He's a guy, by the way

264 5 0
                                    

Karylle

Nahuli siya sa ensayo nila sa araw na iyon dahil pumunta pa siya sa aklatan para gawin ang pinapagawang asignatura ng isang guro niya. Mayroon pa namang mga estudyante na pumupunta sa aklatan dahil siguro gaya niya ay walang internet sa bahay.

Nagmadali na siyang pumunta sa dressing room para magbihis dahil nakita niya na nandoon si Ms. Concepcion na pinapanood ang mga kasama niyang naglalaro. Naisipan pa nitong pumunta sa ensayo kung kailan siya nahuli. Ayaw kasi ni Ms. Concepcion ang nahuhuli sa ensayo kaya nag-uunahan na ang dalawa niyang paa at binuksan ang unang pintong nakita niya.

Napaawang ang bibig niya dahil sa nakita niya. Nakatalikod kasi si Vice sa kanya at walang suot na saplot maliban lang sa pulang boxer shorts nito. Kaya agad na niyang tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang dalawang kamay.

"What the! Anong ginagawa mo dito?" Kapagkuwan ay bulalas ni Vice sa kanya. Naramdaman siguro nito na hindi na ito nag-iisa sa kwartong iyon.

"So-sorry. Nagmamadali kasi ako at hindi ko napansin---"

"Chos! Nagmamadali, nabulag na. Palusot ka din ano, eh," naiiritang sabad nito sa sinasabi niya.

Tila napanting ang tainga niya dahil sa kanyang narinig. Kaya inalis na niya ang kanyang kamay na nakaharang sa kanyang mga mata at humarap siya kay Vice.

Tingnan natin kung ano ang mararamdaman mo, komento niya sa kanyang isip.

Nakapamaywang na niyang tiningnan si Vice mula ulo hanggang paa. Hindi pa siya nakuntento kaya nginisian din niya ito. Ilang saglit ay parang bigla na lamang nitong naala na naka-boxer shorts lang pala ito. Kaya dali-dali na itong pumasok sa natatakpang bahagi ng dressing room.

Tumawa na siya. "Akin ang korona sa araw na ito, bigas," nakakalokong saad niya.

"May araw ka rin, sakang," sigaw naman ni Vice sa kanya.

Tawang-tawa pa rin siya habang papunta na sa kanilang dressing room. Totoo na hindi naman niya sinasadya kanina. Magkatabi lang kasi ang mga dressing rooms ng mga lalaki at babae kaya hindi na niya napansin na pumasok siya kung naroon si Vice. At dahil na rin sa nagmamadali siya. Iyon ang nais niyang ipaliwanag kay Vice pero sumabad lang ito.

Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya sa dressing room. Naalala naman niya ang nangyari kanina nang dumaan siya sa dressing room ng mga lalaki. Naisip niyang bakla ito pero parang alaga ang katawan nito. Kaya napangiti siya habang naglalakad papunta sa court ng badminton.

"Huy! Nakangiti ka dyan na mag-isa. Ano 'yan?" usisa ni Ginger sa kanya.

"Secret!" turan niya.

Ngumisi si Ginger. "Bastos siguro 'yan kaya sinisikreto mo." 

"Ging!" agad niyang sita sa kanyang kaibigan. Baka may makarinig at isipin pa ng mga ito na totoo iyon.

"Chika lang," sabi nito bago mag-peace sign sa kanya.  "Anyway, saktong pagdating mo ay siya namang pag-alis ni Ms. Concepcion."

"May magandang naman pa lang naidulot na natagalan ako sa dressing room," nakangiti niyang wika. 

"Iba na talaga 'yan, K. Bastos talaga, eh," giit nito sa kanya. 

"Bahala ka na nga sa iniisip mo. Laro na lang tayo para matamaan ko ng shuttlecock ang ulo mo para maalis ang dumi sa isip mo," sabi na niya na ikinataw ng kanyang kaibigan.

Pagkatapos ng ensayo ay sabay-sabay silang pumunta nina Ginger at Pepper sa shower room. Hindi naman nila kailangang mag-unahang pumunta sa shower room dahil maraming cubicles doon.

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon