Chapter 30

108 2 0
                                    

Chapter 30

Back

I don't how I was able to get out but I managed to. Lumabas ako sa pizza house habang dala-dala ang pizza na in-order ko. Hindi na ulit tiningnan pabalik si Jairre at ang mga taong nakakita sa kahihiyan ko.

Paulit-ulit kong hinahampas ang manubela habang nagda-drive. Pinipilit na pigilan ang galit na namumuo sa dibdib ko dahil baka mapagbuntongan ko ng galit ang anak ko.

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa dating bahay namin. I sighed and relaxed a bit. Hindi ko na dapat isipin ang nangyari. Hindi ko na dapat isipin pa ang walang-hiyang iyon!

Pagkaparada ko sa sasakyan ay hindi muna ako bumaba at tumitig lang sa labas ng bahay. Ang bahay na kinalakihan ko.

When we went to the province before, Martin was left here all alone because of his studies. He said he can't quit school that late because he's graduating. But eventually, after graduating Senior High School, he immediately followed us there. Doon na rin siya nag-aral ng college sa paaralang pinasukan ko noong 4th year. Kaya walang naiwan dito sa bahay. Inakala nga namin na nasira na ito kaya noong nakabalik na kami ay laking pasasalamat namin nang makitang nakatayo pa rin ito, kaya nga lang may mga kaonting sira na sa bubong. Agad ko rin namang ipinaayos noong nakaluwag-luwag na ako.

Sina Papa at Martin nalang ang nakatira dito ngayon. Kaso paminsan-minsan nalang din umuuwi si Martin kasi doon na siya nakatira sa kinuha niyang condo malapit sa pinagtatrabahoan niya kaya si Papa nalang talaga ang palaging nandito. Plano ko nga sanang mag-hire ng nurse para sa kaniya dahil medyo matanda na rin si Papa. Kaso ayaw niya dahil aniya'y kayang-kaya niya pa raw.

"Anak? Ikaw na ba 'yan?"

I snapped out with my thoughts when Papa appeared in the window. Hindi ko namalayang lumabas na pala siya sa bahay at nakalapit na sa sasakyan.

I immediately went out of the car.

"Pa, si Jace?" Nagmano ako kay Papa at binitbit na ang pizza papasok ng bahay.

Medyo matanda na talaga si Papa. Kitang-kita na ang mga mapuputi niyang buhok at ang kulubot sa mukha. Pero matikas pa rin naman at aktibo pa sa mga gawaing bahay kaya noong tumanggi siya sa plano kong pagha-hire ng private nurse para sa kaniya, hindi nalang din ako nagreklamo.

"Nasa sala ang anak mo kasama ang Tito niya."

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tumingin kay Papa.

"Tito? You mean, Martin? Nandiyan si Martin?"

Tumawa si Papa sa naging reaksyon ko at paulit-ulit na tumango.

Mabilis akong naglakad papasok ng bahay. Nang makapasok ay naabutan kong nakaupo sila sa couch. Magkatabi sina Martin at ang anak ko, nakatalikod sa'kin. Habang si Yaya Neri ay nasa kabilang couch din. Unang lumingon sa'kin si Jace.

"Mommy!" he beamed and jumped to hug me.

"Hi baby!" Nilapag ko ang pizza sa coffee table at kinarga ang anak ko.

When his attention was diverted to the pizza I bought, I put him down. Yinaya niya kaagad ang Daddy-lolo at ang Yaya niya na kumain nito. Habang ako ay tinitigan si Martin na ngayon ay nakatitig na rin sa'kin. Ngumiti ako ng malapad sa kaniya.

Through the years, I noticed how Martin has grown into a man. Kung dati'y patpatin ito at nagsusuot lang  ng kahit ano-anong damit ngayon ay naging metikuloso na ito. He's now wearing a gray button-down dress shirt na halatang-halata ang muscles sa katawan. Yes, he gained muscles and also height. Hanggang balikat nalang niya ako ngayon. His hair was fixed on the side and even had a sunglasses on his collar. Mukhang kararating niya rin lang ata.

Beyond LiesWhere stories live. Discover now