swords 3: Bubble magicians

1.4K 166 71
                                    

swords 3:

Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ngayon. Sa loob lang ng isang araw ay napakaraming kamalasan na ang nangyari sa aming magkakapatid, lalong-lalo na sa akin. Unang-una, sa tren. Pangalawa, iyong pambabato sa amin ng putik. Pangatlo ay hinabol kami ng mga lalaki sa 'di ko malamang dahilan. Pang-apat, sumubsob sa mala-higanteng cake ang buong mukha ko, at panghuli, dinakip kami nang walang dahilan at ikinulong ng halos kalahating oras sa selda. Jusko, may mas ilalala pa ba ito?

Sobrang lagkit na ng buong katawan ko. Pinaghalong putik at cake. Nice! Total package! Sandali... Ano nga ulit iyong salitang total package?

Pakiramdam ko kasi ay mali yatang pumasok kami sa Academy'ng ito. Unang araw pa lang ay ang dami ng kamalasan. Paano pa kaya sa mga susunod na araw.

"So, you are already enrolled as a student, huh?" sabi ng matandang lalaki sa amin habang nilalaro ang kaniyang ballpen. Nasa mesa niya ang mga admission letter namin at kanina niya pa ito binabasa.

Narito kami sa Dean's Office at hindi na sa Admin's Office. Hindi ko alam kung bakit dito kami dinala pagkatapos naming ikulong kanina.

Tiningnan ko ang kanyang pangalang nakaukit sa isang kahoy na nakapatong sa mesa. 'Di ko alam ang tawag doon.

Mr. Benedict Ferous. Ang Dean ng eskwelahang ito.

"Yes po, at mali po ang hinala ng lahat sa amin," sagot ni Riri.

"Mmm... I see." Isa-isa niya kaming tinignan at saka napabuntong-hininga. "I want to apologize for the mistakes of our men."

Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi ng Dean kaya nanahimik na lang ako. Pati iyong dalawang kapatid ko ay nakatikom na rin ang bibig at kung saan-saan gumagala ang paningin sa paligid. Tanging si Riri na lamang ang nakikipag-usap dito. Siya lang naman kasi ang nakakaintindi sa mga pinagsasabi ng matanda.

Pinagmasdan ko na lang din ang buong paligid. Maganda at malaki ang kwarto, malinis. May mga lalagyan ng bulaklak sa bawat sulok at may dalawang malalaking istante pa.

"Sige, bukas na bukas din ay magsisimula na ang pasok ninyo." Muli kaming napalingon kay Mr. Ferous. May iniabot siyang papel kay Riri. "Nariyan na ang lahat ng mga rules and regulations na kailangang sundin sa loob ng Academy. Nariyan na rin ang mga kailangan ninyong gawin."

"Sige po."

"Sa ngayon, magpahinga na muna kayo." Pinatunog niya ang kanyang mga daliri at sa isang iglap lamang ay may babaeng biglang dumating. Napanganga na lang ako. "Rea, samahan mo sila sa kanilang mga dormitoryo."

"Yes po." Tumingin sa amin ang babae. "Tayo na," aniya, saka nagpamauna nang lumabas.

Habang naglalakad ay 'di ko mapigilang titigan 'yong babae. Matangkad siya, balingkinitan ang pangangatawan, may hitsura at mestisa. Hindi naman siya mukhang masungit tingnan pero nakasimangot.

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon