Swords 13: Deal
"Shishi... Shishi, gising."
"Mmm..."
"Shishi, ano ba! Gumising ka na tanghali na!"
"Mamaya na! Inaantok pa ako, e." Umikot ako ng higa at niyakap ang unan- sandali. Teka, bakit wala akong makapang unan? Bakit ang tigas ng hinihigaan ko at ang lamig?
Napadilat ako ng mata at nagtaka nang bumungad sa akin ang mga mukha ng mga baliw kong kapatid. Napakunot ang aking noo at saka napakusot ng mata. Teka, bakit ganyan sila makatingin sa akin? Parang kakaiba? Nakakatakot sila, ah?
"A-anong ginagawa niyo? L-lumayo nga kayo sa akin!" sabi ko at pinagtutulak sila.
"Aw, sisteret! Ang sakit ng tulak mo sakin, ah!" pagrereklamo sa akin ng natatawang si Bibi. Inirapan ko lamang siya at tumayo. Nagtaka pa ako nang mapansing nasa sahig ako at wala sa kama.
"Teka, bakit sa sahig ako nakatulog?" takang tanong ko.
Nagkatinginan silang tatlo sabay tawa nang malakas na tila isang malaking biro ang aking sinabi. Parang sinapian yata ng engkanto 'tong mga baliw na 'to! Tsk! Malala na yata sila.
"Ano ka ba, Sisteret! Wala ka bang maalala sa nangyari kagabi? OMG ka talaga!" hagalpak ni Mimi.
Napakunot naman ang noo ko. "Kagabi? Ano bang mayro'n—" Natigilan ako nang muling bumalik sa aking alaala ang mga nangyari. Mula sa pagpasok namin ang kwarto ni Titus, pinunit ni Riri ang pirasong papel ng libro, isinayaw ako ni Amos at... Hala! Oo nga pala!
Gulat akong napalingon sa kanilang tatlo.
"Anong nangyari? Nagtagumpay ba tayo? O pumalpak?" kinakabahang tanong ko.
Nagkatinginan lang silang tatlo sabay ngisi sa akin ng makahulugan.
"Ano sa tingin mo, Sisteret?"
"Tingin ko— Ah! Ano 'yon?! Bakit naririnig ko ang boses ni Mimi sa utak ko?" natatarantang sambit ko, dahilan para mas lalo silang humagalpak ng tawa. Si Bibi ay napapaluhod pa sa sahig habang sapo ang tiyan sa katatawa. Si Mimi naman ay nagpagulong-gulong sa sahig, samantalang humiga naman sa kama si Riri at doon inilabas ang lahat ng tawa sa katawan.
Ako ang kinilabutan sa ginagawa nila. Napa-atras na nga ako sa takot dahil baka ibang tao 'tong mga kaharap ko. Anong nangyari sa ginawa namin kagabi at naging ganito ka-wirdo ang mga kapatid ko?
"Bwisit! Hindi ko inaakalang ganito ang magiging reaksyon ni Shishi sa ginawa natin!" Humagalpak pang muli ang maluha-luhang si Bibi.
"Grabe ka, sisteret! Nakakatawa ka talaga! Ang kulit ng hitsura mo kanina! Para kang batang takot na takot!" tumatawa pa ring dagdag ni Mimi.
Pinukulan ko na lamang sila ng nakamamatay na tingin. Mga bwisit talaga 'tong mga 'to!
"Pwede ba, tumigil na nga kayo! Ang sakit niyo sa tainga!" iritadong saway ko at pinaghahampas sila ng unan sa ulo. Mga walanghiya, e. Ayaw na lang ipaliwanag sa akin ang nangyari!
"Okay, ito na. Ipapaliwanag ko na," sabi ng nahimasmasang si Riri. "Alam mo kasi, Shishi, kaya mo naririnig ang boses ni Mimi sa utak mo ay dahil nagtagumpay po tayo, okay?"
Nagtagumpay?
Natigilan ako. Napakunot din ang aking ulo at pilit na pinoproseso sa aking utak ang kanyang mga sinabi.
Nang mapagtanto ko ang kaniyang sinabi ay nanlaki ang mga mata ko.
"H-ha? N-nagtagumpay tayo?" paniniguro ko at nagsitango lang sila. Napasinghap ako sa tuwa at gulat.
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasySimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...