Karylle
Nasa simbahan siya dahil ngayon na ang araw ng kasal ng kaibigan niyang si Benjie. Parang reunion ang kasal dahil halos lahat ng kaibigan niya noong kolehyo ay nandoon. May kanya-kanya kasing partisipasyon ang mga ito sa kasal gaya niya. Best man si Lester, Veil sponsor sina Ginger at Mark, at isa naman sa mga bride's maid si Pepper. Hindi nakarating si JC dahil busy daw ito sa trabaho. At si Lito naman ang isa sa pinakamahalagang tao sa kasal. Siya kasi ang Pari.
Hindi pa rin siya makapaniwala na nagpari si Lito. Pero hayan na nga, kailangan niyang maniwala dahil nandoon ito sa harap at ito ang mangunguna sa seremonya.
Lumipas ang ilang sandali ay nagsimula na ang prosisyon. Nauna ang mga principal sponsors na pumasok bago ang mga flower girls. Pagkatapos ay sina Pepper kasama ang ibang bride's maid. Sumunod naman sina Ginger at Mark.
Nakita niya na nakapulupot ang kamay ni Ginger sa braso ni Mark nang pumasok ang mga ito. Kaya iyon ang naisip niyang gawin din dahil sila na ni Vice ang susunod. Pasimple na niyang isinuksok ang kamay niya sa braso ni Vice. Napatingin naman ito sa ginawa niya.
"Anong ginagawa mo?" naiiritang tanong ni Vice sa kanya.
Nginitian niya lang ito. "Tara na. Naiinip na ang susunod sa atin," saad niya. Pagkatapos ay hinila na niya ito kaya napilitan itong sumunod sa kanya. Napangiti naman siya dahil hindi nito inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso nito hanggang sa makarating sila sa harap ng simbahan kung saan magkaiba na sila ng pupuntahang direksyon.
Habang kasalukuyang nagbibigay ng sermon si Father Lito ay tumingin siya sa gawi ni Vice. Tila hindi ito mapakali sa upuan nito. Sigurado siya na dahil iyon sa suot nito.
Kahit kasi tinanggap ni Vice ang role na cord ay nagreklamo pa rin ito. Bakit daw iyon ang ibinigay sa kanya. Dapat daw ay bride's maid ito. Pinilit pa ito ng mga kaibigan niya na mag-suot ng barong. Nakikita naman niya na bagay kay Vice ang barong kaya dapat ay hindi na ito nagreklamo.
Maya-maya ay napailing siya nang makita niya na inirapan na naman siya ni Vice. Nahuli kasi siya nito na nakatingin siya rito. Nginitian na lamang niya ito kahit naka-irap ito sa kanya. Pagkatapos ay itinuon na niya ang atensyon sa kasalukuyang nagaganap na misa.
"I pronounce you husband and wife," maya-maya ay anunsyo na ni father Lito sa kanila.
Pumalakpak siya kasama ng mga taong nakasaksi sa seremonyang naganap nang marinig nila iyon. Kasal na nga sina Benjie at Maureen. Masayang-masaya naman siya para sa mga ito.
Matapos ang medyo mahabang picture taking ay sabay-sabay na silang pumunta sa Center of Attraction kung saan magaganap ang salo-salo ng kasal.
Nakakabinging kasiyahan naman ang sumalubong sa kanila nang pumasok na sila sa loob ng resto-bar. Pagkatapos ay nagsimula na ang salo-salo kaya mas lalong napuno ng kasiyahan ang loob niyon. Pero may konting katahimikan nang sumayaw na ang bagong mag-asawa. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga ito na magiliw na nagsasayaw.
Nang matapos sumayaw ang mag-asawa ay kantahan naman ang sumunod niyon. At may espesyal na hiling ang mga kaibigan niya sa kanya. Gusto raw ng mga ito na kumanta siya. Naisip niyang tutal ay kasal ng kaibigan niya kaya pinagbigyan na niya ang hiling ng mga ito. Nagpalakpakan naman ang mga ito nang umakyat na siya sa make-shift na entablado ng resto-bar at sinimulan na niyang kumanta.
Narinig mo ba ang puso ko
Ang pagtibok ay 'di ordinaryoKung alam mo lang
Ang tunay na pakiramdam
'Di sana'y nagsimula na ang istorya
Pero 'di, 'di mo alam ang nasa isip ko

BINABASA MO ANG
I BET YOU
RomanceNabansagang "gay converter" si Karylle dahil sa dami na niyang natuwid na bakla. May kakaiba siguro siyang charm kaya bumabalik ang nawawalang pagkalalaki ng mga ito. Halos tumatalab ang charm na iyon sa lahat ng baklang nakakasalamuha niya maliban...