Chapter 38
Tarantado
Abot-abot ang tahip ng dibdib ko. Nasa opisina ko lang si Jace! Paano kung bigla siyang lumabas at makausap niya ang mga ito? He knows na hindi niya ama si Terron at ang pinaniwalaan ni Jairre ay isa kaming buong pamilya!
Nasa iisang parihabang mesa kaming lima ngayon. Katabi ko si Terron at sa at kaharap ko naman si Jairre na katabi rin si Lerry. Samantalang si Oliver ay nakaupo lang mag-isa na walang katabi at kaharap. Pinag-uusapan na namin or should I say nila ang gagawing proposal. Hindi ko na masundan ang sinasabi nila dahil sa nakakailang na titig ni Jairre sa'kin at ang kabang nararamdaman ko.
Parang mababali na ang leeg ko dahil sa kakalingon sa pinto ng opisina ko. Terron felt my uneasiness so he put his hands on my shoulders and slightly caressed it. Nilingon ko siya ngunit mataman siyang nakikinig kay Oliver. Nakita kong nabaling ang titig ni Jairre sa balikat ko kung nasaan ang kamay ni Terron. Umayos siya ng upo at iniwas ang titig. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap kaya sinubukan kong makinig. Akala ko'y hindi na mangyayari ngunit nagkakamali ako. Paglingon ko sa opisina ay nakabukas na ito at nakatakbong lumapit sa'kin si Jace.
"Mommy!"
Napalingon sa banda namin ang mga tao sa loob ngunit hindi ako nababahala sa maaring masabi nila, mas kinakabahan ako sa magiging reaksiyon ni Jairre kung sakaling malaman niya na hindi tunay na ama ni Jace si Terron! Dahil malalaman niya talaga ito kung sakaling makita niya sa malapitan ang anak ko!
Hindi pa man nakakalapit ng tuluyan si Jace sa'min ay nilapitan na ito ni Terron. Thank God!
"Hey baby! Where's your yaya?" Rinig kong tanong ni Terron sa anak ko. Kinarga niya ito at itinalikod sa amin.
"He's right there, po." Inosenting tinuro ni Jace ang loob ng opisina kung saan lumabas din si Yaya Neri.
Tumayo na rin ako at lumapit sa kanila. Kinakabahang nilingon ko ang naiwan sa aming mesa. Si Oliver at Lerry ay masayang nag-uusap maliban kay Jairre. Nakakunot ang noo ni Jairre habang nakatingin kay Terron at sa anak ko. Kinakabahan ako. Paano kung bigla siyang magtanong? Paano kung lalapitan niya bigla si Jace? Kapag nakita niya ng malapitan ang mga mata ng anak ko, mahahalata niya! Jace got his eyes! Kahit sino ay mahahalata iyon kapag tinitigan sa malapitan! Nakaka-paranoid!
"Jace..." ani ko nang makalapit.
Masayang lumingon ang anak ko sa'kin.
"Mommy! Karga mo 'ko!"
Pinilit kong ngumiti bago ko siya kinarga. Hindi ko puweding ipakita sa anak ko na nababahala ako dahil nandiyan ang tunay niyang ama!
Tinitigan ko si Terron at sinenyas si Jace na karga ko. He immediately got it. Hinalikan niya ang noo ni Jace bago ang noo ko pagkatapos ay bumalik ulit sa mesa namin. Nanlaki ang mga mata ko. The kiss wasn't necessary! But I couldn't care any less now. Dali-dali kong dinala si Jace sa opisina, sumunod naman sa'min si Yaya Neri.
Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero hindi na ako lumabas pa sa opisina. Ngunit kahit nasa loob ay kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi kay Jairre ang totoo, hindi ko pa ata talaga kaya...
Terron texted me that I shouldn't get out and that he'll just inform me for the preparation. Pinahatid niya pa sa isang waiter ang ibinigay niyang bulaklak kanina. Nagpasalamat ako sa ginawa niya.
Nakatulog na si Jace sa sofa kaya pinauna ko nalang si Yaya Neri sa bahay para makapagpahinga na muna siya. Dadalhin pa nga niya sana si Jace ngunit sinabi kong ako na ang magdadala.
YOU ARE READING
Beyond Lies
RomanceMarienelle was living a peaceful life not until Jairre Dela Torre came in. He let Marienelle experienced her greatest heartbreak. After 6 years, Marienelle met Jairre, again. Is she willing to let Jairre, ruin her life, again? Genre: Romance Langua...