The manager

198 5 0
                                    

Four years later

Karylle

"Okay! Here we go," panimulang sambit ng kaharap niya bago ito sumandal sa swivel chair nito.

Nandoon siya sa isang opisina at kasalukuyang ginaganap ang kanyang interview para sa posisyong manager ng Center of Attraction resto-bar. Naka-upo nga sa harap niya ang nag-iinterview sa kanya. Nega Tron ang pakilala nito sa kanya. Ito yata ang may-ari ng resto-bar. Kaya kinakabahan siya ngayon habang binubusisi nito ang kanyang resume.

"24 years old, graduated cum laude with a master's degree in business management and four years working experience," saad ni Mr. Tron sa kanya. Binuklat pa nito ang kanyang resume na hawak nito at seryosong tiningnan ng matagal ang mga laman niyon.

Maya-maya ay napatingin na ito sa kanya at sandaling nag-isip. Ano kaya ang nasa isip nito? Nagdadasal na siya na sana ay maganda ang impresyon nito sa kanya.

"Too young but quite impressive," komento na ni Mr. Tron sa kanya. Tila may kasunod pa yata iyon. "You're hired, miss Tatlonghari. You can start the day after tomorrow," sabi na nga nito sa kanya bago inilahad ang kamay nito para makipag-kamay sa kanya.

Tumayo siya at masaya niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Thank you, sir/ma'am," pakli niya. Nag-alangan siya kung ano ang kanyang itatawag kay Mr. Tron dahil kapag sir ang itawag niya rito ay baka ma-offend ito. Kaya dinungtungan niya ng ma'am. Base sa itsura at kilos kasi nito ay masasabi niyang bakla ito.

"Prove to me that my instinct is always right. That I chose the right person in this position. Kaya mo ba 'yon, miss Tatlonghari?" tila naghahamong tanong nito sa kanya.

Tumango-tango siya. "Kayang-kaya po, sir. I, mean, ma'am," tugon niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Just call me, Nega. Don't worry, I'm not fond of formalities. At kahit alam ko na mas matanda ako sa'yo, 'wag mo na akong pino-po. Feeling ko kase ang tanda ko na. Eh, bata pa naman ako," saad nito sa kanya.

Bahagya siyang tumawa. Sa tingin niya ay mas matanda lang ito sa kanya ng tatlong taon. Kaya medyo bata pa talaga ito. "Okay, Nega. Karylle o K na lang din ang itawag n'yo sa akin," wika niya.

"Well and good. Have a great day, Karylle or K," nakangiting sabi nito sa kanya.

Nginitian din niya ito. Pagkatapos niyang magpaalam sa kanyang bagong boss ay lumabas na siya sa opisina nito.

Nagpapasalamat talaga siya dahil sa kanilang anim na nag-apply ay siya ang nakakuha sa posisyong iyon. Ngayon araw lang kasi niya pinasa ang kanyang aplikasyon na sinundan ng interview at sinabi agad na nakuha nga niya iyon. Mukhang nagmamadali ang kanyang boss na makakuha ng bagong manager dahil hindi na ito nagtanong sa kanya at ibinase lang sa kanyang resume ang pagkuha sa kanya.

Pagkatapos niyon ay diretso na siyang umuwi. Habang naglalakad siya pauwi ay naisipan niyang bumili sa nakita niyang naglalako ng buko pie. Isang simpleng treat iyon sa kanyang sarili para sa maliit na tagumpay na nakamit niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na siya sa kanyang apartment na inuupahan pa lang niya ng isang linggo. Malapit-lapit lang iyon sa pagtratrabahuhan niya. Isang sakay lang ng dyip iyon. Maglalakad lang siya ng mga dalawang daang metro bago siya makarating doon.  

Habang kinakain niya ang buko pie ay tinawagan niya si Ginger para ipaalam na nakuha siya sa trabaho. Ito kasi ang nagbalita sa kanya tungkol sa trabahong iyon.  

"Sabi ko na nga ba, eh. I expect too much, right? Wala bang pakain dyan?" tanong nito sa kanya.

"Meron. Buko pie," tugon niya. Hindi man galing ang buko pie sa buko overload na gustong-gusto niya ay pwede na iyon sa kanya.

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon