Selos much si Vice

241 6 0
                                    

Vice

Nagpasya siyang bumaba ng resto-bar para kumuha ng meryenda dahil nagutom siya. Kape at tinapay lang kasi ang kinain niya kaninang umagahan. Pagbaba niya ay nadatnan niya si JC na kinakausap si ate Ruth. Malamang ay bibisitahin na naman nito ang babae kaya ito nandoon.

Linapitan na niya ang mga ito. "Ako na ang bahala sa kanya, ate Ruth," alok niya kaya iniwan na sila ng head waitress.

"Nandyan ba si Karylle?" tanong ni JC sa kanya.

Tama nga ang sapantaha niya. Bibisitahin nito ang babae. "Wala siya dito. May pinuntahang seminar sa Tagaytay. Limang araw siyang wala dito," walang emosyon niyang sabi.

"Ah, gano'n ba. Pakisabi na lang sa kanya na dumalaw ako," pakisuyo naman ni JC sa kanya. 

"Okay!" pakli niya.

Ngumiti siya dahil aalis na nga si JC. Pero nakita niya na biglang lumabas ang babae sa opisina nito. Hayan tuloy at nakita na nito ang babae.

"Hindi siguro natuloy ang seminar nila kaya bumalik siya," maagap na paliwanag niya kay JC. 

Tumango lang ito sa kanya. Mukhang nakumbinsi ng paliwanag niya ang lalaki. Dahil ang totoo ay alam niya na nandoon lang ang babae sa loob ng opisina nito. Ang seminar sa Tagaytay ng limang araw ay gawa-gawa lang niya. Pasado na nga sana iyon pero biglang lumabas ang babae na hindi niya inaasahan.









Karylle

Nabagot siya sa kanyang opisina kaya lumabas muna siya roon para maunat sandali ang kanyang katawan na medyo matagal na naka-upo. Paglabas niya ay nakita niya si Vice at kasama nito si JC. Kaya lumapit na siya sa mga ito.

"Hi, JC," bati muna niya sa lalaki bago siya bumaling kay Vice. "Hi, sir."

Tumango si Vice sa kanya. Pagkatapos ay iniwan na sila at nakita niyang pumasok ito sa kusina. Masaya naman siya roon sa simpleng pagtango lang ni Vice sa kanya. Hindi gaya noon na para siyang multo na hindi nito nakikita. Kung makita man siya ay iniirapan siya nito. Kaya masaya siya na tila may konting pagbabago na sa pakikitungo nito sa kanya.

Inanyayahan na niya si JC na umupo sa isang bakanteng mesa roon. Hinayaan na niya ito nang magpumilit ito na um-order ng makakain nila. Nakakahiya raw kasi na naka-upo lang sila roon.

Habang kumakain nga sila ay nakita niya na naglalakad palapit sa kanila si Vice. Dala ang laptop nito at umupo ito sa isa ring bakanteng mesa katabi nila. Pagkatapos ay inabala na nito ang sarili sa paggamit ng laptop. Marahil ay doon nito naisipang magtrabaho. Kaya hinayaan na niya ito at ibinalik ang kanyang atensyon sa kinakain niya.

"Kumusta ka na?" maya-maya ay tanong ni JC sa kanya. Sasagutin niya sana iyon pero may narinig siyang komento sa kabilang mesa.

"Hello! Nagkita nga kayo kahapon," saad ni Vice. Hindi niya alam kung sino ang kausap nito. Mag-isa naman ito sa mesa. Hindi naman siguro sila ang pinasasaringan nito.

Maya-maya ay napansin niya na nakakunot ang noo ni JC habang nakatingin kay Vice. Marahil ay narinig din nito ang sinabi ni Vice. Pero itong si Vice ay nakatutok lang sa laptop nito na parang wala itong sinasabi kanina.

"Okay lang ako, JC. Salamat sa pagtanong," pag-agaw na niya sa atensyon nito.

Nawala na ang kunot sa noo ni JC at ngumiti pa ito sa kanya. Mainam naman iyon.

"Pwede bang araw-araw na akong dadalaw dito?" tanong ulit ni JC sa kanya. 

"Pwede naman kapag wala akong masyadong ginagawa," maagap na niyang tugon.

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon