Vice
Nadatnan niya si Nega na naka-upo lang sa resto-bar nang bumaba siya roon. Inaabangan yata nito ang pagbaba niya. Ngumiti naman siya rito at sa mga tauhan niyang bumati sa kanya.
"Narinig kitang umuungol kagabi. Parang may milagrong ginagawa. Eh, si K naman ang kasama mo. Anong ginagawa n'yo?" usisa ni Nega sa kanya.
"Eh, 'di ang ginagawa ng babae at lalaki. Ang sarap kaya ni K," tugon niya kaya natutop ni Nega ang bibig nito.
Ngumiti siya ng nakakaloko kay Nega bago niya inalala ang nangyari nga sa kanila ni Karylle kagabi.
Naka-suot na siya ng boxer shorts nang pumasok si Karylle sa kwarto niya. Nahalata niya na kinakabahan ang babae. Nakatayo lang kasi ito sa may pintuan at hindi ito makalapit sa kanya.
"Lumapit ka nga sa akin, K. You want to do this, right?" saad niya rito.
"Hindi ko alam kung kaya kong ibigay ang gusto mo, Vice," mahinang tugon nito sa kanya.
"I know. It will be difficult at first but I will guide you till the end. Halika na para masimulan na natin," nanunudyo pang saad niya.
Napangisi naman siya dahil sa nakita niyang reaksyon ni Karylle nang sabihin niya iyon. Tila bumagsak kasi ang balikat nito. Huminga pa ito ng malalim bago ito napilitang lumapit sa kanya.
Umusog na siya para makasampa si Karylle sa kanyang kama. Maya-maya ay hinakawan na niya ito sa magkabilang pisngi. "Ang init mo, K. Kumain ka na naman ng fertilizer," natatawang komento niya. Mula sa pisngi nito ay bumaba na ang mga kamay niya sa leeg nito. Pababa pa sa magkabilang balikat nito. Napa-iktad naman ito nang pisil-pisilin niya iyon.
"Vice," kapagkuwan ay usal ni Karylle sa kanya.
Pero pinatahimik niya ito gamit ang hintuturo niya. Bago siya mag-iwan ng mumunting halik sa pisngi nito pababa sa leeg nito na ikina-pikit nito. Tila nasisiyahan na yata ito sa ginagawa niya rito. Pati yata siya ay ganoon din. Kaya bigla siyang tumigil at nakuntento na lang na titigan ito na nakapikit pa rin. Maya-maya ay dumilat na ito dahil marahil ay wala na siyang sunod na ginawa. Iyon na ang hudyat upang humalakhak siya.
"Got you there, baby!" natatawa pa niyang saad. Nahalata niya kasi kanina na iba ang naisip ni Karylle sa sinabi niyang kapalit ng ginawa niyang pabor dito. Kaya naka-isip siya ng kalokohan at sakyan ang iniisip nitong gusto niya ipagawa rito. Hindi nga siya makapaniwala na naisip nito iyon kaya napagtrip'an niya ito. "Patapusin muna kase bago mag-react, K. Dahil kailangan nga kita sa kama ko para magmasahe."
Sunod-sunod na tapik na sa balikat ang nakuha niya mula kay Karylle nang ibunyag niya iyon. Ang sakit kaya ng mga tapik nito pero hindi naman siya nagprotesta. Inaamin niya kasi na deserve niya iyon.
"Ang sama mo, alam mo 'yon," pakli nito pagkatapos magsawa sa pagtapik sa kanya.
"Ang tagal mo nga dumilat! Bet na bet mo. In-enjoy mo pa," tukso niya kay Karylle. Kaya napansin niya ang pagpula ng pisngi nito bago siya nito tapikin na naman sa balikat pero marahan na iyon.
"Hindi naman, ah," walang kumpyansang tanggi ni Karylle. May katotohanan naman kasi ang sinabi niya kaya hindi nito pinipilit itanggi iyon.
Natawa na siya. "Okay! Sabi mo, eh. Pero curious lang ako, K. Isusuko mo ba talaga sa akin ang Bataan?"
Sinamaan naman siya ng tingin ni Karylle. "Asa ka! Hindi ko 'to isusuko hangga't hindi pa ako kasal," maririing saad nito sa kanya.
Napangiti siya niyon. Alam niyang ma-prinsipyo ito kaya maaaring totoo ang sinabi nito. "Hindi ko rin alam kung paano gawin 'yon. Kaya pasalamat ka at virgin ka pa ngayon," turan niya.
BINABASA MO ANG
I BET YOU
DragosteNabansagang "gay converter" si Karylle dahil sa dami na niyang natuwid na bakla. May kakaiba siguro siyang charm kaya bumabalik ang nawawalang pagkalalaki ng mga ito. Halos tumatalab ang charm na iyon sa lahat ng baklang nakakasalamuha niya maliban...