Chapter 02

326 136 13
                                    

Chapter 02

Mysterious

Natapos na ang lahat ng klase ko sa umaga kaya papunta na kami sa canteen para sa lunch break.

"Nelle, totoo ba yung usap-usapan?"

It was Rica, kaklase ko, na siya ring kaisa-isang kaibigan ko sa loob ng classroom.

"H-ha? Anong usapan?"

"Na nanliligaw daw sa'yo si Jairre?"

Agad napakunot ang noo ko sa gulat ko.

"Ano? 'Yan na naman? Sino ba talagang nagpakalat ng fake news na 'yan? Eh, hindi naman nanliligaw sa'kin 'yang Jairre na 'yan. Ni hindi nga kami magkakakilala, eh," inis na inis na ako.

Hindi ko namalayang napalakas pala ang sinabi ko kaya maraming napalingon sa'min at agad na nagbulungan.

"Yeah, I heard, siya yung nililigawan ni Jairre."

"Oh my. Look at her! Hindi siya bagay kay Jairre."

"Yeah, right."

"Sayang bro, ang ganda pa naman ni Marie. Balak ko sanang ligawan 'yan, kaso nabakuran na ni Jairre."

"Hindi naman siya kagandahan, eh."

"Look at her clothes, ang cheap cheap pa manamit. Wala man lang fashion sense."

"How dare she deny Jairre? Ang kapal naman ng mukha niya."

Ilan sa mga bulungan na para namang hindi bulong kasi rinig na rinig ko.

Sino ba talaga yang Jairre na 'yan? Bakit parang kilala siya sa halos lahat ng estudyante dito? Tss. Napayuko nalang ako.

"Hala, sorry Nelle."

Agad naman akong hinila ni Rica papuntang canteen upang makawala sa mga mapanuring tingin ng mga estudyante sa hallway.

Ngunit nang nakarating kami sa canteen, mas lalo lang dumami ang mga tumitingin sa'kin at mga nagbubulungan pa.

Hindi ko nalang pinansin at nakayuko lang ako hanggang sa makarating kami sa isang table na naging bakante ng makita kaming papalapit
Eh?

"Hala, pare, 'yan yung nililigawan ni Jairre," gulat na gulat pa yung isang lalaki ng masulyapan akong paparating.

"Oo nga, tara, tara na. Dito papunta, oh, alis na tayo," at nagmamadali siang tumayo na para bang may nakakahawa akong sakit, kahit hindi pa sila tapos kumain.

What? Sino ba talaga 'yang na Jairre na 'yan? Ang lakas naman ng impluwensiya niya sa mga estudyante at parang kinakatukan pa.

Tss. I can't wait to meet that guy. Nagpapakalat siya ng balitang ganyan na hindi naman totoo. Alam kong hindi totoo kasi hindi naman nagpapakita sa'kin. Siguro, panget siya na may malaking katawan kaya natatakot yung mga estudyante sa kanya.

"Tara, order na tayo," yaya ko kay Rica.

Bigla nalang may tatlong staff ng canteen na lumapit at may dala-dalang mga tray na may lamang mga pagkain.

"Excuse me, miss. Ikaw po ba si Ms. Marienelle?" Tanong ng isa sa kanila.

Naguguluhan naman akong napatango. "Yes, po. Bakit po?"

"May nagpapabigay po," sabay lagay nila ng mga pagkain sa table namin.

"Wait lang, sa'kin po ba talaga?" Pigil ko sakanila.

Nagtataka namang nag-angat ng tingin si ate."Bakit po, miss? Hindi niyo po ba nagustohan ang inihanda namin?"

Napasulyap naman ako sa mga pagkaing dala-dala nila. Mga paborito ko ang lahat ng iyon kaya mas lalo akong nagtaka. "Sino pong nagpapabigay, ate?"

Beyond LiesWhere stories live. Discover now