BET

185 7 0
                                    

Vice 

"I like you, Karylle."

Natatawa siya habang inaalala niya ang sinambit niya sa babae. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa niya rito noong pumasyal sila sa Camp John Hay. Did he really mean that? He thinks he was just caught in the moment.

Napapailing na siya habang inaayos niya ang kanyang sarili sa dressing room.

Maya-maya ay pumasok si Lito sa dressing room. Napansin niyang seryoso itong nakatingin sa kanya.

"Vice, I hate to say this but—-"

"Nosebleed, tol. Takot nga ako sa dugo," sabad niya. Hindi naman niya sineryoso ang seryosong si Lito. 

Hindi din naman pinansin ni Lito ang pamimilosopo niya. "Makinig ka, Vice. Alam kong close na close na kayo ni K. Pero kaya lang naging malapit siya sa'yo dahil may pustahan sila ni Ginger. Gagawin ka daw niyang lalaki pagkatapos ng taon na ito," bunyag nito. 

Natawa siya. "'Yung totoo? Ako ba o ikaw talaga ang pinagpustahan nila? Gagawin kang tao na napakahirap gawin. Maniniwala pa ako do'n."

Seryoso pa rin ang mukha ni Lito habang nakatingin sa kanya. Hindi yata matitinag ng pag-ookray niya rito ang kaseryosohan nito. "Narinig ni JC at na-kwento sa akin no'ng nag-inuman tayo sa birthday ni Lester. Hindi daw nagsisinungaling ang taong lasing kahit na anong mangyari," pagpapatunay nito. 

Nagsalubong na ang dalawang kilay niya. Ano bang pinagsasabi nito? Lasing yata ito. Pero base sa nakikita niya ay hindi naman. Naisip na niya na baka nag-seselos lang ito kaya gumagawa ito ng kwento.  

Habang pinipilit niyang isuksok sa kanyang isipan na hindi totoo ang sinabi ni Lito ay pumasok si JC sa dressing room. Nagtataka sigurado ito kung ano ang ginagawa nila ni Lito.

Kahit hindi siya naniniwala sa sinabi ni Lito ay natatawang tinanong niya si JC. "May pustahan daw ba sina K at Ginger na gawin akong lalaki, sabi nitong si Lito?"

Tila nabigla si JC sa tanong niya at hindi ito sumagot agad. Bakit ganoon ang reaksyon nito? Parang may posibilidad yata na hindi gawa-gawa ni Lito ang sinabi nito kanina. Bigla na siyang nakaramdam ng takot. "JC, totoo ba ang sinasabi ni Lito?" lakas-loob niyang tanong. 

Bumuntong-hininga si JC. "O-o," nag-aalangang sagot nito. 

Ibig sabihin ba ng oo nito ay totoo na pinagpustahan siya ng magkaibigan?
Hindi yata siya maniniwala roon. Baka oo kasi na gawa-gawa lang ni Lito iyon. "Anong oo, JC?" tanong na niya.

Tumingin si JC sa kanya. Tila simpatya sa kanya ang nakikita niya sa mukha nito. "I'm sorry, Vice. Pinagpustahan ka lang ni K," saad nito sa kanya.

Naguluhan na siya. Magagawa ba iyon ni Karylle sa kanya? Hindi na niya alam. "Siguradong-sigurado ka ba JC sa sinasabi mo?" seryoso niyang tanong.

Tumango ito. "Narinig ko mismo ang pag-uusap nila. Inalok ni Ginger ng pustahan si K na gawin ka ngang lalaki at pumayag naman siya," lahad nito.

Napagtanto na niya. Kaya pala mabilis nitong tinanggap ang sorry niya noong hingin niya rito dahil sa hindi niya sinasadya ay tumama ang raketa sa kanang mata nito. Simula noon ay napalapit na siya rito. Kaya pala ganoon dahil may binabalak ito sa kanya.

Tumawa na siya ng mapakla. Para maiba naman ay pinaglaruan siya ng isang babae. At ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Ana Karylle Tatlonghari na inaamin niya na malapit sa puso niya.

Pakiramdam na niya ay para siyang sinampal ni Gladys Reyes ng sampung beses. Kaya nasaktan siya ng bonggang-bongga.

Anong nagawa ko at pinaglalaruan ako ng mga tao sa mundo? mapaklang tanong niya sa kanyang sarili.  











I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon