Chapter 04

285 121 5
                                    

Chapter 04

Eyes

Maaga akong nagising kinabukasan. Nauna pa nga ako sa alarm clock ko. Maliligo na sana ako nang masulyapan ko ang aking cellphone. Dali-dali ko itong dinampot nang may maalala.

Hindi ko pala na-accept ang message request ni Jairre at ang dami na niyang message.

Jairre Dela Torre:

Hey.

8:03 PM

Jairre Dela Torre:

I know you're online.

8:05 PM

Jairre Dela Torre:

Accept my request, please.

8:07 PM

Jairre Dela Torre:

I'll show to you tomorrow, don't worry.

9:30 PM

Jairre Dela Torre:

I hope you'll let me.

9:32 PM

Jairre Dela Torre:

You'll see me early tomorrow.

9:45 PM

Jairre Dela Torre:

It's late. I hope you're asleep right now.

10:00 PM

Jairre Dela Torre:

Good night. Sweet dreams:*

10:02 PM

Kinakabahan ako. Seryoso ba talaga siya? Tss. Malalaman ko 'yan mamaya. Ipinagsalawalang-bahala ko nalang ang message request niya at agad ng naligo.

Pagkapos maligo at naghanda, agad na akong bumaba para sa breakfast. Naabutan ko si Mama na naglilinis sa kusina.

"Oh, anak. Kumain ka na, nauna na si Martin at nakaalis na kasi may gagawin daw sila."

Tumango nalang ako at agad nang naupo sa silya ngunit agad ring nagtaka. "Ma? Ang sarap naman po ata nitong breakfast natin? Nakapag-grocery ka na po?"

"Ah, hindi pa anak. May nagpadala lang niyan dito kanina, sabi breakfast daw para sa'yo."

Nagulat naman ako. "Ha? Sinong nagpadala ma?"

"Jor-, Jason-, Jacob-, ah, hindi ko na maalala yung pangalan anak, eh," litong saad ni mama.

Agad akong kinabahan sa binanggit ni mama. Malakas ang kutob ko na baka si Jairre na naman yun.

"Ah, oo nga pala. May card 'yan na kasama. Teka lang, kukunin ko," anito habang nagmamadaling umalis sa kusina.

Kahit na halos hindi ako makalunok dahil sa hiya, sinubukan ko paring kumain dahil wala namang ibang nakahanda. At mali-late na ako kung mag-iinarte pa ako.

Nakabalik na si Mama, galing sa kung saan. "Oh, eto na, anak."

Seeing the familiar design of the card. Tama nga ako. Kay Jairre na naman galing.

Pinunit ko naman ang card at binasa ang laman. Typewritten ulit.

Hey, good morning. I'm planning to get you to school but unfortunately, I can't wait for you, kasi yung practice namin sa basketball, 6 AM, ngayon lang kami ininform. Don't worry, I'll make it up to you later:)

Beyond LiesWhere stories live. Discover now