BUhay KO

425 11 0
                                    

Karylle

Diretso lang ang direksyon ng linalakad niya gaya ng sabi ni Anne sa kanya. Pero ang totoo ay natatakot na talaga siya dahil baka may biglang may magparamdam na multo sa kanya. Kanina pa naman niya nararamdaman na tila may ibang tao na kasama siya roon. Nasaan na ba kasi si Anne? Basta na lang siya iniwan doon.

Huminto na siya sa paglalakad dahil pakiramdam niya ay nasa gitna na siya ng gymnasium. Apat na taon ba naman niyang pinupuntahan iyon. Marahil ay kabisado na niya. Kapagkuwan ay bigla siyang nailawan ng spot light. Nasilaw siya sa biglang pag-ilaw niyon.

Maya-maya ay narinig siyang instrumento na tumutugtog. Unang tipa pa lang ng gitara ay alam na niya ang kanta. Iyon kasi ang kanta na paborito niya na kapag naririnig niya ay may naaalala siyang tao.

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na 'di mo na abot sahig
Kahit na 'di mo na ako marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko

Pagdating sa chorus ng kanta ay may sumabay na boses doon. Tila boses ng taong naaalala niya kapag naririnig niya ang kantang iyon. Nandoon ba ito? Pero wala nga siyang makita dahil madilim. Ilang sandali ay may umilaw ulit na isang spotlight. Nakita niya na lumabas doon si Vice. Tama ang sapantaha niya kung kanino ang boses na narinig niya. Naglakad na nga ito palapit sa kanya habang sumusunod ang spotlight dito.

"Bago ang lahat, gusto kong humingi ng paumanhin sa'yo, K. Pasensya ka na sa make-up ko, sa lipstick ko at sa false eye lashes. Gusto kong malaman mo at sana maunawaan mo, para naman sayo 'to, eh," nakangiting sabi ni Vice sa kanya.

Pagkatapos ay binigay na nito sa kanya ang hawak-hawak nitong bugkos ng bulaklak. Kinuha naman niya iyon.

"Ano na naman 'to, Vice?" agad niyang tanong. Nagtataka na naman kasi siya kung ano iyon.

"May card dyan, K. Pwedeng pakibasa muna," saad nito.

Kinuha na nga niya ang card na naka-ipit sa mga bulaklak kaya hindi niya nakita at binasa iyon.

I want you to be not just my girl friend but my GIRLFRIEND.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa. Totoo ba iyon? Magsasalita sana siya pero pinatahimik siya ni Vice gamit na naman ang hintuturo nito. Madiin iyon kaya marahil ay napunta ang lipstick niya sa daliri nito. Pero hindi nito pinansin iyon.

"Four years ago, I met a girl. Nainis ako sa kanya dahil inagaw niya ang t-shirt na bibilhin ko sana. Siya daw ang unang nakakita. Eh, ako naman talaga ang unang nakakita do'n," pagbunyag nito sa kanya.

Napangiti siya dahil naalala niya iyon. Nainis din naman siya kay Vice noon. Kaya naisip niyang pareho lang sila ng naramdaman.

"We met again in this same gymnasium. Hindi maganda ang unang pagkikita namin kaya malamang hindi rin maganda ang ikalawang pagkikita namin. We shared some not so good moments. I even made her eyes bleed. That I'm very glad it happened---"

"Ano?" sabad niya.

Sinenyasan naman siya na tumahimik. "Because that was the start of our friendship. Alam mo ba? Noong nawala ka ng limang araw dahil sa field trip n'yo, I really missed you. Pinagselosan ko pa si Father Lito," natatawag bunyag nito. "And when we went to Camp John Hay, that's where I admitted that I liked you. Pero hindi mo 'yon narinig dahil sleepy head ka."

Nagulat siya sa rebelasyon nito. "Totoo?"

"Yes, K. But you gave me one of the most painful days of my life when I've found out that stupid bet," malungkot na sambit nito. "After four long years, we met again. I am hurt that's why I hurt you. But then again, I realized that you were innocent with that bet. And we became friends again. That was when you made me confused again. Nakakagawa ako ng mga bagay na hindi ko naman ginagawa. Gumagawa na ako ng paraan para hindi kayo magkita ni JC kasi nga nagseselos ako."

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon