Chapter 03

308 134 19
                                    

Chapter 03

Courtship

Nang nakarating ako sa bahay, nagulat ako ng nadatnan ko si Martin sa maliit naming sala na kumakain ng napakalaking pizza.

"Wow! Ang laki nito, ah! Sinong bumili?"

Pagkatapos tumakbo ako at agad kumuha ng isang slice. Hmm. Ang sarap. Favorite ko ang pizza lalo na kapag Hawaiian. And this is a freaking Hawaiian pizza, 2 times larger than an ordinary one.

Natawa naman si Martin. "Oh, hindi ko pa nga sinasagot ang tanong mo, kumakain ka na agad jan."

"Eh-shino ba ang bhumili nhito," sagot ko habang lumalamon ng pizza.

"Eww. Lunukin mo nga muna 'yan ate. Kadiri to."

Nilunok ko naman agad. "Eh, sino ngang bumili?"

"Syempre, ako."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw? Weh? Totooo?"

Tumawa naman siya ng malakas. "Syempre, ako yung tumanggap niyan sa delivery boy."

"Eh? Sino daw nag order?"

"Oh, baka mabilaukan kayo," sabay lapag ni Mama ng orange juice.

"Nag-order ka, ma?"

"Hindi, no, ang laki naman niyan. Tsaka napakamahal panigurado. Loko-loko lang siguro ang bibili niyan," sabay tawa ni mama kaya napatawa narin kami.

"Sino kaya 'yang loko-lokong yan?"

"Oo nga, Mart. Diba ikaw naman ang tumanggap? Wala bang sinabi?" Tanong ni mama kay Martin.

"Oo nga pala, may kasama pala itong card, teka 'asan na ba yun," hinanap niya ito sa ilalim ng mesa kaga tumulong na kami.

"Ano bang itsura 'non?"

"Oh, eto na pala!" Sabay taas niya sa hawak niyang pamilyar na card.

Nanigas ako. No way. Pati ba naman dito?

I know you're tired and hungry, kaya eat this, para naman magkalaman ka hehe joke lang. Mwaa. Happy eating!

Love,
Jairre Dela Torre

Basa ni Martin sa card.

What? Kay Jairre na naman galing? Paano niya nalaman yung bahay namin?

"Love daw ate, oh. Boyfriend mo 'to?"

"Ha? Hindi 'no. Ni hindi ko nga yan kilala, eh."

"Hala, ma, oh! Dinideny pa ni ate," asar ni Martin.

Ramdan kong namumula ang mga pisngi ko. "What? Ehh, sabing hindi ko kilala 'yang unggoy na 'yan, eh."

"Okay, sabi mo, eh." sabi niya habang may mumunting ngiti sa mga labi.

Si mama naman, tahimik lang na kumakain at nanonood sa'min.

"Ang laki-laki niyo na mga anak ko," madamdaming anito.

"Ano ba 'yan, mama, I'm not up for drama right now," maarting sagot ni Martin kaya napatawa tuloy kami.

Masaya kaming kumakain ng pizza sa sala nang biglang kumalampag ang gate. Agad-agad kming tumayo at lumabas.

Nakita namin si papa na nakahiga sa bakuran na parang wala sa sarili. Hays, lasing na naman. Dali-dali namin itong tinulungang makatayo at dinala sa kwarto nila ni mama.

He's always been like that simula noong nawalan siya ng trabaho dahil sa pagkalasenggero niya. Hindi naman nagpapapigil kahit kay mama, kaya hinahayaan nalang namin. Masyado niya kasing dinibdib ang pagkatanggal niya sa trabaho.

Pagkatapos namin siyang ihatid, bumalik na kami sa sala ni Martin, samantalang nagpaiwan naman si mama para alagaan si papa. Hays, my always loving mother.

"Ate, kawawa si mama, no? Siya yung nagtutustos sa'tin tapos palagi pang lasing si papa. Gusto ko na tuloy maghanap ng trabaho."

"Ano ka ba, Mart. 'Wag mo na nga munang isipin 'yan. Kakayanin natin to. Kailangan mong makapagtapos ng pag-aaral, okay," sabay gulo ko sa buhok niya.

Naiinis naman niyang tinampal ang mga kamay ko. "Oo na. Salamat, ate. Pangako, babayaran ko 'yan pagkanakapagtrabaho na ako."

Hindi naman kami sobrang mahirap. Sakto lang para pagtapusin kami ni mama ni Martin sa gusto naming kurso.

May maliit kaming karenderya sa may bayan. Marami-rami naman kaming costumers kasi masarap magluto si mama. Tuwing weekends, tumutulong kami ni Martin doon.

Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan, pumasok na ako sa kwarto ko. Hindi na kami maghahapunan kasi nabusog naman na kami sa pizza, at kung sakaling may magutom man, nasa ref naman yung natirang pizza, kaya may makakain parin.

Pagkatapos kong magbihis, agad na akong nahiga sa kama. Wala naman akong gagawin ngayon kasi walang reporting at assignment para bukas.

Habang nakahiga, bumalik sa isipan ko ang unggoy na si Jairre. Sino ba talaga siya? Tapos, base sa mga ibinibigay niya parang napakayaman niya pa. Kung totoong nanliligaw siya, bakit ako? Bakit niya pag-aaksayahan ng oras ang isang katulad ko?

Inaamin ko, hindi naman ako masyadong panget. May itsura naman ako pero hindi ko pa rin masasabing magugustuhan niya ako. Sabi nga ng mga estusyante doon sa school, wala akong fashion sense, which is really true. I'm used to simple t-shirts and jeans. Wala rin akong kahit anong alahas sa katawan. 

An idea popped up into my mind. Agad kong kinuha ang cellphone ko at inopen ang Facebook account ko. Minsan lang ako nag-oopen dito kase wala naman akong masyadong social media life.

I tapped the search bar and typed the name, 'Jairre Dela Torre'. Ang daming lumabas, pero yung iba wala namang profile picture. I opened the first one. Hmm, malaking tao. Tsaka base sa info niya, nagtatatrabaho siya sa isang shipping company, so obviously, hindi ito yung Jairre na hinahanap ko. Ang pangalawa naman yung inopen ko, his profile is with a girl and the girl is holding a baby. Halatang pamilya niya. Kaya inopen ko naman yung profile picture ng pangatlo, agad nanlaki ang mga mata ko. Ang gwapo!

He has an aqua colored eyes, na kung tititigan mo, para kang hihigupin sa kailaliman ng karagatan. But his eyes isn't expressing anything, like an ocean, it's cold yet mysterious. His black jet hair that was fixed on the side, looks so good on him. His thick eyebrows, curled and long eyelashes that made his eyes more adorable, his pointed noes, and his chiseled jaws. Every features on his face screams handsomeness.

His profile picture reached 2K reactions. Tiningnan ko naman ang info niya. Mukhang ito na talaga ang hinahanap ko dahil nag-aaral siya ng Engineering sa school na pinapasukan ko. I scrolled down on his timeline. Ang dami niyang friends, almost 5,000 na at ang dami rin niyang tagged pictures ng isa babae. Tss, ito na talaga. Playboy, eh.

Then a message popped up in my Messenger. Message request. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan. It was from no other than, Jairre Dela Torre. Is this for real? He messaged me!

I opened his message request.

Jairre Dela Torre:

Hi, good evening, beautiful. I noticed that you're not really using Facebook every time. I'm so lucky tonight:)

My phone dropped into my face. Agad ko naman itong kinuha at binasa ng paulit-ulit ang message. Napakurap ang mga mata ko. What? He called me beautiful? My cheeks reddened.

Another message coming from him.

Jairre Dela Torre:

I assumed that you already know that I'm courting you. I'm sorry if  I haven't shown myself to you, to personally ask you but I promise, you'll see me tomorrow.

Hindi ako makapaniwalang ito si Jairre. Is he really serious on courting me?

Beyond LiesWhere stories live. Discover now