Ang pogi-pogi mo, Vice

267 4 0
                                    

Karylle 

Unang araw ng linggo kaya maaga siyang pumasok sa unang klase niya. Napansin niya na may mga nauna pa sa kanya sa mga kaklase niya. At narinig niya ang mga ito na nag-uusap.

"Ang gwapo niya pero bakla. Sayang naman," sabi ng babaeng kaklase niya sa dalawang babae na kausap nito. Halatang nanghihinayang ito. 

"Okay lang. Crush ko pa rin siya." Tumawa ito pagkatapos sabihin iyon. 

"Ako nga rin. Ang gwapo niya," komento naman ng isa sa tatlong nag-uusap. 

Hindi na siya nagtanong kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagbasa na lang siya ng libro hanggang sa dumating ang kanilang guro. Hanggang sa natapos ang kanyang klase sa araw na iyon. 

Papunta na siya sa gym nang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya na si Ginger iyon.

"Asan ka na? Siguraduhin mong makakapunta ka dito sa gym ngayon," saad nito sa kanya.

Nagtataka siya kung bakit. "Papunta na ako dyan," sagot na lang niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na siya sa gym. Ang daming tao roon gaya ng dati. Ang gym kasi ang tambayan ng ibang estudyante na naghihintay ng susunod na klase.

Pagkatapos niyang magbihis ay nakita niya si Ginger sa may volleyball court kaya pinuntahan niya ito. Napansin niya na nandoon rin si Pepper at JC kasama ang mga volleyball players. 

"Hi, K," bati ni Lito sa kanya dahil ito ang unang nakakita sa kanya.  

"Hello naman sa'yo, Lito," bati niya pabalik dito.

Ilang saglit ay lumingon na ang mga kaibigan niya at ngumiti ang ito sa kanya. Tila pakiramdam niya ay ito lang ang taong nakikita niya nang madako ang mga mata niya kay Vice. Sa unang pagkakataon kasi ay naka-brush-up ang mahabang bangs nito kaya mukhang lalaking-lalaki ang itsura nito maliban lang sa pulang labi nito dahil sa lipstick.

"Inlove na inlove ako. Dahil ang pogi-pogi mo, Vice," bigla niyang bulalas.

Kumunot ang noo nito at medyo lumayo sa kanya. "Huy, Karylle! Maghunos-dili ka nga, Karylle," nandidiring sabi nito sa kanya. 

"Vice, naman, eh. Pero ang pogi-pogi mo nga," ngiting-ngiting pakli niya.

"Gwapo ka naman talaga, brad, ah. Tama si K," pagsang-ayon ni Lester sa kanya.

Napatingin naman si Vice sa kanya. Kaya matamis niya itong nginitian.

"Ano bang plano mo sa akin? Trip mo ba ako?" tanong ni Vice sa kanya bago ito lumapit sa kanya. Kaya lumapit din siya kay Vice at bahagyang inilapit pa ang kanyang mukha rito. Ilang saglit lang ay tila nandiri si Vice at biglang lumayo sa kanya. "Hindi ko keri! Hindi ko kaya!" saad pa nito. Pagkatapos ay lumapit ito kay JC at umakbay sa lalaki. "Ito talaga ang trip ko."

Natawa na lang siya sa mga pinaggagawa niya at sa mga reaksyon naman Vice. Pati ang mga kasama niya ay pinagtawanan sila.

*****

Palagi na silang tinutukso ng mga kaibigan nila. Sa umpisa ay halatang nandidiri nga si Vice. Pero kalaunan ay nasanay na rin siguro ito dahil sumasabay na ito sa panunukso ng mga kaibigan nila.

"Kung ligawan ko kaya ang babaeng 'to,"  sabi ni Vice sa grupo sabay chest bump kay Lito. Sinamaan naman ng tingin ng lalaki si Vice pero binalewala lang nito iyon.

Tumawa siya. "Ayoko nga!" nagbibiro niyang tanggi.

Ngumisi si Vice. "Naku, K. Sinasabi ko sa'yo. Swerte ka sa akin kapag naging tayo. Hindi lang boyfriend ang meron ka, may make-up artist at stylist ka pa. Mauunat na ang buhaghag mong buhok," sambit nito.

I BET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon