit naman ni Marielle sa kanya.

Tama naman ang kapatid niya. Gusto niyang sumakay ng kabayo. Hindi pa kasi siya nakakasakay ng kabayo doon nga sa Wright park.

"Kabayo? Ang redundant naman kung sasakay pa ako sa kabayo. Sa Camp John Hay na lang, girls. Sa akin na lang sasakay ang ate n'yo," sabad ni Vice bago ito kumindat sa kanya.

Tumawa ang dalawang kapatid niya. Tila kinikilig pa yata ang mga ito. Kaya bahagya naman niyang inirapan si Vice na ngumiti lang sa kanya.

"So, girls? Tara na. Kayo na ang bahala sa ate n'yo," saad ni Vice sa mga kapatid niya.

Naguguluhan na talaga siya. Pero bago pa siya makapag-react ay hinila na siya ni Joana palabas ng bahay nila. "Ano ba talagang ginagawa n'yo?" takang tanong niya sa mga ito. 

"Basta, ate. Sumakay ka na lang. Pupunta nga tayo sa Camp John Hay. Magpi-picnic tayo do'n sabi ni kuya/ate Vice," imporma ni Marielle sabay tulak sa kanya papasok sa nakita niya kanina na nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay nila.  

Pina-upo siya ng mga kapatid sa tabi ni Vice na naunang pumasok kanina. Wala siyang nagawa kundi umupo roon. Kailanman kasi ay hindi siya mananalo sa dalawang kapatid niya na umupo naman sa likod nila ni Vice.

"Sorry. This is all my idea. Pumayag naman ang dalawa mong kapatid," pakli ni Vice sa kanya bago ito ngumisi sa kanya. "And you, eventually."

Sumimangot siya. Ang totoo ay nagpapasama si Vice sa kanya kanina na maglibot sa Baguio pero tumanggi siya. Tinatamad kasi siya. Dahil nadatnan na nga siya ng kanyang dalaw kaya medyo bugnutin siya ngayon.

"Ginamit mo pa talaga ang mga kapatid ko," saad niya kay Vice.

"'Effective, 'di ba?"

Inirapan na naman niya ito. Ano pa nga bang magagawa niya? Wala na dahil nakasakay na siya sa umaandar na sasakyan nito.

Pagdating nila sa picnic area ng pasyalan ay si Vice ang nag-ayos sa dala nitong banig. Pagkatapos ay inilapag nito ang mga dala rin nitong pagkain. May dala pa itong frees bee na kinuha ng mga kapatid niya at naglaro di-kalayuan sa kanila. Kasama ng mga ito ang driver nina Vice na si manong Samuel. 

Pinagmasdan na niya ang kanyang mga kapatid na naglalaro. Nahawa siya sa nakikita niyang kasiyahan ng mga ito kaya napangiti siya. 

"That's it, K. You're now smiling."

Narinig niyang usal ni Vice. Kaya napatingin siya rito na malapad ang ngiti sa kanya. Kaya napangiti na rin siya rito.

"Hindi halatang naghanda ka. Hindi talaga. May dala ka lang namang pagkain at banig. May frees bee pa. Mukhang pupunta ka sa lamay," biro na niya.

Tumawa si Vice. "Salamat dahil sumama ka naman sa akin sa pagpunta sa lamay." 

Natawa rin siya. "Salamat din, Vice. Salamat dahil matagal na kaming hindi nakakapunta dito ng mga kapatid ko."

"You're welcome, K," tugon nito sa kanya.

Nginitian niya ito. Pagkatapos ay iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid ng pasyalan. Maraming tao rin na nagpi-picnic kasabay nila. Karaniwan siguro ay magpamilya o hindi kaya ay magkasintahan ang nandoon.

Maya-maya ay naisip niyang humiga sa banig at tiningala ang matataas na pine trees habang pinapakinggan ang mga kwento ni Vice tungkol sa napapansin nito sa mga tao sa paligid nila. Sandali ay napapikit na siya dala siguro ng malamig na simoy ng hangin doon. 












Vice

Napansin niya na napapikit si Karylle habang pinupuna niya ang ginagawa ng magkasintahan na kahilera nila. Naghaharutan kasi ang magkasintahan at tila walang pakialam na may ibang tao sa paligid ng mga ito. Sisitahin na niya sana ang mga ito at tinatanong si Karylle kung pumapayag ito pero hindi siya nito sinasagot. Napansin nga niya na nakapikit ang babae. Tinulugan yata siya nito.

"Karylle?" tawag niya rito. Pero wala itong reaksyon. Tulog na naman ang babaeng 'to na pinsan ni sleeping beauty, sa isip niya.

Hinayaan na niya ito na matulog. Pinanood na lang niya sina Marielle at Joana kasama si manong Samuel na kanina pa masayang naglalaro ng frees bee. Ang sayang panoorin ang mga ito. Lalo na si manong Samuel na kahit may edad ay nakipaglaro at nakikitakbo pa sa magkapatid. This portion is brought to you by planax, naisip niya.

Kapagkuwan ay narinig niya ang kanyang pangalan na sinasambit yata ni Karylle. Kaya napatingin siya sa babae. Tulog pa rin naman ito dahil naririnig pa niya ang mahinang paghilik nito. "Kaloka! Sleep talk ka, girl," natatawang saad niya rito.

Pero bigla siyang tumigil sa pagtawa nang mapatitig siya sa mukha nito. Nanatili na siyang nakakatitig sa babae na tila kinakabisado niya ang bawat parte ng mukha nito.

"Ang ganda mong tanawin," bulong niya kay Karylle.

Maya-maya ay kusang umangat ang kamay niya at humaplos sa pisngi nito. Hinahaplos na niya ang makinis na mukha nito gamit ang kanyang hintuturo. Pero tila naumay siya sa paghaplos sa mukha nito. Kaya unti-unting bumaba ang mukha niya palapit sa mukha nito at dahan-dahang humalik sa noo nito.

"I like you, Karylle," nausal niya ang sinisigaw ng puso niya sa sandaling iyon.  

But only the wind heard what he said. The birds chirped and the pine trees swayed. Tila pabor ang kalikasan sa sinambit niya.

💛💛💛

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon