Chapter 06

252 93 10
                                    

Chapter 06

Defeat

Natapos ang lahat ng klase ko sa araw na 'yon ng hindi na ulit nanggulo pa sa'kin si Jairre. Hindi ko na ulit siya nakita pagtapos ko siyang iwanan sa canteen kanina na siyang ikinatuwa ko rin.

Habang nakaupo kasi siya sa table ko, pinagkakaguluhan kami ng mga estudyante sa loob ng canteen. Ang daming gustong lumapit sa'min na kung hindi sasambahin si Jairre,  paniguradong aawayin at sasaktan lang ako. Kung hindi lang dahil sa mga barkada niya paniguradong baldado na'ko ngayon. Ang dami naman kasi niyang fans, at halos lahat galit na galit sa'kin dahil sa ginagawa ng unggoy na Jairre na yun. Hinaharangan ng mga barkada niya ang mga babaeng lalapit sana sa table namin, ngunit may iba paring hindi napipigilan.

Kaya bago pa nila ako masunggaban, agad na akong tumayo at tinalikuran si Jairre ngunit  bago ko siya tuluyang tinalikuran, nasulyapan ko pa ang mukha niya, he was possessing a lonely face when he saw me turning my back at him. Pipigilan pa sana niya ako ngunit hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon.

Tss. Buti nga sa kanya.  Akala niya mapapaluhod niya lahat ng kababaihan sa harapan niya. Pwes, tama lang na ginawa ko yun upang malaman niyang hindi lahat ng kababaihan ay nakukuha niya kaagad na parang pumipitik lang sa mga kamay niya.

Papalabas na ako ng campus ng maalala kong hindi ko na pala ulit nakita si Rica kanina. Hindi siya dumating sa canteen at hindi rin siya pumasok sa panghapong klase.

"Look at her! Diba siya yung nililigawan ng Jairre natin?

Nagulat ako ng hinarangan ako ng limang babae sa gitna ng school ground. At nakikilala ko ang nasa gitna nila. She's Trina, kilalang war freak sa school namin, and of course itong mga kasama niya ang mga alagad niya. Woah. Eto na ba yung katulad sa movie? Haharangan at aawayin nila ko tapos dadating si Jairre at ililigtas ako? Na siyang knight in shining armour ko?

I rolled my eyes at such thought. Paniguradong hindi yun mangyayari ngayon kasi hindi katulad ng nasa movie, hindi ako mahinang babae at kakayanin ko silang harapin.

And what? Natin? I laughed at their possessiveness.

"Why are you laughing?" Maarteng sigaw ng isa sa kanila.

"Girl, she's probably happy that Jairre is courting her."

"Of course, she is. But we won't let her, right?" Si Trina na akmang susugurin na ako.

Tinaasan ko sila ng kilay. "Wait! Are you here to say that I should leave Jairre alone? Na hindi ako bagay sa kanya? Na hindi naman ako maganda?" I smirked. "Oh, hindi na kailangan, girls. Alam na alam ko na 'yan."

"Eh, alam mo naman pala. Why did you not do it?"

"Nakita niyo naman panigurado ang ginawa ko kanina, diba? You should be happy by that."

"We're not," maarteng sigaw ni Trina.

"Oh? You aren't? Then, you should probably tell that to Jairre. Talk to him about that. Not me."

Akmang aalis na ako sa harapan nila at patuloy na sanang maglalakad patungong gate nang pinigilan ako ni Trina sa pamamagitan ng paghablot niya sa kanang braso ko.

"Huh! Kung makapagasalita ka akala mo kung sino ka, ah?"

Pumiglas ako sa hawak niya. "Right, I'm just a nobody here. So, bakit niyo 'ko kinakausap?"

Hindi ako magpapatalo. Hindi ako mahinhin na babae, lumalaban ako tuwing naaapi ako. Ngayon nga lang ako lumaban kasi ngayon lang rin naman may nangganito sa'kin.

"Ugh! You're pathetic!" Wika ni Trina at padabog na umalis sa harapan ko. Agad namang sumunod ang mga alagad niya while murmuring nonsense.

Tss. Buti nga sakanila. Hindi ko naman pinapakialaman 'yang Jairre nila. Inayawan ko nga diba?

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

"Sis! Nelle!"

Nang nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko, nakita kong tumatakbong papunta sa'kin si Tessa kaya agad akong napahinto sa paglalakad.

"Tessa, pauwi kana rin?"

"Yup," she looked at me teasingly. Ngumisi naman siya na parang kinikilig at siniko pa ako. "Uy girl. Napakafamous mo na talaga. Nakita ko yung nangyari sa harap ng building niyo kanina. May video, sis. Inupload sa Facebook!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Seryoso?"

"Oo, sis. May caption pa nga, eh. At ang nakalagay, 'Jairre Dela Torre got turndown by Marienelle Corpuz'."

"What the? Sinong nag-upload?"

"Hindi mo ba nakita? Ang school page yung nag-upload, sis."

Napasapo ako sa noo ko dahil sa kahihiyan. Ano nang gagawin ko? Paniguradong mas maraming magagalit sa'kin nito. Muntik na nga akong sunggaban nina Trina kanina, paano pa kaya bukas? Ano ba kasing trip ng Jairre na yun? Ba't niya ba ginugulo ang buhay ko?

Hanggang sa makalabas kami ng school ni Tessa at hanggang sa nakauwi ako hindi pa'rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Tessa at sa ginawa ni Jairre kanina.

Yes, he's surely a heartthrob and a heartbreaker, too. Kaya hindi ko malaman kung seryoso ba talaga siya sa panliligaw niya sa'kin gayong hindi na siya ulit nagpakita sa'kin ngayong hapon.

Tapos na kaming maghapunan at ngayon nakahiga na ako sa kama ko nang maisipan kong mag-log in sa Facebook account ko.

Agad kong sinearch ang Facebook page ng school namin and there I saw it. Nakalagay sa top videos ang video kanina. Shit! It has 5.6K likes and reactions. Ugh. Ang daming nakakita sa eskandalong ginawa ni Jairre kanina.

"Shh, stop that guys. Hindi naman ako nagmamadali..."

"Ano ba, stop it!"

"Please stop that, I don't want her to be pressured..." napakamot siya sa ulo niya. "Baka, mabasted agad ako, eh."

Nagtawanan naman agad ang mga estudyante na nakapaligid sa'min.

"I don't want you to court me. So, please, leave me alone."

'Yan ang huling sinabi ko bago ko siya tinalikuran. At nakuha pa talaga sa video ang nakakaawang mukha ni Jairre.

Shit! How can I get away with this?

Just then my phone beep for a message. A message request. Kay Jairre na naman galing.

Jairre Dela Torre:

Hi Nelle. Good evening!

Another message.

Jairre Dela Torre:

Kumain ka na ba? Kung hindi pa, please kumain ka na. Ayaw kong nagugutom ka:)

Tss. Gasgas na 'yang linyang yan tol. Sana man lang nag-isip ka ng bago.

Another message came.

Jairre Dela Torre:

Tungkol nga pala sa panliligaw ko sa'yo, just so you would know. I don't accept defeat, baby.

Kahit sa chat niya lang sinabi, ramdam ko yung sincerity niya kagaya ng pagkakasabi niya kanina. I smiled.

What? I smiled? For him? Oh, shit. No.

Beyond LiesWhere stories live. Discover now