Chapter 20

141 14 2
                                    

Chapter 20

Morning

Sa biyahe pauwi ay hindi kami nag-uusap nila Papa. Hindi ko alam kung pinapakita ko ba sa kanila na hindi rin ako makakasagot o naiintindihan lang talaga nila ako. Tahimik lang kasi ako buong biyahe ngunit nagtataka pa rin ako kung bakit nandito rin si Terron.

"Mabuti nalang nasa bahay ka kuya Terron. Kung wala ka, hindi sana namin mapupuntahan si ate," sabi ni Martin habang sinusulyapan ako. I mentally nodded.

Martin and I were sitting in the backseat while Papa is sitting in the passenger seat. I can see Terron glancing at me from the rear view mirror time to time. He's not talking so whenever he glance at me, I'll just also stare at him and not talking too. Hindi na ako nagsalita. Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya pero masyado akong pagod para doon. Magkikita pa naman siguro kami bukas.

Pagkarating sa bahay ay nagmano lang ako kay Mama at umakyat na agad ako sa kwarto. Nag-aalala si Mama pero mukhang si Papa na ang kumausap sa kaniya. Hindi ako nakakain ng hapunan pero hindi rin naman ako gutom. Nagpapasalamat nga ako't hinayaan lang nila ako na maka-akyat na.

I laid on my bed exhausted. Ang daming nangyari sa araw na ito. Napabuntong hininga nalang ako. I can't help to think if it was all my fault. Ang nangyari sa'min kay Rica at ang ginawa ni Jairre. Kasalanan ko ba lahat ng iyon?

Rica has been my only friend in our classroom. Hindi ko akalain na sa mga nagdaang taon, ay hindi man lang niya ako itinuring na kaibigan. I was always a friend to her but she never was to me. She never was, that's according to her, pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin na sana bawiin niya ang sinabi niya. Kasi kung babawiin niya, babalik at babalik pa rin ako sa kaniya. Yes, I already have Tessa pero iba pa rin yung may kaibigan ka sa classroom. Not all my classmates are approachable like Rica, maraming maarte, maraming mga nagbibida-bidahan, maraming nakikipagkompetensiya. She was the only one I like to befriend. Hays. Ewan ko lang kung magkakaroon pa ako ng kaibigan sa classroom.


I turned my body at the right side of the bed, now facing the side table where I charged my cellphone. Jairre has been constantly calling me, simula noong iniwan namin siya sa gitna ng daan kanina. Hindi ko siya sinagot at pinatay ko ang cellphone ko hanggang sa makarating kami sa bahay. I was really hurt by what he did. He wasn't my first boyfriend but what he did scarred me. Not a deep scar but the one na hindi agad naghihilom. Kamakailan ko lang siya nakilala ngunit hindi ko alam kung paano agad nahulog ang loob ko sa kaniya. I admit, he wasn't that hard to love. Hindi ko nga lang inaasahan na ganito ang mangyayari sa aming dalawa. Unexpected love to unexpected ending. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba siyang harapin bukas.


I turned my cellphone on. Balak ko sanang buksan ang Messenger ko kung may pinapagawa ba sa section namin ngunit hindi pa man ako nakakapag-on ng data ay tumunog na ito para sa isang tawag. Jairre is calling me again. Ngunit kagaya ng ginagawa ko kanina, hindi ko ulit ito sinagot at ibinaba nalang ang cellphone.


Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi lang dahil sa pagmamahal ko sa kaniya, kun'di dahil na rin sa galit ko. Bakit pa ba siya tumatawag sa'kin? Nagawa niya na ang plano nilang gawin diba? He should be celebrating now.

Tumunog ulit ang cellphone ko at balak ko sanang tingnan lang ito hanggang sa magsawa siya kakatawag ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Tessa pala ang tumatawag sa'kin.


"Hello?" sagot ko agad.

"Nelle?" aniya na parang nagpa-panic.

Napakunot ang noo ko at agad na bumangon sa pagkakahiga. "Oo, sis. Ako 'to. Bakit? Anong nangyari? May nangyari ba sa'yong masama? Sagutin mo'ko. Ano, pupuntahan ba kita? Nasaan ka?" sunod-sunod kong tanong.

"Hoy, gaga! Anong?—walang nangyari sa'kin.Sa'yo, meron. Malaki. Share ka nga, baka magbigti ka diyan bigla. Wala ka pa namang lubid kaya baka maglaslas ka nalang, kaso 'wag din kasi sayang clear skin mo. Bukas mo nalang gawin, bibili muna ako ng lubid—"


"Hoy, tumigil ka nga! Walang kwenta 'yang mga pinagsasabi mo," sabi ko na pilit pinapatigas ang boses ko. Pinipigilan ko lang ang mapatawa ng malakas dahil sa mga pinagsasabi niya. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, oo.

"Uy, 'wag mo 'yang itago, naririnig ko. Tumawa ka na ng malakas," aniya bago tumawa ng malakas. Baliw din talaga 'tong babaeng 'to. Inuutusan pa ako eh pwede naman palang siya nalang ang tumawa.

I heaved a sigh. "Thank you, sis," I said while smiling like we're face to face right now.

She shrieked. "Oh my God! First time 'yon ah. Joke. Sus, 'no ka ba, sis. Parang 'yon lang."

Tumawa nalang ako. We almost spent the whole night talking about my problems. It's really relieving when you have someone to talk to. Someone you can hold on to. Someone you can lean in to. Someone you can trust. Someone who will be with you as long as she can. I'm really lucky to have her.

Whilst sharing to her, I almost cried but Tessa really knows how to make me laugh by her jokes. Parang medyo gumaan ang pakiramdam ko nang masabi ko sa kaniya ang lahat.

"Huwag mo ng pansinin 'yong hayop na 'yon ha. Nako! Lagot talaga sa'kin ang Jairre na 'yan. Gagamitin ko sa kaniya ang bagong biling boxing gloves ni Tercy," aniya na tinutukoy ang nakababatang kapatid. We chatted a bit, until we decided to sleep.

I woke up early by an alarm. I lazily picked up my phone in the bed side table. I grunted as I squint my eyes so that I could clearly read what time it is. It's still 2 AM. I was about to turn it off when I read the title of the alarm. Oh shit! The alarm says Review For Your Exam. God! I forgot that I still have an exam today. I hurriedly turned the lamp shade on and find my school bag for the reviewers. I felt my head hurt a bit because of the sudden movements but I did not care because I need to review.

5AM when I took a bath. Sa awa ng Diyos ay nakapag-aral naman ako ng mabuti. Kung hindi ako nagising sa alarm kanina ay paniguradong mangungulelat ako sa pagsusulit mamaya. I'm glad I did. I'm glad that He let me.

"Ma, Pa, alis na ako, ah," sabi ko pagkatapos kumain ng agahan at mag-toothbrush. Tumango lang sila Mama at Papa kaya nagmano na ako. Papa is smiling while Mama seems so occupied. Malungkot lang siyang nakangiti sa'kin. Nginitian ko siya ng malapad pero ganoon pa rin ang ekspresyon niya. Tumalikod agad si Mama sa'kin at pumuntang kusina. Nakakunot ang noong lumingon ako kina Papa at Martin.

"Anong nangyari kay Mama?"

"Sus, nagtatampo lang 'yon ate. Hindi kasi namin isinama sa pagsundo sa'yo kagabi tapos noong makauwi ka hindi mo pa kinausap," sagot ni Martin pagkatapos uminom ng tubig. Napapailing lang na tumawa si Papa. Napangiti nalang din ako at sinundan si Mama sa kusina.

Naghuhugas na siya sa mga gamit niya sa pagluluto. Muntik niya ng mabitawan ang hinuhugasan niya nang maramdaman niya ang yakap ko. Yinakap ko siya galing sa likod at sinilip ang mukha niya.

"Huwag ka ng magtampo, Mama. Bati na tayo, please?" Paglalambing ko sa kaniya.

"Hmp. Hindi mo man lang ako kinausap," aniya sabay irap.

Mas lalo akong napangiti. "Sorry na, Ma. Masyado ko lang inisip 'yong nangyari. Pangako, mag-uusap tayo mamaya tungkol doon. Sorry na."

Unti-unting sumilay ang ngiti niya hanggang sa naging malapad ito. "O siya, sige na nga. Mag-uusap tayo, ha?"

"Oo naman Ma. Mamaya—"

Naputol ang sanang sasabihin ko nang may marinig kaming tatlong magkakasunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas.

"Ate, bilisan mo na diyan. May sumusundo na sa'yo." Biglaang sulpot ni Martin sa kusina. Parang galit ang boses niya at nakakunot pa ang noo pagkatapos ay padabog na umalis ng kusina.

Napakunot ang noo ko. Sumusundo? Sino naman? Dali-dali akong lumabas ng bahay at nagulat nang makilala kung sino-sino ang mga  bumaba sa kani-kanilang mga magagarang sasakyan.

"G-Good m-morning, M-Marienelle."

"Morning."

"Good morning."

Beyond LiesWhere stories live. Discover now