Para sa'yo ang pagbabagong 'to

252 5 0
                                    

Karylle

Nakatulog siya sa byahe kahit makulit at maingay ang mga kasama niya sa sasakyan. Hindi kasi siya masyadong nakatulog kagabi. Kahit anong pikit ng mata niya ay tumatakbo sa kanyang isipan si Vice kasama ang Russel na iyon. Ewan ba niya.

Pagkalipas yata ng anim na oras ay nagising na lang siya nang huminto ang sasakyan. Nakarating na siguro sila sa bahay nina Vice. Kaya inayos na niya ang kanyang sarili bago siya bumaba sa sasakyan.

Namangha siya sa nakita niya nang lumabas siya sa sasakyan. Magara kasi ang bahay at dalawang palapag iyon. Mas lalo siyang namangha nang mapansin niya na may terrace sa ikalawang palapag ng bahay. Gustong-gusto kasi niya ang bahay na may terrace. Naisip niyang masarap sigurong magtambay doon.

Iginala niya ang paningin. Maganda ang paligid ng bahay na halatang eksperto ang gumawa. Sa di-kalayuan naman ay may plantasyon ng buko. Marahil ay doon kinukuha ang supply ng buko na ginagawang buko pie ng mga ito. 

Maya-maya ay lumabas si Vice mula sa magarang bahay. Nauna kasi itong bumyahe sa kanila. Napansin niyang may kasama ito na isang magandang ginang na natitiyak niyang ito ang mama nito. Mga kapatid siguro nito magaganda ring babae sa likod ng ginang. At marahil ay pamangkin nito ang kasama ng mga ito na bata. Kahawig kasi ng bata ang isa sa dalawang babae.

Pinakilala na ni Vice ang pamilya nito sa kanila. Si Mrs. Rose Viceral, ang mama nito. Sina Alena at Jade naman ang nakakatandang kapatid nito. At ang bibong bata naman ay si Jayjay na anak ng ate nito na si Alena. Tama lahat ng sapantaha niya sa mga kasama nito.

"Tuloy kayo sa loob, mga hijo," anyaya ni Mrs. Viceral sa kanila. Hindi siguro siya nakita ng ginang dahil natatakpan siya ng mga lalaking kasama niya. 

"Ma, naman. Pinapahalata na lalaki lang ang iniimbita ko dito sa bahay," reklamo ni Vice sa ginang bago siya nito ipakilala. "Ma, si Karylle po." 

"Hello po, ma'am," nakangiting bati niya sa ginang. Pagkatapos ay kumaway siya sa mga kapatid ni Vice at sa pamangkin nito. 

Ngumiti naman ang mga ito sa kanya. "Kay gandang bata. Tita na lang, hija," komento ng ginang. "Tayo na sa loob dahil siguradong napagod kayo sa byahe."

Pumasok na sila sa loob ng bahay. Kung anong ganda at gara ng labas ng bahay ay ganoon din sa loob. Sobrang ganda at laki niyon. Namangha na naman siya sa nakita niya. Napansin niya na may mga nakadikit na medalya at certificates sa dingding. Nandoon din ang mga graduation pictures ng dalawang ate ni Vice. May mga litrato pa ng pamilya na nakatayo sa lamesa.

Tinitingnan niya ang mga litrato habang hinihintay ang ate ni Vice na si Jade para ihatid daw siya sa tutulugan niya. Sa isang kwarto raw kasi siya sa itaas matutulog. Ang paa-paa team naman ay pumasok na sa mga kwarto na tutulugan ng mga ito sa baba.  

Maya-maya ay napako na ang tingin niya sa litrato ni Vice noong high school pa yata ito.  

"Lalaking-lalaki siya dyan sa picture, noh?"

Narinig niyang komento ni ate Jade sa likuran niya. Kasama nito ang pamangkin nitong si Jayjay. Hindi naman niya namalayan na nandoon na pala ang mga ito sa likuran niya.

"Parang nga po," sagot niya sa babae. 

Tumingin na din si ate Jade sa litratong tinitingnan niya. "Gwapo ng kapatid ko," may konting yabang nitong sabi. "Pero bakla nga lang."

Tumawa siya. "Oo nga po," walang alinlangang sang-ayon niya. 

Napatingin si ate Jade sa kanya at tila ngumisi ito sa kanya. Nahalata yata nito ang konting paghanga niya sa kapatid nito dahil sa mga sagot niya. Kaya nahihiya siyang ngumiti na lang dito.

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon