Karylle
Tinitingnan niya ang listahan niya kung ano ang kailangang bilhin at gawin sa resto-bar at kung sino ang mga naka-toka sa mga iyon habang naka-upo siya sa kanyang opisina. Malapit na kasi ang araw ng mga puso at may naisip na silang konsepto at mga pakulo dahil siguradong dadagsain ang resto-bar sa araw na iyon. Kaya habang maaga pa ay naghahanda na sila.
Maya-maya ay narinig niyang may kumakatok. Kaya tumayo siya at pinagbuksan ito. Nakita niya na si Winter iyon.
"Good morning, ma'am. Bulaklak po para sa'yo galing po kay sir Vice," nakangiting sabi ni Winter sa kanya. Pagkatapos ay iniabot nga nito ang hawak nitong isang tangkay ng tulip na may nakadikit na maliit na card doon.
Nagtaka man siya ay nakangiting kinuha niya ang bulaklak. "Thank you, Winter. Pero para sa'n daw 'to? Maagang pa-valentines? Next week pa naman ang valentines day," saad niya.
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi ko po alam, ma'am. Sinabi lang po ni sir Nega na ibigay ko po sa'yo na galing nga po kay sir Vice," sagot nito.
Batid niyang hindi talaga nito alam at sinunod lang nito ang inutos dito. "Sige, Winter. Salamat ulit," pakli niya. Tumango naman ito sa kanya at lumabas na sa kanyang opisina.
Ngayon na mag-isa na siya roon ay hindi na niya itinago ang kilig na nararamdaman niya. Inamoy-amoy niya ang bulaklak na hawak niya bago niya binuksan ang card niyon.
K, dugo ka ba?
Bakit?
Bampira kase ako. Kailangan kita para mabuhay.
-V
Napangiti naman siya sa nabasa niya. Mukhang maganda ang magiging araw niya dahil sa natanggap niyang bulaklak at may kasama pang nakakakilig na pick-up line mula kay Vice. Pero naisip niya na ano ba iyon? Linoloko-loko na naman ba siya nito?
Nagpasya siyang lumabas muna ng kanyang opisina para masagot ni Vice ang mga tanong niya. Pero wala ito sa opisina at kwarto nito. Maging sa resto-bar ay hindi niya ito makita. Kaya tinawagan na niya ito pero may katawag yata ito dahil hindi pumapasok ang tawag niya. Naisip na lang niya na tanungin ito kapag nakita niya ito.
Hindi naman niya nakita si Vice buong araw hanggang sa maka-uwi siya. Maiinis na yata siya rito pero mas pinili niyang palampasin iyon.
Medyo late siyang pumasok sa resto-bar kinabukasan. Nahirapan kasi siyang makasakay ng dyip kanina. Ewan ba niya. Parang dumami ang mga pasahero. Nakipag-unahan lang siya kaya siya nakasakay.
Pagpasok niya sa kanyang opisina ay nakita niyang may isang tangkay ng pulang rosas na may kasamang card sa kanyang mesa. Nagtataka siya dahil paano nakarating iyon doon kung nakasarado ang opisina niya. Ang gwardya lang na si kuya Roel ang may hawak sa duplicate key ng kanyang opisina. Imposible naman na ito ang nagbigay sa kanya. Kaya kinuha na niya ang bulaklak at binasa ang laman ng card para malaman kung saan galing iyon.
K, toccino ka ba?
Bakit?
Kase, you're fantastic.
-V
Tila nagpasalamat siya na hindi si kuya Roel ang nagbigay sa kanya. May asawa at anak na kasi ito. Pero maaaring ito ang naglagay sa bulaklak doon dahil marahil ay inutusan ito ni Vice.
Napailing na siya sa kanyang sarili bago inilagay ang bulaklak sa plorera kasama ang binigay ni Vice kahapon.
Lumipas ang isang linggo na ganoon. Pagpasok niya sa kanyang opisina ay may isang tangkay ng bulaklak na may kasamang card sa kanyang mesa. Minsan naman ay binibigay ng mga waiters sa kanya. Lahat ng mga iyon ay galing kay Vice. Kinilig siya noong una pero kalaunan ay nahihiya na siya sa mga katrabaho niya na inaabala nito.
BINABASA MO ANG
I BET YOU
RomanceNabansagang "gay converter" si Karylle dahil sa dami na niyang natuwid na bakla. May kakaiba siguro siyang charm kaya bumabalik ang nawawalang pagkalalaki ng mga ito. Halos tumatalab ang charm na iyon sa lahat ng baklang nakakasalamuha niya maliban...