Chapter 01

444 144 14
                                    

Chapter 01

Playboy

"Nelle! Nelle! Wait up!"

When I looked back, it's Tessa.

"Ano ba! Stop shouting my name, Tess. Alam mong nasa hallway tayo," sabi ko habang lumilingon sa mga estudyanteng nasa hallway na naglilingunan sa banda namin.

"Duh! May ikakafamous ka pa ba, girl?"

Agad napakunot ang noo ko sa itinuran niya.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Nanliligaw lang naman sa'yo ang playboy slash campus hottie, na si Jairre Dela Torre," she said those while motioning her hands into something na pinapahiwatig niyang napakalaking tao ang binanggit niya pero hindi ko naman kilala.

Nanlaki ang mga mata ko. "What? Anong nanliligaw?" Eh, wala namang nanliligaw sa'kin ngayon.

Napalakas pala ang boses ko kaya hininaan ko ang ito ko ng nakitang ang daming lumingon sa banda namin na paniguradong narinig ang walang kabuluhang pinagsasabi ni Tessa.

I glared at her. "Ano ba yang pinagsasabi mo, Tess. Hindi nanliligaw sa'kin yang Jer na yan, ni hindi nga kami magkakilala."

"What? It's Jairre, Nelle. As in 'dyeyre'. And how can you not know him? Ang sikat kaya niyan."

"Oh talaga? Kaya ba hindi ko kilala?" Mapang-uyam kong tanong.

Tessa rolled her eyes. "He is rumored as a playboy but he's a dean's lister at palaging nangunguna sa Engineering department. Captain ball din siya sa Men's Basketball Team ng school," kinikilig niyang sabi. "Hay nako, wala ka kasing ibang inaatupag kundi yang mga libro mo."

"Required bang kilalanin yan?

"Of course. Pero stop- nilalayo mo lang ang usapan, eh. So, ano na? Nanliligaw na ba siya sa'yo?

"No. Hindi siya nanliligaw sa'kin. 'Wag mo na ngang ipilit yan. Hindi yun mangyayari kasi hindi kami nga magkakakilala."

"Tss. 'Wag ka ngang mag maang-maangan jan. Pinuntahan kaya ako nina Jairre kanina sa classroom namin, nagpapaalam na aakyat daw siya ng ligaw sa'yo," sabi niya habang hindi makapaniwala at pabiro akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Nahihiya pa nga siya, eh. Pinagtulakan at kinantsawan pa ng barkada niya na mahina daw kasi kahit sa best friend hindi agad makapagsalita, paano pa daw kung sa'yo na humarap."

Seryoso ba talaga siya? "Ha? Tapos anong sabi mo?"

"Syempre, umoo kaagad ako no. Chance mo na to para magkalovelife kaya go na. Alam ko namang hindi mo yun matatanggihan, choosy ka pa ba," anito while nudging my elbows.

Hindi makapaniwalang umiling-iling ako. "Tss. You're talking nonsense, Tessa. Halika ka na nga pumasok na tayo."

Magkaklase kami ni Tessa sa isang core subject. She's a Business Management student while I'm an Architecture student. Ito lang yung kaisa-isang subject na magkaklase kami.

"Fine! Mukhang trip trip lang nila yun kasi hindi naman pala nanligaw sa'yo."

Tessa is my best friend since high school. And now that we're already in 3rd year college, we're still intact.

Natapos ang lahat ng klase sa araw na ito and so far so good naman.

"Bili muna tayong snacks, sis."

"Sige ba! Doon nalang tayo sa labas, masarap ang kwek-kwek nila."

Kahit hindi magkaklase, kapag parehong oras nagtatapos ang klase namin ni Tessa, palagi kaming sabay na umuuwi.

Beyond LiesWhere stories live. Discover now