Swords 12: First dance and Procedure

1.1K 120 46
                                    

Swords 12:

Pagkarinig namin sa tunog ng pintuan ay bigla na lamang akong hinila ni Riri papasok sa loob ng aparador. Maraming damit ang nakasabit dito kaya naman ay hindi kami madaling makita.

Sumilip kami sa siwang nito at saktong kabubukas lang ng pinto at pumasok naman mula roon ang dalawang taong mga iresponsable!

"Faster, Titus," rinig pa naming sambit ni Amos kay Titus.

"Wait," sagot naman ni Titus, saka lumapit sa ilalim ng kaniyang kama. Lumuhod ito at saka yumuko na tila may kinukuhang bagay mula roon.

Tinignan ko si Amos. Nakasandal lamang ito sa entrada ng pintuan na tila hindi na makapaghintay sa kaibigan. Halata rin ang inis sa mukha nito habang nakatingin kay Titus.

Napalunok na lang ako para pinigilan ang sariling gumawa ng anumang ingay. Kahit ang paghinga ko ay pigil na pigil. Ang init pa rito sa pinagtataguan namin, kaya naman tumatagaktak na ang aking pawis. Jusko! Mabuti na lamang din at hindi nila nahahalatang nandito kami ni Riri sa loob.

Lintik! Ang lakas nang kabog ng dibdib ko!

Maya-maya pa ay muling tumayo si Titus habang hawak ang isang bagay na hindi ko maaninag nang maayos.

Lumapit naman siya sa kinaroroonan ni Amos at saka natawa nang makita ang reaksyon nito.

"Wala pang dalawang minuto, pero bored na bored ka kaagad. Hindi naman halatang ayaw mo rito sa kwarto ko, ano?" anito sa kaibigan.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Amos.

"Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang kwarto mo."

Mas lalong natawa si Titus dahil doon saka napa-iling na lang. Ngumisi rin ito kalaunan, bagay na lalong ikinasama ng timpla ng mukha ni Amos.

"If I know, naiinggit ka lang."

"Dream on." Inis na umalis si Amos at iniwanan ang kaibigan.

Napailing na lang si Titus dito saka sumunod. Muli nitong isinarado ang pintuan kaya nakahinga na kami nang maluwag ni Riri.

Nanatili muna kami ng ilang minuto rito sa loob para siguraduhing hindi na muling babalik pa si Titus at Amos. At no'ng masiguro kong wala na nga sila ay lumabas na rin kami ni Riri na hingal na hingal at pawis na pawis. Mukha kaming tumakbo ng ilang kilometrong layo sa hitsura namin.

Napapikit na lang ako nang mariin. Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko! Lintik na init 'yan!

Napakapa na lang din ako sa aking nagrarambolang dibdib.

"Shishi, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong pa ni Riri habang himas-himas ang aking likod.

"Oo, ayos lang ako,"  sagot ko pa at saka hinilot ang aking sintido.

Hoo! Muntik na kami roon, ah!

"Akala ko mabubuking nila tayo. Kinabahan ako." Napa-iling na lang siya habang pinapakalma rin ang sarili.

Napa-iling na lang din ako at saka huminga nang malalim.

"Tara na, baka bumalik sila rito."

Lumabas agad kami ng kwarto. Sinilip muna namin kung may tao ba sa hallway. No'ng masiguro naming wala naman ay agad kaming tumakbo palabas ng building.

Pagdating sa entrada ay agad naming naabutan si Bibi at Mimi na hindi mapakali. Nang makita nila kami ay agad silang tumakbo para yumakap.

"OMG! Mabuti naman at maayos lang kayo, sisteret!" sabi pa ni Mimi na tila nakahinga nang maluwag.

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon