Chapter 35

106 3 0
                                    

Chapter 35

Talk

Dumaan ang mahabang katahimikan. Wala niisang nagsalita sa'min. Nakatayo lang kami doon habang nakatitig sa unti-unti paghahari ng kadiliman sa buong kalangitan at ang unti-unting pag-iilaw ng mga kabahayan at mga establisyemento sa siyudad.

Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya. Terron is really a good guy. I can see it. Niisang beses hindi ko kinuwestiyon ang pagiging mabuting tao niya sa'min. Ngunit ngayon... hindi ko alam kung ano ang isasagot.

Narinig kong huminga siya ng malalim.

"Let's go?"

Nag-alinlangan ako noong una ngunit nang nakitang nakalahad na ang kaniyang kamay para sa'kin, agad ko itong kinuha. Ngumiti siya sa'kin. Nginitian ko nalang rin siya pabalik kahit nag-aalangan ako. Maybe what he said is just really nothing.

Pagkababa namin ay kaonti nalang ang mga empleyadong natitira. Jace is already sleeping on Martin's arms, too. Kaya pagkatapos naming maglinis sa mga kalat at pagkatapos kong magpasalamat ay umuwi na rin kami. Pinauwi ko na rin ang mga natitira pang empleyado.

Doon sumakay si Papa sa sasakyan ni Martin habang sa'kin naman sumakay ang anak ko at si Yaya Neri. Terron got inside of his car, too. Bumusina lang siya bago pinaandar ang kaniyang sasakyan, aniya'y susundan niya raw kami hanggang sa makauwi. Ngunit hindi ko alam na ihahatid niya talaga kami at titigil pa ng kaonti. Dumiretso na sila Papa pauwi sa bahay namin.

"Congratulations again, Nelnel." Ngumiti siya ng malapad sa'kin bago pinasadahan ng kamay ang kaniyang buhok.

Nasa labas kami ng bahay ngayon. Akala ko hindi na siya bababa ngunit nagkakamali ako. Hinatid na ni Yaya Neri si Jace sa kwarto nito kaya kaming dalawa nalang ni Terron ang nasa labas.

"Thank you so much, Ronron. I didn't expected it." Gusto ko siyang yakapin ngunit nag-aalinlangan ako. Naramdaman niya ata yun kaya siya na ang unang yumakap sa'kin.

"I really missed you, Nelle. I hope I can spend more time with you, next time."

Napangiti ako at yinakap siya pabalik. Mahigpit na mahigpit. "I missed you too."

Narinig kong tumawa siya ng mahina. "Alam ko naman 'yan, kahit hindi mo pa sabihin."

"Sira!" ani ko ngunit napatawa na rin.

Pagkatapos kong tanawin ang sasakyan niya paalis ay pumanhik na agad ako sa kuwarto ni Jace. Naabutan ko siyang mahimbing na natutulog, na medyo nakaawang pa ang bibig. Nabihisan na rin siya ni Yaya Neri.

Dahan-dahan akong umupo sa kama niya. Hinaplos ang kaniyang mga pisngi. My tears started to fall staring at his innocent face. Kamukhang-kamukha niya talaga ang Papa niya lalo na kapag tulog, mas lalong-lalo na kapag nakadilat siya! How stupid of Jairre to not notice it!

"I-I'm so sorry for not... giving you a complete family baby... I'm s-so sorry for not i-introducing you to your real f-father..." I sobbed.

Today, I realized that I should just let Jairre assumed that Jace is Terron's son. I... I don't know if it's the right thing... I don't know if it's too selfish... but I don't want him to know that he has a son with me. I sighed and let the darkness of sleep consumed me.

Sunday came. It's still 5:30 in the morning. Bumangon na ako para makapag-work out. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-work-out dahil sa pagiging busy ngunit hindi naman nabigla ang katawan ko. Inunti-unti ko lang ito hanggang sa masanay at maging ganado ulit.

Pagkatapos maligo ay agad na akong nagbihis para makapunta ng maaga sa restaurant. I'm wearing a pink wing collar top paired with my pegged skirt and wedge. I'm very busy the past few days so I need to make it up today for my employees. Ayaw kong maramdaman nila na pinapabayaan ko nalang ang restaurant. Which is really wrong, naging busy lang talaga ako sa pagtatatrabaho sa kompaniya nila ni Terron.

Beyond LiesWhere stories live. Discover now