Hindi ako aamin kase girl ako

228 5 0
                                    

Karylle

Dinadama niya ang malamig na simoy ng hangin na tila humahaplos sa kanyang balat habang naglalakad siya papasok sa unibersidad. Nakabalik na nga siya ng Baguio pagkalipas ng limang araw na educational field trip nila.

Pagkatapos ng klase niya ay agad siyang pumunta sa gym. Miss na miss na niya kasing mahawakan ang kanyang boyfriend a.k.a. raketa niya.

Pagpasok niya sa gym ay pakiramdam niya para siyang balikbayan dahil sa nadatnan niya. May banner kasi na 'Welcome back, Karylle'. Hawak niyon ng mga kaibigan niya. Nakita pa niya na kumpleto ang paa-paa team na sumalubong sa kanya at kasama ng mga ito si Vice.  

Si Ginger ang unang lumapit sa kanya. "Kumpleto na ang mga araw ng paa-paa team dahil nandito ka na," sabi nito pagkatapos ay bumulong ito sa kanya. "Lalong-lalo na si Vice."

Bahagya siyang napangiti niyon. "Limang araw lang naman akong nawala. Pero parang limang taon dahil sa mainit na pagsalubong n'yo sa akin," biro niya sa mga ito.

"Oo naman. Ramdam mo na ba ang pagmamahal ko---I mean, namin sa'yo?" natatawang tanong ni JC sa kanya.

"Sobra! A for effort. Salamat sa inyong lahat," nakangiting pakli niya sa mga ito. Ngumiti rin ang mga ito sa kanya at mahahalata sa mukha ng mga ito ang galak sa pagbabalik niya. Ngayon niya lang napagtanto na swerte siya sa mga ito.

Maya-maya ay napatingin na siya kay Vice. Kahit nandoon ito ay hindi niya maramdaman ang presensya nito dahil kanina pa ito tahimik. Kaya hindi pa niya alam kung ano ang nararamdaman nito sa pagbabalik niya.

"Mukhang may isa dyan na walang pa-welcome. Wala bang welcome back hug, Vicey?" biro na niya rito. 

Ngumiti si Vice sa kanya pero mapakla. "Kaloka! Sige na nga," pagpayag nito sa biro niya. Pero sa halip na sa kanya ito yumakap ay kay JC ito yumakap. Umiling-iling naman siya sa ginawa nito.

"Kay K," sabay-sabay na sita ng ibang kasama niya sa bakla. 

Sumimangot si Vice. "Naman, eh!" reklamo nito.  

Natawa na lamang siya. Akala niya ay hindi na siya nito pagbibigyan pero walang anu-ano'y yumakap ito sa kanya. Naramdaman niya na sobrang higpit niyon. "Na-miss kita," usal pa nito sa kanya.

Awtomatikong napangiti siya nang marinig niya iyon at kusang pumulupot na ang kanyang kamay upang mahigpit na yumakap din dito. Hindi na niya alam kung ilang minuto silang magkayakap. Pero kumalas din sila sa isa't-isa nang marinig niya ang sunod-sunod na pag-ubo ng ibang kasama nila. May sipon ba ang mga ito? Ewan niya.

"Group hug," sigaw ni Mark na ginawa naman ng ibang kasama nila. Kaya imbes na lumayo sa isa't-isa ay napalapit muli siya kay Vice dahil naipit sila sa gitna ng yakapan ng mga ito.

"K, mamaya pagkatapos ng practice natin, punta tayong lahat sa bahay ng lola ni Vice," kapagkuwan ay imporma ni Lester sa kanya pagkatapos ng yakapan nila. 

Takang napatingin siya kay Vice. May okasyon ba ito ngayon na nakaligtaan niya lang? Pero parang wala naman sa tingin niya. "Anong meron?" tanong na niya kay Vice.

"Magpapa-party si Lester dahil birthday niya ngayon. Mabait akong kaibigan kaya in-offer ko ang bahay ni lola," balita ni Vice sa kanya.

Iyon pala ang okasyong nakalimutan niya. Iyon ay ang kaarawan ni Lester ngayon. "Happy Birthday, Lester. Pasensya ka na. Wala akong dalang regalo," sabi niya.  

"It's the presence that counts not the presents. Kaya kung balak mong 'wag sumama, 'wag mo ng ituloy," saad ni Ginger sa kanya. 

Natawa siya dahil tila nabasa ni Ginger ang nasa isip niya. Hindi nga sana siya sasama sa mga ito. Siguradong iinom kasi ang mga ito. At hindi naman siya umiinom. Siya na naman sigurado ang uubos ng pulutan ng mga ito mamaya.

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon