Chapter 33
Flowers
I sighed heavily. I need to act cool. I need to act nicely in front of him. I need to set aside other matters and focus on business.
Pero nahihirapan akong gawin lahat ng iyon. Halo-halo ang emosyon ko habang nakatayo. Napakalakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin. Nalilito ako. Kukuha ba ako ng maiinom niya? Pauupuin ko ba siya? Ngunit saan naman? Sa upuang nasa harapan ng aking mesa? No! Hindi siya bagay roon! My God, Nelle! Mag-isip ka!
Before I could even say something, I heard him cleared his throat. But he didn't say a word. He just raised his brow and looked at me. Nakaramdam naman ako bigla ng pagkahiya.
"Uh—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sana nang maglakad siya patungo sa sofa habang inililibot ang paningin sa loob ng aking maliit na opisina. Umigting ang kaniyang panga, tila galit sa kung anong nakikita niya.
I was watching his every move. Parang biglang lumiit ang sofa nang umupo siya. He put his two arms on the couch. Like declaring it that the whole sofa was his property. Samantalang nakatayo pa rin ako sa may pintuan, hindi malaman kung ano ang gagawin.
Ang suot niyang slacks ay nalukot nang nagdekwatro siya. Unti-unti niya namang nilukot ang kaniyang sleeves hanggang sa kaniyang siko at niluwagan ang pagkakabutones ng suot niya. Huminga siya ng malalim.Napabalikwas ako sa gulat nang lumingon siya bigla sa'kin.
He examined my clothes. Kaya napatingin din tuloy ako sa suot ko. I'm wearing a white blouse with a cowl neckline paired with a blazer and then my pencil cut skirt with a slit on the side. Umiling siya at umigting ang kaniyang panga.
"Come on. Are you not gonna sit here beside me?"
My heart skipped a beat hearing his voice. I expected him to comment on what I'm wearing but I'm glad that he didn't. Ngunit sa tanong niya'y mas lalo akong nataranta. Sit beside him? No way! Why would I? Pwede akong umupo sa swivel chair ko! Pero paano kung magalit siya kapag hindi ko siya sinunod? Baka hindi siya makipag-deal! I saw his lips rose a bit when he noticed that I panicked. Kaya bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya sa pag-upo sa sofa, malayong-malayo sa kaniya.
I heard him muttered a soft curse when he noticed our distance but he didn't talk. Hinintay ko siyang magsalita ngunit hindi niya ginawa at hindi ko rin alam kung anong sasabihin. Another long silence stretched. Niisa walang nagsalita sa'min. Pakiramdam ko'y dahil sa katahimikan ay maririnig niya na ang napakalakas na kabog ng puso ko. Ngunit sana'y hindi.
"When did he came back?" he echoed.
For a moment, I didn't understand what he's saying ngunit kalaunan ay naintindihan ko rin.
"Si Terron? Kani-kanina lang siya dumating," I answered without looking at him.
"Tss."
Napalingon agad ako sa kaniya at kunot noo siyang tinitigan. Igting ang kaniyang panga at nakatitig sa kawalan. Galit ba siya? Ngunit saan naman?
"Bakit?"
"Did you... missed him?" He looked away immediately after asking it.
Napasinghap ako at hindi agad nakasagot. Bakit niya tinatanong 'yan? Anong pakialam niya kung na-miss ko ba si Terron?
Huminga ako ng malalim at naalalang hindi kami narito upang pag-usapan ang bagay na iyon. Umayos ako ng upo paharap sa kaniya.
"We're here to talk about business."
YOU ARE READING
Beyond Lies
RomanceMarienelle was living a peaceful life not until Jairre Dela Torre came in. He let Marienelle experienced her greatest heartbreak. After 6 years, Marienelle met Jairre, again. Is she willing to let Jairre, ruin her life, again? Genre: Romance Langua...