Swords 37:
Ilang araw na naman ang lumipas at bukas na ang opening ceremony para sa school fair. Madalas ko nang nakakasama si Thomas at masaya ako dahil kahit papaano ay nakakalimutan ko saglit si Amos. Pero araw-araw ko pa rin siyang naiisip.
Kapag nagkikita kami o nagkakasalubong sa hallway o canteen ay hindi ko na siya iniiwasan, dahil siya na mismo ang kusang umiiwas sa akin. Ang mas masakit pa roon ay bumalik na naman ang dating niyang ugali. Mas lalo siyang naging seryoso at masungit. Mas naging cold din siya at halos wala na akong mabasang kahit na anong emosyon sa kanyang mukha, sa kanyang mga mata. Madalas ko siyang nakikitang nakikipaghalikan sa ibang babae kapag wala si Diane. Wala na rin akong balita sa kung ano ang nangyayari sa kanila. Naiinis ako sa kanya dahil doon.
Mahal niya si Diane at may relasyon sila sa isa't isa, pero anong ginagawa niya? Nakikipaglandian at nakikipaghalikan pa rin sa ibang babae. Ha! Ibang klase talaga si Amos. Ako ang nasasaktan para kay Diane.
Ang sabi niya sa akin noon na siya ang aking knight, pero mukhang hindi na mangyayari pa iyon.
Bukod doon, mas naging kabado na rin ako at hindi ko alam kung bakit. Nagtataka ako kung bakit ilang linggo nang tahimik ang buong Academy. Hindi na nanggulo si Denun at iyon ang ikinababahala ko. Parang may iba siyang binabalak at natatakot na ako dahil baka kung ano na ang ginawa niya kay Lolo. Sana lang ay tinupad niya ang kanyang sinabi na hindi niya papatayin si Lolo.
"Girls, girls! Lumabas kayo! May natagpuang bangkay sa harapan ng fountain!" Nabulabog kaming apat sa lakas ng pagkakatulak ng pinto na agad namang iniluwa si Jeni, natataranta at nagmamadali.
"Ha? Ano?!"
Nagkatinginan kaming apat at nataranta na rin. Bumangon ako at sinuot ang tsinelas. Ganoon din ang ginawa ng mga kapatid ko. Agad kaming lumabas ng dorm at tinakbo ang daan papunta sa may fountain.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang papalapit kami sa lugar. Nanginginig ang aking kamay at hindi ko maintindihan ang aking sarili.
Pagdating doon ay nalula na naman ako sa dami ng mga estudyanteng nakapalibot sa lugar. Ang mataray na si Bibi ay ginamit na naman ang kanyang pag-uugali para makadaan kami.
"Hoy! Kayong mga bruhilda kayo! Lumayas kayo sa harapan ko kung ayaw niyong sipain ko kayo isa-isa!" sigaw nito na agad namang sinunod ng mga nakarinig.
Agad akong hinila ni Mimi na hinila ni Riri na hinila naman ni Bibi. Pagdating sa harapan ay napatakip na lamang ako ng bibig sa sobrang pagkabigla.
Abot-abot ang kabang nararamdaman ko habang nakatingin sa isang bangkay na iniinspeksyon ng magic princes at si Laksimori. Ang lalaki ay nabibilang sa Bari class. Punit-punit ang kanyang damit na nabahiran na ng napakaraming mantsa ng dugo. Nangingitim na ang katawan nito at tila malapit nang masunog. Halata ang pagdurusa sa kanyang mukha at katawan dahil na rin sa mga sugat at pasa nito.
Nanginginig na humakbang kami palapit dito. Agad naman kaming nakita ni Laksimori.
"Jusko po! Anong nangyari sa kanya?" gulat na tanong ni Bibi kay Laksimori. "Lintik, mukha siyang binaboy na ewan!" Napatakip ito ng bibig.
"Oo nga, sisteret! Kawawa naman siya," dagdag ni Mimi na humawak sa braso ni Riri. Ang kanyang mukha ay halatang nandidiri at naaawa.
"Tingnan niyo, may nakasulat sa katawan niya." Itinuro ni Riri ang braso nitong nangingitim.
Agad akong lumuhod at tiningnan ang braso nito. Punong-puno ito ng mga sugat. Napaupo at napasinghap na nga lamang ako sa gulat nang mabasa ang nakasulat dito. Maski ang mga kapatid ko ay napasinghap sa gulat at saka natingin sa akin nang may pag-aalala sa mukha. Napatakip ako ng bibib.
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasiSimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...