Chapter 34

112 2 0
                                    

Chapter 34

Everything

Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kaniya. I think this is my first time seeing him wearing a suit and it really fits perfectly for him. Tila ba ginawa ang kasuotang iyon para sa katamtamang laki at hulma ng katawan niya. Ang kaniyang buhok ay nakaayos sa gilid ngunit may mga takas na buhok pa ring dumadantay sa noo niya.

Ramdam na ramdam ko ang napakalakas na kabog ng puso ko. Naninikip ito na tila ba gustong-gusto ng lumabas sa kinalalagyan. Bakit nga siya nandito? Sino ang nag-imbita sa kaniya? Si Terron ba? Oh God! Nakita niya ba si Jace? Nakita niya ba ang anak ko? Nakilala niya ba ito? Pinipilit kong kumalma ngunit sa tingin ko'y hindi ko kakayanin. My mind is in chaos while he's here in front of me, smiling widely. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay inilahad niya na ang dala-dalang bouquet of white roses sa'kin. Tinanggap ko naman ito. Dalawang bulaklak na ngayon ang hawak ko.

His lips twisted sexily. "Are you done ogling me? Wala ka bang sasabihin? Tititigan mo lang ba ako hanggang mamaya?"

Nagulat ako roon. Gusto ko siyang sagutin ng pabalang ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Bakit parang napaka-kalmado niya? Bakit nakakapagbiro pa siya? Bakit napaka-casual niya kung kumilos at magsalita? Samantalang naghaharumentado na ang kalooban ko at tila sasabog na. Ako lang ba talaga ang apektado sa nangyari noon? Ako lang ba?

"T-Thank y-you."

That's all I can say and I even stuttered! Crap! Bakit ka ba nauutal, Marienelle! Nakakahiya ka!

He smirked and look at me amusingly. Just when his eyes roamed behind me, his expression changed. Noong ibinalik niya ang paningin sa'kin, napakislot ako, nanginig ang mga binti ko. He's now looking at me with a dark expression. He clenched his jaw and looked away. Galit ba siya? Ngunit saan naman?

"Uh... why are you... here?" I hesitated. Nag-iingat dahil sa ipinapakita niyang ekspresiyon. Kunot ang noo niya habang nakatitig sa'kin.

"Is it wrong to congratulate my partner in business?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Uh... we're not really partners but...

I intend to not answer his question when his gaze turned to the bouquet of tulips I'm holding. Nagtagal ang titig niya doon na tila ba doon ibinunton ang galit niya sa kung anuman. But, before I can even say something, he renewed his gaze at the flowers and looked at me.


"You looked happy with your family. Your son is cute," he said coldly.


Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon ngunit may nakita akong sakit na bumalatay sa mukha niya nang sinabi iyon. Napatitig ako sa kaniya dahil sa gulat. Anong sabi niya? Did he just say... family? Sina Papa at Martin ba? O... si Terron at... Jace ang tinutukoy niya?

Bago pa ako makapag-isip ng isasagot sa kaniya, he quickly made his exit, leaving me dumbfounded. Naiwan akong tulala sa iniwan niyang mga kataga.

I roamed my eyes inside only to find out that Terron and Jace is just meters away from my back. Karga-karga pa rin ni Terron si Jace habang kausap ang mga empleyado ko. Maaring sila nga ang tinutukoy ni Jairre dahil tumingin siya doon kanina.

I stared at my son. Jace got the eyes of his father. Those aqua-colored eyes that every time I look at it, I'll always remember Jairre and the past that we shared. Huminga ako ng malalim. Masisiyahan ba ako na hindi niya nakilala si Jace o malulungkot dahil hindi man lang pumasok sa isipan niya na posibleng nagkaanak kami? I can feel the rage building up inside me. Ganoon ba talaga siya ka insensitive na hindi man lang iyon naisip? Napakawalang-hiya niya talaga!

Beyond LiesWhere stories live. Discover now