Chapter 08
Deserve
It's been 2 weeks since Jairre started to court me. Sa 2 weeks na iyon, walang araw na nagdaan na hindi niya ako binibigyan ng bouquet of white roses na palaging may kasamang card na may vines na design. Kadalasan, sinusundo niya ako sa umaga at doon niya ibibigay, kapag naman hindi niya ako nasundo, pinupuntahan niya ako sa classroom para doon ibigay ang mga bulaklak. Kapag weekends naman, pinupuntahan niya ako sa bahay o sa karenderya para magbigay ng mga bulaklak, confident na ang unggoy kasi kilala na siya ng pamilya ko at botong-boto sila dito.
I really find it sweet when he does that, hindi talaga siya pumapalya. But I sometimes wonder, kung gaano ba kayaman ang isang Jairre Dela Torre para magkaroon siya ng bulaklak araw-araw. There was one time nga na tinanong ko siya tungkol doon ngunit tumawa lang ang unggoy at hindi ako sinagot, kaya hindi ko na sinubukang mag tanong ulit kasi naalala ko na may wine company nga pala sila kaya sobrang yaman siguro talaga nila.
If its weekend he will take me to dates. Sa mall, sa park at sa kung saan-saan pa. Nakapag-hiking na rin kami at kung ano-ano pa. Napaka-adventurous niya rin kasi at ang sarap pang kasama kaya napapasama niya talaga ako. Tsaka, we always communicate din, be it through chats, texts, or calls.
Inaamin ko, nahuhulog na ako sa kanya. Sa 2 weeks kasi na 'yon, na-realize kong hindi lang pala siya gwapo, mabait at responsableng lalaki din pala siya.
Nakilala ko na rin ang mga barkada niya. Nagkakasama na rin kasi kami paminsan-minsan sa mga gala.
I don't know when it started but I'm really happy when I'm with Jairre.
"Earth to Nelle, yohoooo!"
Napatingin ako kay Jairre nang iwinagayway niya ang mga kamay niya sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa may seaside. It's getting dark na and the bulb with neon lights strapped on the trees are slowly glowing.
"Hey, are you okay?"
I smiled and nodded. "Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?"
"Come on, is it still about Rica?"
Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Simula kasi noong nagkausap kami ni Rica tungkol sa crush niya, hindi niya na ulit ako pinapansin. Tinanong ko naman siya kung may problema ba kami, o may nagawa ba ako, sasabihin naman niya na wala daw, pagkatapos tatalikuran na agad ako. Si Tessa naman, hindi ko na rin masyadong nakakasama kasi sunusundo at hinahatid naman ako ni Jairre, hindi ko na rin kasi siya nahahagilap nitong mga nakaraan, magkaklase kami sa isang subject pero hanggang doon lang yun, palagi kasi siyang nagmamadaling umuwi. Hinahayaan ko nalang kasi baka busy din.
"It's okay, Nelle. Baka may problema lang siya, tapos sa ngayon, hindi pa siya komportableng e-open up yun sa'yo," pag-aalo sa'kin ni Jairre.
Tumango ako.
I looked at him who's seating beside me. He's wearing a white t-shirt and faded jeans. But even with his simple attire, he looked so dashing. Napapalingon pa rin sa banda namin ang mga kababaihan. Actually, palagi naman kapag magkasama kami, pero hindi niya iyon pinapansin, instead he will always look at me like I'm his world and it makes my heart flatter even more.
For the past 2 weeks, he made me feel that I'm really special to him. That he loves me, and I think, now is the perfect time.
"Jairre," I called him.
"Yes, Nelle?" Masuyo niyang sagot sa'kin.
"I... uhm..." Kinakabahan ako.
"Hmm. What is it, Nelle?"
He faced me and showed me how interested he is to listen to me. Mas lalo akong kinabahan.
Huminga ako ng malalim.
"I want us to take this to another level," sagot ko nang hindi siya matingnan sa mga mata.
"What do you mean?"
Kahit nakayuko ako, ramdam kong nakangiti siya sa sinabi niya. Ramdam na rin kung anong sasabihin ko ngunit nagkukuwanri lang na walang alam.
Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya.
"Sinasagot na kita."
There, I finally said it.
"What? You mean... tayo na?"
Tumango ako sa kanya.
Napaawang ang mga labi niya ngunit agad ding nakabawi.
"Yes! Yes! Thank you so much Nelle!" Aniya habang yinayakap ako patagilid.
Halata sa mukha niya ang labis na kasiyahan. Kaya hinarap ko siya at yinakap na pabalik.
He's so persistent. May araw na sobrang busy namin pareho but he will always find time for me. Kaya I know that he deserves it.
"Can I call you Marie?"
"Ha? Bakit naman? My nickname is Nelle."
"Kaya nga, nickname mo 'yun, but I want to call you Marie, that will make me different from the others, right?"
Ngumiti ako. "Of course, Jairre."
Masayang natapos ang araw na iyon. Marami kaming sinakyan na rides. Bukod kasi sa view at malawak na playground, may mga rides din dito sa seaside o tinatawag ng karamihan na plaza. Kumain na rin kami ng hapunan doon sa isang food stall.
Halata ang purong kasiyahan na pinapakita ni Jairre. Para siyang bata na tuwng-tuwa sa mga rides. Kahit sikat na park ito, he said it's his first time to come here and he's happy daw that he's with me. Palagi nga niyang binabanggit na hindi raw siya makapaniwalang sinagot ko na talaga siya. Tinatawanan ko nalang siya sa tuwing nababanggit niya.
Hinatid niya rin ako sa gabing iyon at bago umalis, nagbilin pa siya na huwag ko na raw munang sabihin kina Mama na kami na, pupunta lang daw siya dito sa susunod na linggo. Pumayag nalang ako, he's always like that, he want things to be formally done.
Pumasok na ako sa bahay at nagulat ako nang madatnan ko si Papa na nakaupo sa sofa na natutulog.
Dadaanan ko na sana siya nang bigla nalang dumilat ang mga mata niya.
"Saan ka galing?"
Kahit nagulat, lumapit pa rin ako kay Papa at nagmano sa kanya.
"Sa may seaside lang, pa."
"Sino yung naghatid sa'yo dito?"
Agad akong namula. Nakita niya pala. "Ah, si Jairre lang, pa."
"Sino 'yon? Manliligaw mo? Bakit hindi mo pinapakilala sa'kin?"
Galit na sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Uhm... naipakilala ko na siya kila Mama at Martin, pa. Sa... tuwing nandito kasi siya, palagi ka pong wala dito... kaya..."
Nanlambot naman ang mga tingin niya. "Oh, sige. Sabihan mo 'ko kung pupunta siya dito at hindi ako aalis."
"Opo."
"O siya, sige na, matulog ka na."
"Sige po," sagot ko na agad nang tumalikod at umakyat sa hagdanan.
Hindi talaga kami close ni Papa. Kaya kinakabahan ako tuwing nakakausap ko siya, kung hindi kasi lasing, palagi namang mainit ang ulo niya. Hays, nalungkot tuloy ako. Hindi na namin alam kung paano papatigilin si Papa sa bisyo niya.
Nakahiga na ako sa kama nang tumawag si Jairre.
"Hello."
"Hey, okay ka lang ba?"
Huminga ako ng malalim. "Oo naman."
"Ba't parang ang tamlay mo? Come on, Marie, tell me. I know you're not. I'm your boyfriend now. You can tell me your problems."
I smiled. Oo nga pala, boyfriend ko na siya ngayon.
Kahit iyon lang ang sinabi niya, parang gumagaan na yung pakiramdam ko. I sighed as I share my thoughts to him because I know he deserves to be told.
YOU ARE READING
Beyond Lies
RomanceMarienelle was living a peaceful life not until Jairre Dela Torre came in. He let Marienelle experienced her greatest heartbreak. After 6 years, Marienelle met Jairre, again. Is she willing to let Jairre, ruin her life, again? Genre: Romance Langua...