Baktol you

218 3 1
                                    

Karylle

"Maligayang kaarawan, K!"

Iyon ang nakasulat sa malaking tarpaulin na nakadikit sa dingding ng resto-bar. Kanina pa nga niya naririnig iyon sa mga katrabaho at ilang mga kaibigan niya na dumalo sa salo-salo na kasalukuyang nagaganap dahil nga kaarawan niya ngayon. Kaya pakiramdam niya ay nakapag-ehersisyo ang kanyang bibig dahil sa kakangiti at kakasalamat sa mga ito.

Dapat talaga siyang ngumiti at magpasalamat dahil akala niya ay simpleng salo-salo lang iyon pero magarbong selebrasyon pala ang nadatnan niya. Pagdating sa pagkain, dekorasyon, at mga kasuotan ng mga bisita ay halatang pinaghandaan ang mga iyon. Parang debut nga niya iyon na hindi niya naranasan noong ika-labin-walong taong gulang niya. Kaya nagagalak siya ng husto dahil doon.

Gusto na nga niya sanang magpasalamat sa naging punong abala sa preparasyon pero hindi niya mahagilap si Vice kahit kanina pa nagsimula ang selebrasyon.

"Si Vice?" tanong na niya kay Nega. 

"Hindi ka ba nasabihan? Pagkatapos niyang siguraduhin na maayos ang lahat ay umalis naman ito. Narinig kong tumawag si Russel. Kaya siguro gumorabels na siya," balita nito sa kanya. 

Bumagsak ang balikat niya dahil doon. Hindi niya maitago ang dismayang nararadaman niya. Pero pinilit niyang inintindi iyon. Mas prayoridad nga naman ni Vice ang kasintahan nito kaysa sa kanya. Sino nga ba siya? Isa lamang siyang kaibigan.

Napabuntung-hininga siya. Naisip niyang huwag siyang masyadong magpa-epekto roon dahil may mga bisita pa siyang dapat asikasuhin. Gaya nina Mark, Lester, Ginger at Pepper na nagpaalam lang sa mga trabaho para lang dumalo sa kaarawan niya. Pero maya-maya rin ay pa-isa-isa na nagpaalam ang mga ito sa kanya dahil may kanya-kanyang emergency daw na dumating. Nagsabay pa ang mga ito. Si Ginger ang huling nagpaalam sa kanya dahil may totoong emergency na dumating dito. Isa nga itong nars sa ospital.

Mag-isa na siyang naka-upo sa mesa kaya tumabi sa kanya si Nega.

"No show pa rin si gander. Ano kayang nangyari do'n? Naka-off pa ang cellphone niya," saad ni Nega sa kanya.

"Hindi na 'yon dadating," mahinang sambit niya.  

"Kung na-Indiana Jones ka ni gander ngayon, sigurado akong babawi 'yon," pag-aalo ni Nega sa kanya.

Kahit naman babawi si Vice sa kanya ay iba pa rin kapag sa totoong araw mismo. Kaya naiinis na siya dahil napako ang pangako ni Vice na dadalo ito sa kaarawan niya. "Who cares?" inis niyang pakli.

"I care, they care and of course, you care," birong sagot naman ni Nega sa kanya. 

Napailing-iling na lang siya sa pagbibiro nito. Pero tama naman si Nega. She does care. Pero hindi niya iyon inamin. Maya-maya ay iniwan din siya ni Nega dahil ito na raw ang kakanta sa nakasalang na kanta sa videoke machine. Kaya naiwan na naman siyang mag-isa sa mesa.

Naisip niya na siya ang may kaarawan pero nakatunganga lang siya roon. Ano bang magagawa niya? Hindi naman siya umiinom. Hindi rin siya nagsasayaw. Kaya tinanggap na niya na uupo lang siyang mag-isa at papanoorin ang mga nagsasayaw sa kinakanta ni Nega habang sinisipsip ang kanyang fruit juice. Pero ilang sandali ang lumipas ay may humalik sa kanyang pisngi nang walang paalam. Kilala na niya kung sino ito. Dahil dumating na ang isa rin sa akala niya ay hindi na dadalo sa kaarawan niya.

"Happiest birthday to my girl-friend," masiglang bati ni Anne sa kanya bago ito umupo sa kanyang tabi. "Am I super late that I'm too early for tomorrow?"

Ngumiti naman siya bago umiling-iling. "You're just right on time, Annie," tugon niya. Totoo naman iyon dahil dumating ito noong kailangan niya ng kasama.

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon