Chapter 12

195 68 18
                                    

Chapter 12

Marry

My week ended great. Na-review na namin halos lahat ng subjects for the upcoming exam next week. Though the schedule is still tentative, pero mas mabuti ng handa kaysa mag-cram 'di ba? Mas prefer ko rin kasi mag-review na malayo pa yung exam para kapag mismong araw na, babasahin mo nalang yung lesson para mas lalo mong ma-familiarize.

I also went to the mall last day with Tessa. Pinapasama niya lang ako kasi may bagong labas na damit daw yung favorite brand niya. Even though I hate malls and shopping, pumayag pa rin ako kasi may kasalanan pa ako sa kanya.

"Miss, magkano 'tong tinola niyo?"

It's Sunday morning. Nandito kami ngayon nina Mama at Martin sa maliit naming karenderya sa bayan. Medyo malayo-layo rin ito sa bahay namin pero nasa kabilang kanto na ang school na pinapasukan namin ni Martin. Si Papa? Ayun, nasa bahay lang. Mas mabuti na rin iyon kaysa sa tindahan ni Aling Rosing siya tatambay sa buong araw. Sabi'y lilinisin niya raw ang bakuran na ikinatuwa naman ng Mama ko.

"Bente lang po isang cup kuya," sagot ko.

Nakayuko lang ako habang nililinisan ang mesang pinaglalagyan ng mga ulam.

"Sige, isang cup, please."

Nagsasandok na ako ng bigla akong siniko ni Martin kaya muntik ng matapon ang sabaw.

"Ano ba!"

Tiningnan ko siya ng masama.

"Hala, ang sungit. 'Di ba dapat nakangiti ka dahil nandito na naman 'yang crush mo?"

"Ha? Anong crush-"

Natigilan ako sa sasabihin dapat nang makita ko sa harapan si Marco.

Marco smiled at me at ramdam kong namumula ang mga pisngi ko dahil doon.

Marco has been my crush for a long time. Sila ang binibilhan namin ng supply ng gulay para sa karenderya. Nakilala ko siya dahil siya minsan ang nag-de-deliver nito sa'min.

Hindi ko namalayang natulala na pala ako sa harap niya.

Siniko ulit ako ni Martin. "Ano, ate? Sarap maging boyfriend, no?"

I was about to talk when his words processed in my mind. Shit. Boyfriend. I already have a boyfriend! And it's Jairre!

Bigla naman akong naguilty, kaya dali-dali ko ng ibinigay ang order ni Marco at hindi na ito sinulyapang muli.

Ngayon pala ang araw na pupunta si Jairre sa bahay namin upang ipaalam na kami na at kinakabahan ako ng sobra. Kahapon ko lang siya sinabihan na papuntahin sa bahay dahil gusto siyang makilala ni Papa.

Pagkatapos ng nakakapagod na araw sa karenderya, nakauwi na rin kami sa bahay. Gladly, nandito lang si Papa. Natutulog nga lang sa sofa.

Nakahiga ako ngayon sa kama at naisipang e-text si Jairre. Last niyang message ay kaninang umaga pa. Baka busy. Hindi ko na rin kinulit kasi ako rin naman.

To Jairre:
Anong oras ka pupunta?

After a few minutes, he replied.

From Jairre:
Actually, I'm dressed up. Papunta na ako.

Napabangon ako sa pagkakahiga. Nanlaki ang mga mata ko. What? He's already coming? I looked at the clock. It's still 5:14PM. Dito ba siya maghahapunan? Napakaaga niya naman.

Kahit kinakabahan, bumaba ako at pumuntang kusina para sabihin kay Mama na papunta na si Jairre, pagkatapos ay bumalik din ulit ako sa taas.

I took a bath to freshen up. Dahil parang ang lagkit-lagkit ko na. Pagkatapos maligo agad na akong nagbihis. I'm wearing an oversized gray t-shirt and white shorts. A simple outfit for our simple dinner. Uh. It's my usual simple outfit pala. No make up, kasi aside from hindi ako mahilig doon, nasa bahay lang din naman ako.

When I was about to send Jairre another text message, may narinig akong busina ng sasakyan kaya sinilip ko ito sa bintana at nakitang si Jairre na ang dumating. I saw him got out from his car. He's wearing a gray shirt and a white board shorts. His hair was pushed backwards with a gel at may mga maliliit na strands na bumabagsak sa mukha niya. Damn. He's really hot. Kaya napakarami niyang tagahangang mga babae at hindi lang mga babae, pati na rin ang mga bakla sa school.

And I guess, I'm really lucky to be his girlfriend, huh? God. I'm his girlfriend. Will I able to be a good one?

Inaamin ko, I was annoyed at first. Sino ba namang hindi diba? Napagchismisan ka sa school na may nanliligaw daw sa'yo pero hindi mo kilala, sino ba namang matutuwa 'di ba? He's handsome. But that alone did not make me fall for him, siguro dahil sa kabaitan niya? Dahil responsableng estudyante? Well, I can't tell, because they said that you'll never find a reason for loving someone, love doesn't have reasons. And I definitely believe in that.

My phone beeped for a message.

From Jairre:
Hey, baba ka na love. I'm here na.

After I took a final glance at the mirror, dali-dali na akong bumaba.

Habang nasa hagdanan, mas lalo akong kinabahan. I had few relationships before pero hindi sila nakilala ng mga magulang ko. Hindi sa ayaw ko silang ipakilala but they never insisted it, too kaya hindi ko na rin naisip.

Bago sa akin ito ngayon lalo na't gusto talagang makilala ni Papa si Jairre. Well, Jairre doesn't seem hard to like pero kinakabahan pa rin ako.

Napalingon sa'kin si Jairre nang makitang nakababa na ako. Nakaupo siya sa sofa ngunit nang makita ako ay dali-daling tumayo.

"Love," he came closer to me and quickly kissed my forehead
.

I felt my cheeks reddened. Napakapit ako sa braso niya, really, Jairre? In front of my family?

"Uh..." I was about to talk when I glanced at my family sitting in the sofa.

Nakaupo sina Mama at Papa sa kaharap ng sofa na inuupuan ni Jairre kanina bago ako dumating habang si Martin naman ay nasa kaliwang bahaging upuan na nakaharap sa pinto. The boys looked so serious except Mama.

Inakay ako ni Jairre paupo sa inuupuan niya kanina.

"So, kaano-ano mo ang anak namin, iho?" Papa strictly asked.

"Uhm, Mr. and Mrs. Corpuz," he said while scratching his nose.

I hold his hands at nadiskubreng napakalamig nito. Well, that's fair kasi kanina pa ako kinakabahan. But his hands are colder than mine kaya mahina akong natawa. Sinulyapan niya ako ng may masamang tingin ngunit lumambot din ng binalik niya ang tingin sa mga magulang ko.

"Uh. I-I'm here to finally introduce myself as..." He sighed. Nakakakaba naman kasi sina Papa at Martin, they're just watching us with a dull face while Mama is smiling from ear to ear. "As...Marienelle's boyfriend."

There. He finally said it. But Papa and Martin's facial expression didn't change. It's as if they're waiting for Jairre to say some more.

"Uh. Noong unang araw ko lang siya sinagot, Pa, Ma, Mart," I intervene.

"Shut up, ate. We're not talking to you," Martin scowled without even looking at me.

I glared at him. How dare he talk to me like that? I'm his ate!

He probably felt my glare because he looked at me and tucked his tongue out. Ugh. Forever childish.

"Anong plano mo sa anak namin?"

Nanlaki ang mga ko sa tanong ni Papa. Anong plano? Boyfriend ko siya, kailangan ba talaga may plano? Ano to, namamanhikan na ba? Gosh Papa.

Tumikhim si Jairre at tiningnan ako sa mga mata. I looked at him apologetically.

Ugh. Nakakahiya talaga si Papa.

Akala ko hindi na sasagutin ni Jairre ang tanong ngunit mas lalo akong nagulat nang marinig ang isinagot niya.

"Kung magtatagal kami, Sir, which is I'm certain. I'd like to marry her someday."

Beyond LiesWhere stories live. Discover now