The boss

191 5 0
                                    

Karylle

Nakatayo lang siya sa kanyang opisina habang hinihintay niya si Nega na tawagin siya nito. Ipapakilala raw kasi siya nito sa may-ari ng resto-bar. Nagtataka talaga siya dahil ang buong akala niya ay si Nega ang may-ari niyon. Kahapon lang niya nalaman na hindi pala ito at may ibang nagmamay-ari nga niyon. Hindi pa binabanggit sa kanya kahit pangalan man lang ng may-ari kaya wala siyang ideya kung sino ang makikilala niya mamaya.

"Ate Ruth," tawag niya nang mapadaan ito sa kanyang opisina. Humito naman ito. "Anong pangalan ng may-ari ng resto-bar? Akala ko talaga si Nega ang may-ari."

Ngumiti si ate Ruth. "Ma'am, si sir Nega ay kaibigan ng may-ari ng resto-bar. Ipinamahala niya pansamantala ng halos dalawang buwan sa kanya dahil nagfile ng indefinite leave si sir---" Hindi natapos ang sinasabi ni ate Ruth sa kanya dahil sa pagdating at pagsabad ni Nega sa usapan nila. 

"Ako na magpapatuloy sa kwento ni Ruth dahil nando'n na sa opisina niya si gander," sabi ni Nega sa kanila.  

Nagpaalam na si ate Ruth sa kanila at pumunta na ito sa pupuntahan sana nito nang tawagin niya ito. Kaya naiwan na sila ni Nega.

"So sad kasi kinuha na ni Lord ang lola niya almost two months ago. Kaya nawala siya pansamantala," malungkot na balita ni Nega sa kanya habang paakyat sila sa itaas. Doon sa opisina ng may-ari ng resto-bar na wala pa siyang kaalam-alam kung sino.  

Naalala niya ang dalawang kwarto na nakita niya noong naglibot sila sa resto-bar. Ayon kay Nega ay ang isang kwarto raw ay opisina ng may-ari at ang isa naman ay kwarto na tinutulugan nito kapag naisipan nitong doon muna sa resto-bar lumagi.  

"Pero ngayon ay nandito na siya. And you'll gonna meet him. Don't worry, mabait siya," tila pampalubag-loob ni Nega sa kanya. "Hahanapin mo lang ang kabaitan niya."

Bahagya naman siyang tumawa roon. Malamang ay gusto lang ni Nega na pagaanin ang pakiramdam niya kaya nagagawa nitong magbiro sa kanya. Nahahalata siguro sa mukha niya ang kaba na nararamdaman niya. Naiisip niya kasi na baka hindi siya magustuhan ng may-ari at tanggalin siya.

Si Nega ang nagbukas ng pinto nang makarating na sila sa tapat ng opisina ng may-ari. Ito na rin ang unang pumasok. Sumunod naman siya rito. Kaya mas lalo yata siyang kinabahan nang pumasok na siya sa loob ng opisina. Kinakabahan na siya kahit hindi pa niya nakikita ang itsura ng kanyang boss. Nakatalikod kasi ang swivel chair nito sa kanya.

Naisip niyang batiin ang kanyang boss dahil iyon naman ang dapat ay una niyang gagawin. 

"Good mor---" Hindi niya natapos ang kanyang pagbati nang umikot ang swivel chair paharap sa kanya. "Vice?" hindi makapaniwalang sambit niya. Pero nagdadalawang isip siya kung si Vice ba ang kaharap niya ngayon. Mahaba na kasi ang nakapusod nitong kulay mais na buhok. Kapansin-pansin din ang maayos na pagkakalagay ng make-up dito. Pero kahit parang babae na ang itsura nito ay alam at ramdam niyang si Vice ang kaharap niya.

"Tapos ka na? Did you see something you like?"

Maya-maya ay narinig niyang pakli ni Vice sa kanya. Parang bigla siyang natauhan dahil doon. Kaya iniwas na niya ang kanyang mga mata na matagal na palang nakatingin dito.

"Sorry," usal na lamang niya.

"Oh! You're sorry? Ano pa?" Mababanaag niya ang sarkastiko sa tono ng pananalita nito.

Hindi siya sumagot. Ano bang dapat niyang sabihin? Saan ba niya sisimulan? Tila lahat ng gusto niyang sabihin noon ay nawala nang makaharap na niya ito.

Maya-maya ay tumayo si Vice nang hindi pa siya nagsasalita. Sumandal ito sa mesa habang nakahalukipkip ang mga kamay nito at nakatingin sa kanya.

Napansin na niya na naka-suot pala ito ng bestida. Bumagay naman iyon dito sa tingin niya. Tila walang bahid ang pagkalalaki nito kaya babae na talaga ang itsura nito.

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon