Nakaka-miss ka pala!

246 5 0
                                    

Karylle

"K ganda, nagpapasama sa'yo ang magaling nating boss," bungad ni Nega sa kanya habang nasa loob siya ng kanyang opisina. 

"Ako daw?" takang tanong niya.

"Oo, ikaw. Hindi ko rin alam kung ano ang trip ni gander ngayon. Basta samahan mo na lang siya. Ako ng bahala dito. Sige na," saad nito sa kanya. Hindi na nito hinintay ang sagot niya dahil lumapit ito sa kanya at pinatayo siya. Marahan pa siyang tinulak nito palabas ng resto-bar.

Paglabas niya sa kanyang opisina ay sinabihan siya ni ate Ruth na hinihintay na siya ni Vice sa labas. Kaya diretso na siyang lumabas ng resto-bar at nakita na nga niya ang sasakyan ni Vice na nakaparada roon. Pumasok na rin siya dahil nakabukas na ang pinto ng sasakyan nito. Parang siya lang talaga ang hinihintay nito.

Nakakabinging katahimikan naman sa loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang mabuhol na trapik na daan. Hindi pa maisipan ni Vice na patugtugin ang radyo ng sasakyan nito para may tugtog man lang sila na naririnig. Nahihiya naman siyang kausapin ito kahit nagtataka siya kung bakit ito nagpapasama sa kanya at kung saan pa sila pupunta.

Maya-maya ay huminto ang sasakyan dahil berde ang kulay ng stop light. Kaya naisipan niyang kausapin na si Vice. Baka-sakaling wala ng rason dahil hindi na ito nagmamaneho.

"Uhm, sir, pwedeng magtanong?" panimula niya.

"Hindi ka ba nagtatanong sa lagay na 'yan?" pataray na tanong din nito sa kanya.

Napailing siya sa kanyang sarili. Nagpaalam lang siya dahil baka kasi hindi siya pwedeng magtanong. "Sorry," nakayukong sambit na niya.

Ilang saglit ay narinig niya ang paghinga ng malalim ni Vice. "I'm sorry, too," turan nito sa kanya. Kaya napatingin siya rito na nakatingin na rin pala sa kanya. Sasabihin niya sana na wala itong dapat ika-sorry pero sinenyasan siya nito na tumahimik muna siya na sinunod naman niya.

"I'm sorry that it took me only now to realize that you have no fault at all. Tama ka, ang manhid ko. Masyado akong ma-pride kaya nahihirapan ka nang abutin ako. Pero huwag ka ng mag-alala dahil bumili na ako ngayon ng bagong detergent," nakangiting saad ni Vice sa kanya. "I lost you before, but I can't lose you now. Because you're my genuine friend so dear to me."

Naluluha siya habang pinapakinggan niya ang sinasabi ni Vice. Pero noong bitawan na nito ang huling sinabi nito ay doon na siya tuluyang naiyak. Dahil dumating na ang araw na pinakahihintay niya. Ang araw na magiging maayos na sila ni Vice. Kaya naiiyak siya dahil sa sobrang kasiyahan na nararamdaman niya.

"No'ng hindi tayo okay, naiiyak ka. Ngayon na okay na tayo, naiiyak ka pa rin. Ano ba talaga, ate?" birong sabi nito sa kanya. 

Tumawa siya habang lumuluha pa rin ang kanyang mga mata. Hindi kasi niya mapigilan ang mga mata niya na lumuha kahit nakatawa na siya.

"Tears of joy kaya 'to. Hindi mo kasi alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Salamat. Salamat, Vice," puno ng emosyon niyang sambit.

Ngumiti si Vice bago nito kunin ang panyo sa bulsa nito at pinunasan ang mga luha sa mga mata niya na parang gripo yata sa pag-agos. Pagkatapos ay marahan siya nitong hinila at buong higpit siyang yinakap nito. Tila pinaparamdam niyon na masaya rin ito sa pagbabati nila. Kaya yumakap siya kay Vice nang mas mahigpit pa sa yakap nito.

"Nakaka-miss ka pala," kapagkuwan ay usal nito sa kanya. 

Awtomatikong napangiti siya niyon. "I miss you worse, Vicey," tugon niya. 

"Worse?" takang tanong nito. 

"Oo. Para maiba naman. Too or more na lang kase palagi," birong sagot niya.

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon