Chapter 05

283 111 8
                                    

Chapter 05

Sincerity

When he started singing a song, natahimik ang kaninang nagkakagulong mga estudayante.

Nanlaki ang mga mata ko, it's my favorite song!

Habang kumakanta siya, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya pabalik dahil nakatitig din pala siya sa'kin.

His has a great voice. Para siyang kumakanta sa isang studio dahil sa lamig ng boses niya.

The way his lips open for the lyrics, I felt the butterflies on my stomach.

The way he stared at me like I'm his world made my heart beats faster.

Tinapos niya ang kanta na hindi man lang hinihiwalay ang titig niya sa'kin. Para na akong natutos sa kinatatayuan ko.

"Ms. Marienelle, I'm sorry... if I haven't asked you formally tungkol sa panliligaw ko. But now I'm here, in front of these students..." He trailed off.

Sa sinabi niya, tsaka ko lang naalala na nasa labas pala sila ng building habang nasa hagdanan palang ako, at papalabas na sana.

Dahil sa ginagawa niya, ang daming estudyanteng nakatingin sa'min, nakasubaybay na para bang telenovela ang nasa harapan nila.

Huminga siya ng malalim. The way he did it, napakagwapo niya sa paningin ko. "But, I won't ask your permission for me to court you, because even if you'll say that you will not let me, I'll still do it anyway..."

Unti-unti siyang lumapit sa'kin at ibinigay ang dala-dala niyang bouquet. He's really a beauty especially up close. Mas lalo kong napansin ang mga mata niyang parang nanghahalinang papasukin ako sa mundo niya. No. Sa mundo naming dalawa.

What? Where did you get that idea, self? Shit, this is not me.

Now, that he is in front of me. I can't look at him in the eyes.

"Nelle, I will court you. So, expect that you'll see me often, now," he said with so much sincerity.

The way he said those touched my lonely heart. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. I had a few boyfriends before but none of them made an effort like this just to court me. Sabagay, hindi naman sila seryoso doon dahil mga bata pa kami.

"Hey, look at me," banayad niyang sabi.

I can't, he's too much to take.

I noticed our height difference when he slowly touched my chin to raise it just so I could look at him. Hanggang sa may baba niya lang ang tangkad ko.

When I finally looked back at him. I saw tenderness in his eyes. Tanawin na hindi ko inaasahan.

"Come on, say something."

He's a playboy, ika nga nila. Kaya nakakatapagtakang nandito siya ngayon sa harapan ko at nanliligaw.

"I d-don't know what t-to s-say," kinakabahan kong sabi habang nakayuko sa harapan niya. Hindi ko tinanggap ang ibinigay niyang bulaklak but he doesn't seem affected by it. Nakangiti lang siya sa harapan ko.

"Nelle, sagutin mo na!"

Ang kaninang katahimikan ay nawasak sa sigaw na iyon.

"Oo nga, 'wag ka ng choosy!"

And then another.

"Gosh! I can't believe this is happening!"

Maarteng sigaw ng isang estudyante.

"Go, Nelle. Sagutin mo na!"

"Hindi ka na lugi d'yan."

The crowd cheered.

"Galante 'yan, mabubusog ka niyan palagi."

Pabirong sigaw ng isang estudyante. Nang nilingon ko kung sino ito, I saw a guy na naka-Engineering uniform din at kabarkada niya pa ata. He's so cool with the guitar in his arms. Ito yung nagbigay kay Jairre ng gitara kanina at tumutugtog pala siya ngunit hindi ko man lang napansin at narinig dahil sa kaba at hiya na nararamdaman ko ngayon.

Jairre chuckled sexily. What? Sexily? Oh, shit. This is not really me. Get a hold of yourself, Nelle!

"Shh, stop that guys. Hindi naman ako nagmamadali..."

Gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Shit, he's making a show.

"Ano ba, stop it!"

I quietly scowled at him but he didn't budge.

He looked back at the crowd.

"Please stop that, I don't want her to be pressured..." napakamot siya sa ulo niya. "Baka, mabasted agad ako, eh."

Nagtawanan naman agad ang mga estudyante na nakapaligid sa'min.

Looking at him, I realized that he can affect the crowd and made them roar just because of a simple talk. He can make everyone around him worship him. I won't be one of them.

Kinalabit ko si Jairre. "I don't want you to court me. So, please, leave me alone."

I heard the crowd sighed in disappointment upon hearing what I just said.

He looked dumfounded. Parang hindi makapaniwalang may nagturn down sa kanya. I smirked at him. He probably thinks na madali niya lang akong makuha. Yes, gwapo siya pero he has that playboy aura, and I don't like that. Ramdam ko yung sinseridad niya pero hindi yun enough para mawala ang katotohanan na playboy siya. Ang dami na niyang nabiktimang kababaihan sabi ni Tessa kaya hinding-hindi ako magpapabiktima sa kanya.

Tinalikuran ko na agad siya at pumunta na sa canteen. Hindi na pinansin ang mga bulungan at ang mga masasamang tingin ng mga estudyante sa'kin.

Pagkatapos kong mag-order, tsaka ko lang na-realize na naiwan ko pala si Rica sa pinangyarihan kanina. Lumingon-lingon ako ngunit hindi ko siya nakita.

Bahala na nga siya. Gutom na gutom na ako, eh. Lumagpas na tuloy sa tamang oras yung pagkain ko dahil sa Jairre na yun. Tss.

As soon as I finished eating, I noticed that Jairre entered the canteen habang lumilingon-lingon pa. Medyo nakaharap kasi ako sa pintuan ng canteen kaya madali kong makita kung sino-sino ang pumapasok.

When he met my eyes, he smiled and quickly ran towards me and sat in front of me.

"Hey! Bakit naman hindi mo'ko hinintay?" Nakanguso niyang sabi.

Napakunot ang noo ko.

"What? Bakit naman kita hihintayin, aber?" Nakataas ang kilay kong tanong sakanya habang pinupunasan ang bibig ko.

"Because I want to," aniya habang tinatawag ang staff ng canteen.

I rolled my eyes. Anong akala niya sa canteen? Restaurant na may waiter? Tss.

Pinanood ko lang siya habang nagsasabi ng order niya. Ewan ko ba. Pwede naman na akong umalis dito ngunit hindi ko magawa.

He clasped his hand na para bang isang businessman na kausap yung magiging kliyente niya.

"So... diba sinabi ko sa'yo na manliligaw ako?"

"Yup, and I already said no," pagtataray ko parin.

He smirked.

"My, my, Marienelle. Didn't I told you that I'm not asking for your permission? I'll court you. Wherever I wanted to and whenever I wanted to."

Beyond LiesWhere stories live. Discover now