Karylle
Napagod siya sa byahe kaya pagdating niya sa hotel na tutuluyan nila ay agad siyang napahiga sa kama. Kararating kasi nila sa Laguna para sa limang araw na educational field trip nila.
Halos lahat ng kurso ng unibersidad ay may field trip. Ibig sabihin ay bawat estudyante na nasa ika-apat na taon ay kailangang sumama dahil kung hindi ay may ipapagawang proyekto sa mga maiiwan.
Ilang sandali lang ang lumipas ay bumangon na siya. Kanina pa kasi tumutunog ang cellphone niya pero hindi niya pinapansin. Kinuha na niya iyon at binasa ang mga mensaheng natanggap niya. Nag-reply siya sa kanyang mama at mga kaibigan niya. Tinatanong lang ng mga ito kung kumusta siya. Pinarating naman niya sa mga ito na nakarating siya ng maayos doon.
Itatago na sana niya ang kanyang cellphone dahil naisipan na niyang mag-shower pero tumunog ulit iyon.
"Uy, Karylle, bakit wala ka sa practice kanina?" mensahe ni Vice sa kanya. Hindi siya nakapagpaalam dito kaya marahil ay nagtataka ito kung bakit wala nga siya sa gym. Nakita niya kasing kasama na naman nito si Russel kaya hindi na niya nagawang sabihin dito kahapon.
"Ikaw ba ang coach namin para kailangang magpaalam ako?" pataray na sagot niya.
"Ang sungit mo naman. Meron ka ba ngayon?"
Wala siyang dalaw ngayon. Nainis lang siya kay Vice dahil naalala niya ang tagpong natunghayan niya kahapon. Hindi naman nito alam iyon.
"Sorry. May field trip kase kami kaya mawawala muna ako ng ilang araw," mahinahon na niyang sagot.
"Ganern! Sino mga kasama mo?"
"Kaming fourth years. Nandito si Anne. Pati si Lito kasama ko," imporma niya.
Matagal na siyang naka-upo sa kama at naghihintay ng sagot ni Vice pero wala pa rin siyang natatanggap. Kaya nagpasya na siyang pumasok sa banyo.
Pagkatapos niyang mag-shower ay sinipat niya ang kanyang cellphone para tingnan kung sumagot na si Vice. Pero nakita niya na wala pa rin itong sagot.
"Ano kayang nangyari do'n?" nayayamot niyang pakli sa kanyang sarili. Sumimangot na siya habang sinusuklay ang kulot niyang buhok sa malaking salamin ng kwarto.
Maya-maya ay narinig niya na bumukas ang pinto ng kwarto. Mula sa salamin ay nakita niya na si Anne ang pumasok. Ito ang kahati niya sa kwarto. Naglibot pa kasi ito sa hotel kasama ng ibang kaklase nito kaya hindi sila nagsabay pumasok sa kanilang kwarto. Tinatamad lang siya kanina kaya hindi siya sumama sa mga ito.
"What can I do to wipe that pout on your pretty face?" tanong ni Anne sa kanya. Napansin siguro nito na nakasimangot siya.
Humarap na siya rito. "Don't mind me. Nag-eemote lang ako," biro niya.
Ngumiti ito sa kanya. Pagkatapos ay binuksan nito ang dala nitong bag at may kinuha ito roon. "Here," sabi nito at binigay sa kanya ang kinuha nito sa bag.
Namilog ang kanyang mga mata nang makita niya kung ano iyon. Isang malaking bar ng black chocolate kasi ang hawak niya. "Thanks, Annie," tuwang-tuwang pakli niya. Mukhang matalas ang memorya nito dahil minsan lang niya nabanggit dito na paborito niyang kumain ng chokolate.
Agad na niyang binuksan ang chokolate at dahan-dahan niyang isinubo iyon. Napapikit pa siya habang nginunguya iyon. Alam niyang medyo sobra ang reaksyon niya. Pero kahinaan talaga niya ang pagkain na chokolate.
Maya-maya ay dumilat na siya nang marinig niya ang pagtawa ni Anne. Tinatawanan yata nito ang inaasta niya ngayon. Kaya awtomatikong sumimangot siya rito.

BINABASA MO ANG
I BET YOU
RomansaNabansagang "gay converter" si Karylle dahil sa dami na niyang natuwid na bakla. May kakaiba siguro siyang charm kaya bumabalik ang nawawalang pagkalalaki ng mga ito. Halos tumatalab ang charm na iyon sa lahat ng baklang nakakasalamuha niya maliban...