Chapter 18
Love
Nangiginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Sinubukan kong basahin ulit ang mensahe ni Terron ngunit iyon pa rin ang nakalagay, walang pinagbago. Nalilito ako. Anong ibig niyang sabihin? Tigilan ako ni Jairre? Bakit? Ayaw niya ba talaga ako para sa kaibigan niya?
I was about to type a reply when Jairre's phone rang. Terron is calling him again. With trembling hands, I answered his call.
"Sa wakas, sinagot mo rin. Please bro, tigilan niyo na si Nelle. Stop that stupid dare! Sinasaktan niyo na ang tao. Please, kahit ako na ang magbabayad sa pustahan niyo, just please, tigilan niyo na siya."
Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Tila hindi rumirehistro sa utak ko ang sinabi ni Terron.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Terron ngunit wala na akong maintindihan. Ayaw ko ng intindihin pa. May mga nabasa at napanood na akong mga palabas tungkol sa isang nabuong relasyon dahil sa isang dare at pustahan ngunit ngayong nalaman ko na ganito ang nangyari sa'min? Hindi ko ata gustong maintindihan. Dare? Pusta? Totoo ba 'to? Tila ayaw tanggapin ng utak ko ang impormasyong iyon.
Dahil sa panginginig ng mga kamay ko hindi ko na namalayang nabitawan ko na pala ang cellphone ni Jairre, nagulat nalang ako nang lumikha iyon ng kaonting ingay nang masagi ang lalagyan ng mga pagkain na nakapatong sa kumot na inilatag namin.
"Love."
Mas lalo akong nagulat nang tumambad si Jairre sa harapan ko. Pinulot niya ang cellphone na naihulog ko at agad nanlaki ang mga mata niya. Hindi pa napuputol ang tawag galing kay Terron, kaya ba ganiyan ang reaksiyon niya? Nagulat ba siya na maaaring nasabi na sa'kin ni Terron ang tinatago nila? Totoo ba talaga iyon?
"J-Jairre," tawag ko sa kaniya.
He put his cellphone on his pocket and looked at me.
"W-What did h-he say?" he stuttered.
Hindi agad ako nakasagot at mataman lang siyang tinitigan. Jairre is a responsible guy. He also thinks rationally. Kaya niya ba talagang gawin ang sinasabi ni Terron? Ngunit gaano ko na ba talaga kakilala si Jairre. Bumuntong-hininga nalang ako. "Is it true?"
I want him to answer no. I want him to say that it's not true but he didn't answer me and he just only looked down. My heart thumped even more. Bakit hindi siya makapagsalita?
I came closer to him, our faces almost touching. I'm trying to meet his gaze but he just wouldn't let me. Napakabilis ng paghinga ko. "Totoo ba, Jairre?"
Terron can lie, right? But if he is, why would he? Why would he lie to me?
"M-Marie." He's still looking down.
Kumakabog ng napakabilis ang puso ko, na para bang kakagaling lang nito sa isang marathon at gusto ng lumabas sa kinanalagyan. Parang alam na nito na totoo nga ang sinabi ni Terron pero kailangan ko munang kompirmahin iyon galing kay Jairre.
"Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Terron? Totoo ba na pinagpustahan niyo lang ako?" Hindi ko alam kung paano ko naitanong iyon ng maayos sa kabila ng panginginig ng mga labi ko. Sa kabila ng pagpipigil ko sa nagpupumilit na mga luha ko na gusto ng kumawala sa aking mga mata.
Jairre let out a deep sigh. He raised his face and meet my gaze. Hindi ko mawari ang emosyong nakikita ko sa kaniyang mga mata. Is it sympathy? Is it pity? Mas lalo ata akong nanlumo.
"Yes. Yes, I admit. It was just a dare."
I opened my mouth to speak but I couldn't find right words to say so I only stared at him with my mouth gaping.
He continued. "Oliver started it. Sinabi niya na kung mapapasagot kita, ibibigay niya na sa'kin ang dalawang sasakyan niya at siyempre, katuwaan na rin," he said while still looking into my eyes.
When his words sank in. I felt my knees trembled. I wanted him to answer me but now that he did, I regretted it. Sana hindi nalang ako nagtanong. Sana hindi nalang. Sana hindi ko nalang sinagot ang tawag ni Terron. Sana hindi nalang ako nakialam. Sana hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Dahil mas masakit pala na marinig ang mga katagang iyon na galing mismo sa bibig ni Jairre. Galing sa mismong bibig ng lalaking mahal na mahal ko na ngayon.
Naramdaman kong tumulo na ang mga luhang pinipigilan ko simula pa kanina.
"But love, that was—"
Hindi ko na siya pinatapos. "T-Thank you. I n-need to g-go." Dali-daling kong pinahid ang mga luha ko at tinalikuran siya.
Fuck! Ang sakit! Parang tinarak ng punyal ang puso ko sa ginawa nila. Akala ko sa mga libro at mga pelikula lang nangyayari ang mga ganoon ngunit sa totoong buhay din pala. Napatawa nalang ako ng mapakla. I became a subject for entertainment, huh? Anong akala nila sa'kin? Isang clown?
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay pinigilan ako ni Jairre sa pamamagitan ng isang yakap. Yinakap niya ako ng napakahigpit mula sa likuran habang ang baba niya ay nakadantay sa mga balikat ko at ang mga kamay ay nasa beywang ko.
Hindi ko alam kung sinadya niya ba pero nakaharap kami sa napakagandang tanawin ng siyudad. Pero sa nangyari ngayon, hindi ko na alam kung maituturing ko pa bang maganda ang lugar na 'to dahil sa nangyari sa gabing ito.Sinubukan kong tanggalin ang mga braso niyang nakayakap sa'kin ngunit mas lalo niya lang itong hinihigpitan.
"Love, please."
I heaved a sigh. "P-Please w-what?" nauutal kong tanong.
Sa halip na sagutin ako ay siniksik niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. Nanindig ang mga balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya. Ramdam na ramdam ko ang napakainit niyang hininga and his breath smells like mint. Parang nanlambot ang katawan ko, na kung hindi niya lang ako hawak ay paniguradong natumba na ako.
"J-Jairre." It should be with force but I don't know why it came out like a moan.
Bumuntong-hininga siya sa leeg ko na mas lalo lang nakadagdag sa hindi ko malamang nararamdaman. He breathe there like his life depended on it.
"Love. Please, hear me out."
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin pero parang napaka-sweet ng pagkakasabi niya. Shit. What the hell happened to you, Marienelle? Get yourself together! Dapat galit ka sa kaniya!
"It was a dare. It was, because that was before. That was before when I still didn't know you. But now, love, please, believe me when I say all I did and said to you is all true."
I can feel his sincerity while saying those. Is he really saying the truth? No. He's not. He can lie. All of us can lie, whenever and wherever we wanted to. No one is an exception.
Tinatanggal ko ang mga braso niyang nakayakap sa beywang ko ngunit sa tuwing ginagawa ko iyon ay mas lalo niya lang hinihigpitan ang yakap niya. Kaya ang dating tuloy ay parang nakahawak ako sa mga braso niyang nakayakap sa'kin.
"Baby, please," mahinahon ngunit may diin niyang sabi.
I felt something inside me softened. But no, I should be mad at him. "Jairre, intindihin mo naman ako—"
"Baby..." Natigil ako sa pagsasalita nang sinabi niya iyon.
Bumuntong-hininga ulit siya kaya ramdam na ramdam ko iyon dahil nasa leeg ko pa rin ang mukha niya. Mas lalong nanlambot ang mga tuhod ko. Fuck. Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit naging ganito ang epekto niya sa'kin? Bakit na-di-distract ako sa ginagawa niya at pinagsasabi niya?
Huminga ako ng malalim. "Jairre, please, gusto ko lang munang makapag—"
Natigil ulit ako sa pagsasalita nang sumabat na naman siya.
"I love you," he said with utmost sweetness and sincerity.
YOU ARE READING
Beyond Lies
RomanceMarienelle was living a peaceful life not until Jairre Dela Torre came in. He let Marienelle experienced her greatest heartbreak. After 6 years, Marienelle met Jairre, again. Is she willing to let Jairre, ruin her life, again? Genre: Romance Langua...