Chapter 14
Friend
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Good morning," bati niya sa'kin habang nakangiti pa rin.
I arched my brows. "Sabi ko, anong ginagawa mo dito?"
"Woah, woah, chill lang, Nelle," anito habang nakataas pa ang mga kamay na parang sumusuko.
"So bakit ka nga nandito?"
He shrugged. "Wala naman. Madadaanan ko naman yung bahay niyo papuntang school kaya naisipan ko lang na baka hindi ka pa-"
"Don't give me that shit, Terron," I said while rolling my eyes.
Yes, si Terron ang nandito sa bahay namin ng ganito kaaga. Si Terron ang sinabing 'sweet' ni Papa na naghihintay daw sa'kin sa sala. Si Terron na kaibigan ni Jairre, na sa tuwing nakikita ko sa school ay laging lang nakayuko at nakatutok sa cellphone.
He's already wearing their Engineering uniform and his hair is fixed into the side that made him looked like a freaking model sitting on our sofa.
"Someone woke up at the wrong side of the bed, huh?"
"Nope. Actually, I'm in my best mood earlier not until you came."
"Woah. So are you saying na, I ruined your mood?"
"I didn't say that. Ikaw ang nagsabi niyan."
I know I'm being rude here but I don't care. Eh siya nga, ni hindi man lang ngumingiti sa'kin sa school tapos pupunta siya dito sa bahay namin at aasta na parang close kami?
Tinawanan niya lang ako at hindi ako sinagot.
Oh see? Siya rin 'tong walang modo, eh. Tawanan ba naman ako? Hello? Anong akala niya, close talaga kami?
Tumayo na siya at akala ko'y lalabas na ngunit nagulat ako nang maglakad ito papuntang kusina. What the heck? Why is he going there?
"Hey." Tinawag ko siya upang pigilan sana ngunit hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagpasok.
Kahit naguguluhan ay sinundan ko pa rin siya.
"O, anak. Pumasok na pala si Martin at nasa karenderya na ang Mama mo." Tumango lang ako sa sinabi ni Papa at hindi pa rin nilulubayan ng tingin si Terron.
Papa probably noticed it so he talked again. "Halika ka na. Kumain na kayo ni Terron."
Napakunot ang noo ko. "Po? Kami? Ni Terron?,Papakainin niyo 'to, pa?"
"Bakit naman hindi?" May pagtataka sa mukha ni Papa. Nilingon naman niya si Terron. "Oh sige na Terron. Kumain ka na."
Terron is about to sit on the chair but I quickly managed it to take it away from him.
"Seriously, Papa? Papakainin mo sa hapag natin ang isang estranghero? At tsaka paano ba kayo nagkakakilala nitong lalaking 'to?"
Papa looked at me and then to Terron then back to me, then back to Terron pagkatapos ay tumawa ng malakas na nakahawak pa talaga sa tiyan niya. Napaawang ang bibig ko sa gulat. What the heck? May nakakatawa ba sa sinabi ko? O may sayad na ba 'tong Papa ko?
Ngunit mas lalong napaawang ang bibig ko ng tumawa rin si Terron. Napakunot ang noo ko.Okay? So, may sinabi talaga akong joke na sila lang yung naka-gets?
I looked like shit in front of two people laughing while I am holding the chair. I almost thank God when their laugh died down.
"Nagka-amnesia ka ba, Nelle? Anong estranghero? Hindi mo ba nakikilala si Terron?" Tanong ni Papa sa'kin na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
YOU ARE READING
Beyond Lies
RomantizmMarienelle was living a peaceful life not until Jairre Dela Torre came in. He let Marienelle experienced her greatest heartbreak. After 6 years, Marienelle met Jairre, again. Is she willing to let Jairre, ruin her life, again? Genre: Romance Langua...